MGD39.5~ Her Brother

1.2K 35 1
                                    


Continuation

Zinelle's POV

"KUYA/ANAK??!" sabay na sigaw namin ni mommy.

"Kuya anong nangyari sayo??" Tanong ko kay kuya.

Kasi naman.. pumasok siya dito na duguan at maraming pasa.

"Anak, a-ano bang problema mo bakit nagkakaganyan k--"

"Bakit ba hindi mo ko maintindihan?! Ang sabi ko itigil mo na na ang kabaliwang ginagawa mo!!"

Paaakk!! (Slap)

For the first time sumigaw si Kuya sa loob ng bahay namin.. i mean, sa amin. Mabait na kuya at anak si kuya.

"Ano? Yan na lang ba ang lagi mong gagawin sa akin? Ang saktan ako?!!" Sigaw ni kuya.

Umiiyak na kaming lahat dito.

Booggsh...

Nabigla ako dahil nagtapon ng kung ano-anong bagay si Kuya dito.

"Kuya Zane tama na!!" Sigaw ko at lumapit kay kuya.

Biglang uminahon si Kuya. Yung mga mata niyang nanlilisik kanina, napalitan ng lungkot.

"Aalis na ako dito sa pamamahay mo. Hindi na rin ako makikipag-arranged marriage. Bahala na kayo sa buhay niyo at sa plano niyo!!" Sigaw ni Kuya Zane.

Humarap ako kay mommy at yinakap siya.

"I-im sorry mga anak. Sorry dahil dinamay ko pa kayo." Sabi niya.

"No mommy... ginusto ko ito. And beside, magagawa naman natin 'to without kuya." Sabi ko.

"Thank you anak." Sabi ni mommy. "I love you mommy..." sabi ko. "I love you too anak." Sabi niya.

I promise na magtatagumpay kami ni mommy.

Donna's POV

Nandito ako sa swimming pool area namin. Kung itatanong niyo kung anong ginagawa ko.... malamang nagsuswimming! Ano gusto nyo? Nagboballroom?? XD

Sarreh, problemado lang. Hay naku naman o!! Psh. Tsk.

"Ma'am Donna, may bisita po kayo." Sabi sa akin ni Manang.

"Sino?" Tanong ko. "Yung fiance niyo po ata." Sabi niya.

Psh. Tsismosa talaga to! "Sige papuntahin mo dito." Sabi ko.

Maya-maya dumating na siya sa pool area. Umahon na ako.

O____O

Psh. Manyak! Nagtataka kayo kung bakit ganyan itsura niya? Malamang nakaswim-suit lang kasi ako. Hindi naman ako nahihiya sa suot ko. Confident kasi ako sa katawan ko. Heller!! May abs kaya ako. Sige na ako na pinagpala.

"Hoy! Yung mata mo baka lumabas!" Sigaw ko sa kanya.

Natauhan naman siya sa pagsigaw ko. "Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Psh. Good news, nakagawa na ako ng paraan para matigil na ang kasal." Sabi niya.

"Talaga?? Paano?" Tanong ko. "Wag dito. Baka may makarinig sa atin." Sabi niya.

"Psh. Ok. Magbibihis muna ako." Sabi ko. "Kahit wag na.." sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Hindi pa man ako nakakatwo-steps bigla na lang akong nadulas.

The next thing I knew nasa taas ko si Zane then our lips met.

Daphney's POV

Nandito ako sa kama nagpapagulonggulong dito. Hindi mawala sa isip ko si Donna. Tsk. Bakit naman kasi nagalit agad ako sa kanya ng hindi siya pinageexplain! Ok. Buo na ang desisyon ko na pag-explainin ko siya.

Tawagan ko nga muna siya.

Calling Donna Babes...

[Kringg...]

[Kringg...]

[Kringg...]

[The number you had dialed is busy..]

[Toot-toot]

Tsk. Bakit hindi niya sagutin?? Psh. Mapuntahan na nga lang.

@Borja's Mansion

Tuloy-tuloy akong pumasok sa mansion nila. Kilala naman ako ng guard nila. Pagpasok ko sa main door nakita ko si Manang. Kaya tinanong ko kung nasan siya.

"Manang nasaan si Donna?" Tanong ko. "Nasa pool area po kasama si Sir Zane." Huh? "Ok thanks." Sabi ko nalang.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pool area nakita ko na silang dalawa. In a shocking position. Nasa taas ni Donna si Zane and they're kissing.

So kaya pala hindi niya sinasagot mga calls ko because naglalampungan silang dalawa... and sa pool area pa.

Ano pang ginagawa ko dito kung obvious naman na mag-fiance sila.

You dissapoint me Donna.. really.

♡¤·¤♡¤·¤♡
A/N: Yan na po!! So thank you sa paghihintay. Hope you liked it.

사랑해요!! ♥

엑소.......세훈

Love Me Right.

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon