Chapter 20
Dayne's POV
Bakit ba kasi nag-aaway kami ngayon ni Donna? Dahil ba kay Zinelle? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung lalayuan ko si Zinelle, baka mas lalong aawayin na ni Donna si Zinelle dahil alam niyang kakampi ako sa kanya. But hindi ko kayang hindi iwasan si Zinelle because she's like my twin sister. Yes, may twin sister ako. Pangalan niya ay Fayne Chloe. She's in USA right now.
Paano ako magsosorry kung laging si Zinelle yung sinisisi niya. Alam ko naman kasing siya nagsimula panigurado.
Nandito nga pala ako ngayon sa classroom. Isang minuto na lang mag-la-lunch na. Kainip naman.
''You may now take your lunch." Sabi ni Maam.
Nakikita kong nag-aayos na ng gamit si Donna. Aayain ko na sana siyang mag-lunch kaso napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Dayne!!" Sigaw ni Zinelle sabay pasok sa classroom namin.
Humarap lang ako sa kanya. Bali nakatalikod ako kay Donna. Nabigla ako dahil kumapit siya sa braso ko. Pero napangiti rin pagkatapos. Para talagang yung kambal ko.
"Tara punta tayong mall. Doon na lang tayo mag-lunch. Please." sabi ni Zinelle at ngumuso.
"Eeww. Clumsy Dog." Bulong ni Donna.
"Ah, eh, k-kasi sabay kami ni," binitin ko muna sasabihin ko dahil haharap ako kay Donna upang makita ko ang reaction niya. Kaso, umalis na pala siya pagka-harap ko.
"Ni?" Tanong ni Zinelle
"A-ah, w-wala. Tara na?" Tanong ko.
"Waah! Payag ka? Yehey!" Sabi niya at yumakap sa akin.
She's like really my twin sister. Tanggalin lang ang pagka-clumsy at medyo pagka-childish.
Donna's POV
"Eeww. Clumsy Dog." Bulong ko.
Ngumuso ampotek. Aso ka girl?
"Tara na!" Sigaw ni Daphney
Excited parang first time lang mag-mall?
"Parang first time lang mag-mall?" Sabi ni Diana
Edi siya na mind reader!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Novela Juvenil"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie
