MGD16

1.6K 44 2
                                    

Chapter 16


Zane's POV


"T-teka, Daphney!" Sigaw ni Donna


Eh paano kasi biglang umaalis si Daphney. Ano kaya problema niya lol.


"Daph!" Sigaw muli ni Donna kay Daphney pero hindi siya pinansin at tuloy-tuloy lang umalis.


Hahabulin na sana ni Donna si Daphney kaso pinigilan ko. Aba, syempre supportive friend ako gusto kong mag-date 'tong si Dayne at Donna. 


"Ako na lang." Sabi ko.


"Ha? O sige." sabi ni Donna.


Hinabol ko na si Daphney. Ang bilis maglakad! Hinila ko ang kamay niya.


"Daphney." tawag ko.


Nagulat ako nang humarap siya sa akin at naluluha siya. Hala, ano problema neto.


"B-bakit ka pa nandito? B-bumalik ka na doon." Sabi niya at umiwas ng tingin.


"Ano bang problema mo? Hinihintay ka na ni Donna doon." Sabi ko.


Ano ba 'yan ayaw ko nakakita ng babaeng umiiyak o malungkot eh.


"No need. Hindi na ako pupunta doon. And may gagawin pa ako. Sige." 


"Daphney please, alam ko hindi pa tayo ganoon ka close. Pero gusto kong makatulong sayo kung ano man ang problema mo." Sabi ko.


Oo, ganyan talaga ako ka-sweet sa mga babae. Kaya wag ninyo bigyan ng malisya. Medyo mas iba lang ang pakikitungo ko kay Daphney because mataray/masungit siya.


"I know a beautiful place. Let's go." Sabi ko.


Hinila ko na si Daphney at dumeretso sa parking lot.


"S-saan tayo pupunta? M-may meeting pa ako. H-hoy!" Sabi ni Daphney.


"Liar. Alam ko na ang mga palusot na 'yan." Sabi ko.


Dayne's POV


Matutuwa ba ako dahil umalis si Daphney? Magpapasalamat ba ako dahil sinundan siya ni Zane? Siguro oo! Hahahaha. Solo ko si Donna!! Party! Party! Toogsh! Toogsh! Toogsh! Sorry naman, masaya lang.


Tenenenenn

From: InZane

Umalis kami ni Daphney. So I declare na solo mo si Donna.


To: InZane

Thanks Bro!

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon