Donna's POV
"Makita ko lang talaga yung pagmumukha nung bwisit na Sam na 'yun! Talagang makikita niya yung impyerno ng maaga! Pagkatapos ka niyang--"
"Daph, please wag mo na siyang ipaalala. Nakapag-move on na nga ako eh. And wala na akong pagmamahal sa kanya dito -->♡. Galit na lang ang nandito -->♥." Sagot ko.
"Sana nga." sabi ni Diana
Ano ba naman kasi nananahimik na yung taong sinaktan mo tapos babalikan mo lang ulit. Napairap ako nang tumunog ulit ang phone ko para sa new message.
[From: 09*********
Im coming back soon! ;-)]
"Si Sam." Matamlay na sabi ko.
" Magpalit ka na kaya ng cellphone number. Grabe 'wag na 'wag lang siya magpapakita talaga sa akin!!" sigaw ni Daph.
"Huwag na. Hindi ko nalang papansinin yung mga text or call niya." Sabi ko
"Okay. Ikaw nagsabi." Daph.
Bumalik na kami sa classroom nang tumung ang bell.
Zinelle's POV
"Teka nga, bakit ba parang kilala mo yung Sam Montez na yon?" tanong ko kay Dayne sabay kagat ng burger.
"H-ha? A-ah wala.."
Wait, I smell something evil. I think kailangan kong malaman kung sino yang si Sam Montez at anong kinalaman niya kay Dayne at Donna.
Daphney's POV
Napatingin ako kay Donna na mukhang problemado talaga. Bwisit kasi mga lalaki ang gugulo! Dismiss na ang klase kaya naman pupuntahan ko na yung adviser namin.
"Girlz, pupunta muna ako sa library. May pinapagawa kasi sa akin adviser natin. BYE." sabi ko kay Donna at Diana at umalis na.
Pagkapasok ko sa library medyo marami ang mga estudyante ngayon. Kadalasan kasi sa library pumupunta ang iba kapag tapos na ang klase. Maganda yung library namin eh hanggang 3rd floor siya. Sa 2nd floor halos computers ang nandoon. Tapos sa 3rd floor tables and chairs na lang lahat ng nandoon.
Pagkahawak ko sa librong hinahanap ko nakita kong may nakahawak din. Lalaki. Gwapo. Matang-- teka nga! Kukunin ko muna yung libro. Importante kaya yun.
"Hoy Asungot! Ibigay mo na sa akin yan." Sabi ko sa lalaki. Sinamaan ko siya ng tingin.
"E kung ayaw ko Masungit?" sabi niya.
"Ako naman nauna!" mariin na sabi ko. Bawal sumigaw dito nasa library.
"Edi kasi ako pangalawa." sabi niya sabay ngisi.
"Yun naman pala eh. Akin na yung libro."
"Ayoko."
"Akin na..!"
"Ayoko."
"Akin na sabi eh!!"
Para lang kaming tanga dito na nagta-tug of war gamit ang libro.
"Ayoko."
"Akin na sabi e--"
Nanlaki ang mata ko nang bigla kaming natumba at ang ending nakapatong ako sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Sa sobrang gulat niya kinuha ko na ang chance para maagaw ang libro sa kaniya. Tameme ampotek eh nagandahan siguro sa akin.
Hiningal ako ng kaunti kaya naisipan kong bumili muna ng drinks sa cafeteria. After that, dumeretso na ako sa faculty para maibigay yung libro.
"Ms. Lee, merong bagong transferee. And, can you please tour him around the school tomorrow?" Sabi ng adviser namin.
"Okay po." ako. No choice tayo eh.
Pagbukas ko ng pinto sumalubong sakin mukha nung Asungot. Ngumisi siya sa akin kaya inirapan ko. Tapos dumeretso na siya sa loob ng faculty.
Nawala naman pagka-irita ko nang maalalang may itutour akong transferee bukas na lalaki. Lord, sana gwapo. Naputol panalangin ko nang tumunog phone ko dahil sa bagong message.
From: Donna
Gud aftie! Here @ the house nakahiga..BTW.. meron akong announcement
.
.
.
.
.
.
Walang pasok bukas!! dahil Donna's Day daw. Yun lang. Wahaha..
#PastIsPast
gm
Anyare dito? Ganyan ba talaga kabigat problema nito? Ngayon ko lang nakitang nag group message 'yan na walang kwenta. Pasok na nga muna ako sa bahay.
------
(A/N: Sorry po ngayon lang nakapag-update. This week po kasi busy kami because malapit na po finals!! Yesterday nga nagbake kami ng cookies na parang mukhang malutong na hotcake haha. Pero masarap. Daldal ko ! Tama na nga kwentuhan.)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Teen Fiction"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie
