MGD9

2.1K 56 0
                                    


Chapter 9: Jealous


Donna's POV


"Alam ko nabigla ka. Pero I want to court you, gusto kita Donna. Nah, mahal na ata kita."


W-what?? That's so ewan!! Anong sasabihin ko?? Parang hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko at parang nahihiya. Isip-isip. Alam ko na! Dapat tarayan ko siya.


"And so? Wala akong pakialam sayo! I don't care about your feelings to me! You're just nobody for me! And kahit kailan hindi kita magugustuhan! Kaya kung may gusto ka sa akin at gusto mo akong ligawan,wag munang ituloy dahil wala akong maibabalik na sukli sayo! So back off."


Tinignan ko siya sa mata at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit parang gusto kong bawiin yung mga sinabi ko?


"If you say so." sagot niya at biglang umalis.


Tsk! Ano bang masama sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yung totoo ah!


I let out a hard sigh. Ganda problems talaga hay nako.


Bumalik na lang ako sa party. Nawala na nga ata yung pagka-bwisit ko doon sa Clumsy na iyon!


"Hoy Babae! Saan ka galing! Kanina ka pa namin hinahanap!" Pagsermon ni Daphney sa akin.


She looks so gorgeous on her cream ball gown dress. She's also wearing a light make up. Just to enhance her facial features same with Diana. We're wearing slight make up just to enhance. Diana is wearing a lilac colored heart dress.


"Weh?" Pang-aasar ko.


"Wag mo nga akong dinadaan sa mga pamimilosopo mong yan." sagot niya.


"Huh? Hindi naman kita pinapadaan ah."


"Isa." Daphney with a warning tone.


"Hoy! kung iniisip mo na hindi ako marunong magbilang, excuse me! kaya ko kayang mag-bilang hanggang 1000!"


"Dalawa." Daphney. Alam ko galit na siya niyan! hahahahahah!


"Tatlo!!! Wahhh!!" sigaw ko at sabay tumakbo!! Ang mature namin ano?


Sayawan na ngayon. Kahit maraming nag-aaya sa akin na mag-sayaw tinanggihan ko silang lahat. Nandito ako ngayon sa isang table at umiinom ng cocktail juice habang pinapanood ang mga sumasayaw. Tumingin ako sa paligid at may nahagip ang mga mata ko.


Napa-irap ako at napa inon ulit netong cocktail. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nawala sa mood.


Dayne's POV


Sumasayaw kami ngayon ni Zinelle sa harap ng stage.


"You're so very beautiful tonight." I said.


Ang ganda ng mata nya, matangos ang ilong, maamo ang mukha, maputi, at mapula ang mga labi nya. She's definitely beautiful.


"T-Thank you." Nahihiyang sabi niya. Haha! Ang cute niya.


"Zi--"


Napakural-kurap ako sa nangyari. Hinalikan ako ni Zinelle sa labi.


Mukhang natauhan siya at lumayo ng bahagya sakin.


"D-dayne s-sorry," sabi nya at halatang-halata na nagulat din sa sa nagawa nya.


Awkward. I don't what to react pero hindi naman masama ang ginawa niya. Single naman ako at siya. Hindi ko sinasabing nagustuhan ko pero ayaw ko lang magalit sa kaniya.


"I-it's okay." Pormal na sabi ko kahit ang totoo ay namumula ako.


Bigla naman akong napatingin kay Donna. Nagtama ang mga mata namin pero agad niyang iniwas ang mga mata niya. Tch. Galit ba sya? Kaya nag-walkout ako kanina sa rooftop kasi naalala ko na sasayaw pa kami ni Zinelle. Hindi ibig sabihin nun na titigil na akong manligaw sa kanya. Kahit pa ilang beses niya akong ipagtulakan.


Dumaan ang oras at natapos rin ang party. Kita mo nga naman nachambahan ko pa yung Mr. BIU.


Naalala ko na naman yung sinabi ni Donna. Hindi ki expect na ang award na 'yon ay sobrang importante sa kaniya. Kung tutuusin nasa kanya na ang lahat tapos yung award lang na iyon ang sinasabi niyang isa sa nagpapasaya sa kaniya.


Maaga akong pumasok sa school kinabukasan. Syempre ginanahan na pumasok. First day na ako yung Mr. BIU. Flex ko lang.


Pagpasok ko sa gate ng school nakita ko si Zinelle at bigla siyang lumapit sa akin.


"Dayne, pwede bang sabay tayong mag-recess mamaya?" Zinelle pouted.


Cute! Matatanggihan ko pa ba 'to?


"Sige ba." masayang sagot ko.


Sabay kami pumasok ni Zinelle at hinatid na siya sa classroom niya.


Lumipas agad ang oras at break time na. Sinundo ko si Zinelle sa classroom niya. Kanina sa classroom hindi kami nag-papansinan ni Donna. I'm only giving her a little space. Pagkatapos noon liligawan ko na siya!


Humanda ka sa mga matatamis na salitang ibibigay ko sayo Donna. Charot ang corny.


"Ako na lang bibili ng pagkain. Anong gusto mo?" tanong ko.


"1 burger w/ cheese and softdrinks only." sabi nya ng nakangiti.


••••••••••

Please vote and comment! Thankyouu!

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon