****Continuation...
That woman makes me remember my MOMMY.
{Highlights}
Naalala ko tuloy kung bakit nawala si Mommy.
Mga 9 years old palang ako noon. Si Mommy naman 38 years old na and buntis din siya.
Sunday morning, family day. Wala si Dad dahil busy siya sa company. Dahil yun na lang araw na kumpleto kaming pamilya, pinilit ko sila na matuloy ang family day. Pero, wala akong nagawa. Umiyak nun ako mga 1 oras lang naman. Dahil dun inaya ako ni Mommy na pumunta sa park. Walking distance lang ang lugar na yun mula sa bahay namin. Dahil dun napasaya ako ni Mommy. Simple lang naman ang mga gusto ko noon at mabait pa ako.
Sobrang saya ko noong araw na yun. Kaso napalitan naman ng lungkot na madadala ko habang-buhay.
Pauwi na kami nun. Habang naglalakad kami bigla na lang may nangholdap sa amin...sa Mommy ko. Hinawakan nila ako at may pinaamoy sa akin kaya nahimatay ako.
Nagising na lang ako na nasa hospital. Sermon ang inabot ko sa Dad ko. Kung hindi daw dahil sa akin buhay pa ang Mommy ko, kung hindi lang daw ako makulit, spoiled at marami pang pagbibintang ang sinabi niya sa akin.
Oo, namatay ang Mommy ko. Nakita nila ang katawan niya sa isang magubat na lugar at sunog ang katawan. Halos hindi na namin siya makilala dahil pati mukha niya sunog. Nakilala lang namin siya dahil sa suot niyang damit and mga gamit.
Hindi namin natuklas kung sinong gumawa nun hanggang sa matapos ang kaso.
Ilang beses akong nag-sorry kay Daddy kahit wala naman akong kasalanan. Hanggang sa sumuko na ako.
Magmula nun naging rebelde, pasaway at naging Devil na ako.
[[End of Highlights]]
"Moo, eto na."
Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Dayne at iniabot ang Zagu shake sa akin.
"Thank you." Sabi ko. "Anong tinitignan mo sa baba?" Tanong niya at tumingin sa baba. "May problema ba?" Dagdag pa niya.
Tumingin ulit ako sa baba kung saan nakita ko ang kahawig ni Mommy pero wala na siya doon.
"A-ah. Wala. Ahm. Moo, parang natakam ako sa Shawarma. Tara bili tayo." Sabi ko. "Ok. Sabi mo eh." Sabi niya ng nakangiti.
***
Dayne's POV
Sobrang saya ko ngayon dahil kami na ulit. Paano ko ba nalaman na Arranged Marriage lang pala sina Donna at Dayne?
{Highlights}
(AN: tignan niyo ang chapter 42 para mas maliwanagan kayo.)Natatandaan niyo pa ba nung nag-missed call ng 10x si Daphney kay Donna? Tapos nag-callback si Donna kay Daphney at ako ang nakasagot.
Ang sabi ni Daphney may tatanong sana siya kay Donna kaso alam na niya sagot.
Ang dapat tatanungin ni Daphney noon ay,, kung totoo bang Arranged Marriage lang sila.
Nalaman ni Daphney yun dahil sa mga private investigator na pinadala niya. Noong nalaman ni Daphney ang katotohanan agad niya akong tinawag at sinabi ang lahat-lahat.
[[End of Highlights]]
"Hmm.. ang sarap talaga ng Shawarma." Sabi ni Donna sabay sipsip sa Zagu niya.
"Ano pang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.
Nag-isip naman siya. "Ah... siomai! Oo, gusto ko ng siomai!!" Sabi niya na parang bata.
"Hindi ka ba pinapakain sa inyo? =_= " dahil sa sinabi ko nag-pout naman siya. "Psh. Tara na baka halikan pa kita dyan." Sabi ko.
"ha??" Tanong niya. "Sabi ko tara na." Sabi ko.
******
A/N: eto na po!! ^_^ so sad naman wala na masyadong nagbabasa ng MGD.. pero ok lang hihintayin ko kayong bumalik.Please vote and comment ^--^.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Ficção Adolescente"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie