MGD32

1.2K 35 3
                                    

Chapter 32


Daphney's POV


Nandito kami ngayon sa garden. Kakatapos lang ng break time namin tapos vacant namin ng 2 subjects, so hanggang lunch. Hanga talaga ako sa mga teachers dito. Ang sisipag!


Kasama ko si Zane. Oo, kami lang. Hihihi. Sounds like kinikilig. Kaya nandito kami may sasabihin daw siya sa akin.


"Anong sasabihin mo?" Tanong ko. Pansin ko kanina pa siya tahimik.


Aamin na ba siya na may gusto siya sa akin? Na inlove na ba siya sa akin? Ayokong mag-assume pero kasi naman nagbibigay siya ng motibo.


"Gusto kong layuan mo na ako magmula ngayon." Sabi niya.


Napairap ako. "Psh. Ano nga kasi? Eto naman kala mo nakikipag-birua--"


"Hindi ako nagbibiro." Seryosong sabi niya.


Gusto kong tumawa ng peke kasi baka joke time lang talaga? Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.


"P-pero bakit?" Tanong ko.


Tumayo siya at tumalikod na sa akin.


"Hindi lahat ng bagay may rason.  And I know hindi ka naman mahihirapan. Ako lang naman ang taong laging sinisira ang araw mo. Kaya ngayon, wala ka ng poproblemahin." Sabi niya sabay naglakad palayo sa akin


Napaiyak ako. Hindi totoo yan. Sobrang mahihirapan ako.


Habang 'di pa siya nakakalayo hinabol ko siya. Gusto kong malaman niya ang totoo. Hinila ko yung kamay niya para matigil siya sa paglalakad ngunit hindi niya siya humarap sa akin.


"Zane, h-hindi sa ganon. Kahit na ikaw lagi ang sumisira sa araw ko, kinukumpleto mo pa rin eto dahil sayo. Mahal na kita, Zane. Hindi ko alam kung kailan pero isang araw pag gising ko, namimiss ko ang mga pang-aasar mo sa akin. Kapag inaasar mo ako hindi na ako naiinis. Sa halip ay napapangiti ako. Zane, mahal na kita." Sabi ko habang umiiyak.


"Thank you sa pagmamahal mo. Pero hindi ko yan masusuklian." Sabi niya at umalis na.


Naiwan akong nakatulala dito. Iniwan ako sa ere. Wow. Just wow. Napaka gulo niya. Anong meron at bigla niya akong pinapalayo? Pinaglaruan lang ba niya ako?


Zane's POV


"Zane, h-hindi sa ganon. Kahit na ikaw lagi ang sumisira sa araw ko, kinukumpleto mo pa rin eto dahil sayo. Mahal na kita Zane. Hindi ko alam kung kailan pero isang araw paggising ko, namimiss ko ang mga pang-aasar mo sa akin. Kapag inaasar mo ako hindi na ako naiinis. Sa halip ay napapangiti ako. Zane, mahal na kita." Sabi niya sabay hagulgol ng iyak.


Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal na niya ako? Bakit ngayon pa? Kung kailan napaka komplikado ng sitwasyon. Tsk.

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon