Chapter 14
Donna's POV
Nandito kami ngayon sa Star City, first time ko dito. First time kong pumunta sa mga amusement park. Ayaw ko kasi sa mga Amusement Park. Sounds like boring. Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Dayne na sumama sa kanya.
"Tara doon tayo sa Roller Coaster." pag-aaya ni Dayne.
He's wearing a plain gray shirt with black leather jacket and jeans. I am wearing a white tube cropped top and fitted skirt.
"Ayaw ko. Baka mahulog pa ako dyan. Tignan mo nga o, nakabaligtad sila." Ako.
"Haha. Safe naman kasi may harang kaya tara na." Dayne
"Psh! Sige na nga! Ang kulit mo." Ako.
"Waaaahhh!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga nandito sa ride. Wild river ata yung tawag dito. Yung may tubig. Tapos na kami sa Roller Coaster. Hindi ko namalayan na tapos na pala.
"Nako. Basang-basa yung mga damit natin. Tara bili tayo. Syempre libre ko." sabi ni Dayne.
Napatingin ako sa mga damit naming basang-basa na nga. Naka tube top pa naman ako mukha akong nag-swimming. Siya naman kahit may jacket siya ay basang-basa ang gray tshirt kaya naman kitang-kita ko yung abs nya dito.
Napatingin ulit siya sa suot ko. Umiwas siya ng tingin at hinubad ang jacket niya. Hoy ano 'to? 'Di pa ako ready sa mature roles!
Nagulat ako ng ipatong niya sa akin yung jacket niya.
"Suot mo muna bili tayo ng bagong tshirt," sabi niya.
"Good Afternoon Ma'am and Sir. Ano po hanap nila?" Tanong ng saleslady. Ngiting-ngiti pa kay Dayne. Tapos sumilip pa sa abs niya! Napairap tuloy ako.
"T-shirt sana for us." sabi ni Dayne
"Ah ok po. Couple Shirt po ba?" tanong ng Saleslady.
"Nako. Hin--"
"Oo. Couple shirt." Dayne
Luh epal eh 'di naman kami couple!
"Eto po yung couple shirt na nakita kong bagay na bagay sa inyo ng girlfriend niyo sir." sabi ng Saleslady.
"Hindi nga kam--"
"Babe, tignan mo oh. Bagay na bagay satin." sabi ni Dayne habang nakangisi at namumula.
"Nako, bagay na bagay po talaga kayo. At ang sweet niyo po."

BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Teen Fiction"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie