Last Chapter

2.3K 45 3
                                    

--

S-siya ba talaga 'yan? B-bakit g-ganyan ang itsura niya? A-anong ginagawa niya dito?

Hindi ko namalayang napaluha na ako. "M-mommy..?" nanghihina kong sabi.

Napaharap naman sa akin si Mommy. Nagulat din siya nang makita ako. Bigla-bigla ay bumuhos ang mga luha niya. "A-anak? Donna, ikaw na ba yan?" Sabi niya at lumapit sa akin.

"Opo. Mommy, ikaw ba y-yan?" sabi ko. "O-oo anak. Ako 'to. Si Mommy..." Sabi niya at bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit! Shit! After how many years muli kong nakita at nakayakap si Mommy. Kahit na hindi ko siya magantihan ng yakap dahil nakatali ako.

Kahit hindi ko alam kung paano nagyari 'tong bagay na 'to ay pinabayaan ko muna dahil i'll take this moment first.

"Oh siya! May puso naman ako so, i'll give you an hour para mag-kamustahan! Tutal last day niyo naman 'to sa mundo eh." Sabi ni Winelle. Umalis sila sa loob ng silid at iniwan kami dito kasama ang batang babae. nilock nila ang silid para makasiguradong hindi kami tatakas.

"M-mommy... can you explain everything?" tanong ko. "Yes anak. I will."

Kinwento niya lahat-lahat. Magmula nung nakidnap siya hanggang ngayon.

Nung nakidnap siya akala namin patay na siya pero hindi pala. Set-up pala nila Winelle yung bangkay na nakita namin.

Pinahirapan daw siya ng husto ni Winelle kahit buntis ito. Ginawang katulong sa isang malaking mansyon na siya lang mag-isa ang naglilinis.

Maraming beses na daw siyang nagtangkang tumakas pero hindi niya nagawa.

Hanggang sa tinanggap na niya ang karmang natanggap niya sa mga kasalanan niya. Pinagsisihan na ni Mommy ang mga kasalanan na nagawa niya ka Winelle. Ngunit hindi siya pinatawad.

Isinilang niya ang kapatid ko. At iyon ay ang batang babaeng kasama namin ngayon. Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil siya yung batang babaeng nakipag-selfie sa akin noon sa Jollibee. Nagpakilala siya no'n ng Fiona Anne Costales. (Nasa chapter 20)

Ang saya kong may kapatid ako! Babae pa! At kamukha ko pa.

Kinabahan ako ng may naalala ako. "Mommy, kailangan po nating gumawa ng paraan para makatakas tayo dito." Sabi ko at kinuha ko ang cp ko.

Walang alinlangan kong tinawagan si Dayne. "Hello Dayne.." sabi ko.

[SHIT! DONNA! WHERE ARE YOU?!]

"Makinig kang mabuti.. kinidnap kami ni Winelle at ni Clumsy..!" sabi ko.

"Nandito kami ngayon sa mansyon nila. Please, iligtas m----"

BAANG!!

Nabitawan ko ang iphone ko ng pumutok ang baril.

Galing 'yon sa hawak ni Winelle ngayon. "What are you doing?!!" Sigaw niya.

"Winelle, patawarin mo na ako parang awa mo na. W-wag mong idamay ang mga bata.." Sabi ni Mommy.

"Naisip mo ba yan nung binaboy mo ako ha? HAH?" sigaw niya. "Ngayon, hindi ko na patatagalin pa ang buhay mo.." Sabi niya at itinapat ag baril kay Mommy..

"WAG!" sigaw ko at humarang kay Mommy.

BAANG!!

"ANAK!!" yan ang huling salitang narinig ko.

----
Third Person's POV

Hindi mapakali ang mga kamag-anak, kaibigan at ang boyfriend ni Donna dahil sa nangyari sa kanya.

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon