Chapter 21
Dayne's POV
Nandito na ako ngayon sa school. Hinahanap ko pa rin si Donna. Kailangan kong humingi ulit ng sorry.
Nilibot ko na halos ang mga building dito. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan. Kaya pupuntahan ko.
Pagdating ko sa mini park ng school, agad kong nakita si Donna. Nakaupo sa bench. Nakatalikod siya sa akin kaya kahit mag-zumba ako, hindi niya ako mapapansin.
"Donna," tawag ko.
Lumingon siya sa akin pero agad niya ring inalis ang tingin niya.
Umupo ako sa tabi niya.
"Kung pagsasabihan mo ako dahil sinigawan ko kanina si Clum--"
"Nope. Hindi kita pagsasabihan. I'm so sorry dahil hindi kita pinaniwalaan noon. Pero pangako hinding-hindi na ako maniniwala sa isang tao kung hindi ko alam ang totoong nangyari." Sabi ko sa kanya.
"Psh. Buti at pinaniwalaan mo ako." Sabi niya habang nakatingin sa lupa.
"Sa tingin ko hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Alam mo bang isang batang babae ang nag-sermon sa akin na ikaw ang paniwalaan ko. Ewan ko nga bakit kilala ka niya." Sabi ko at napatawa nang maalala na naman yung bata.
"Siya ba yung batang maputi, maganda at mukhang koreana?" Tanong ni Donna.
"Oo. Pero back to the topic. So pinapatawad mo na ako?" Tanong ko.
"Hindi." Mabilis na sagot niya.
Natawa ako. "Psh. Masyado ka namang pa-asa." Sabi ko.
"Tch. Hindi pa naman ako tapos sa pagsasalita nagrereklamo ka na agad. Ang sabi ko, hindi. Hindi ko na palalagpasin ang minutong ito. Pinapatawad na kita." Sabi niya.
Natawa ulit ako sa kaniya. Napaka-cute talaga.
"Talaga?" Tanong ko.
"Kung ayaw mo edi---"
"Thank you!!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Instant chansing to mga pre. Sarap sa feeling!
"Psh. Bitawan mo na nga ako. Wala ka paring karapatang yakapin ako." Sabi niya.
"Oh sige. Eto na lang."
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Teen Fiction"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie
