Dayne's POVPapasok na ako ngayon sa school. Hindi na ako nag-almusal dahil wala ako sa mood.
Pagdating ko sa school pinark ko na ang kotse ko then bumaba na ako. Pagkababa ko nagtilian na yung mga fangirls at fangays ko 'daw'. Hndi ko nalang sila pinansin. Dati kasi nginingitian ko sila.
"Ay.. hindi tayo pinansin."
"Psh. Syempre na-influence ng 3(D)."
"Buti na lang naghiwalay na sila ni Donna."
Nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi nila kaya lumapit ako sa kanila.
"Wag na wag nyong pagsasabihan ng masama ang 3(D). Kung ayaw nyong patulan ko kayo kahit babae o bakla kayo!" Matigas na sabi ko.
"Bakit?? Totoo naman ah!" Sigaw ng isang babae sa akin.
Papatulan ko na sana siya kaso may pumigil sa akin.
"Dayne tama na.." sbi sa akin ni...Donna.
I smirk. "Wow. Nagsalita ang sobrang bait." Sabi ko.
"Bakit ba hindi ka nalang mag-move-on?! Pwede namang maging magkaibigan nalang tayo ah!" Sigaw niya sa akin.
Sa sobrang inis ko hinila ko sya papunta sa likod ng school. Pagkarating namin doon hinila ko sya papunta sa pader para mapasandal sya sa pader. Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang braso niya.
"Sa tingin mo ganoon kadaling mag-move on?!" Galit na sigaw ko sa kanya.
Donna's POV
"Sa tingin mo ganoon kadaling mag-move on?!" Galit na sigaw niya sa akin.
Bakit ba kapag si Dayne ang galit tiklop agad ako? Sobrang galit siya ngayon, nanlilisik ang mga mata niya. Halos mabaon na ang mga daliri nya sa sobrang higpit ng pagkahawak niya.
Hindi ko na mapigilang umiyak.
"Ano bang masamang ginawa ko sayo bakit mo ako niloko huh??!" Tanong niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Halos nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha ko.
"Hindi kita nilok--"
Bigla akong nagulat sa ginawa niya. Kiniss nya ako yung tipong magdurugo na ang labi ko sa galit niyang paghalik sa akin.
Tinutulak ko sya hangga't makakaya ko. Hanggang sa nakahanap ako ng tsempo natulak ko siya pero hindi naman siya natumba.
Umiiyak pa rin ako. "H-hindi na ikaw ang dating Dayne na kilala ko." Sabi ko.
"Talagang hindi na!" Sigaw niya sa akin.
Maya-maya may sumigaw na babae sa likod ko at..
"Dayne!" Sigaw niya at niyakap niya si Dayne. "Ok ka lang ba?" Tanong niya.
"Oo. Ok lang ako." Sabi ni Dayne. "Tara alis na tayo. Gusto mo bang pumunta sa Anywhere?" Tanong niya kay Zinelle.
Oo. Si Zinelle. At talagang sa Anywhere pa eh. Dun kami unang kumain magkasama ni Dayne. T^T. Nakakapagselos naman. </3 . Tsk. Bakit ba kasi ganun ugali ni Tanda. Kung nandyan lang si Mommy. Hay.
"Sige. Let's go!! Haha." Sabi no Zinelle at humawak sa braso ni Dayne.
Umaakto sila na parang poste lang ako dito. Hindi man lang nila ako pinansin.
T____T
Sana matapos na ang problemang ito.
Zinelle's POV
Kitams? Niyaya ako ni Dayne sa Anywhere. Doon kami unang pumunta magkasama eh. Hihihi. Kinikilig ako. >////<. Sabi na nga ba hindi ako matitiis ni Dayne eh.
Pagdating namin sa harap ng kotse niya hinihintay kong pagbuksan niya ako ng pinto. Kaso nauna na siyang pumasok. Tsk. Ok lang yan. Malay mo ganon din siya kay Donna.
Pagdating namin sa Anywhere, kumain na kami. Pagkatapos nun hinatid na ako ni Dayne sa bahay namin. Pagkaalis niya pumasok na ako sa bahay.
Pagpasok ko sa loob...
*Boogsh!!*
Nagulat ako ng may biglang nabasag na vase and ang pinagmulan nun si Kuya. He looks pale. Sobra na ba talaga siyang nasasaktan? Well, i don't care. Wala rin naman kasi siyang pakialam kay Mommy. I love my Mommy very much. Alam ko kung gaano kasakit ang mga ginawa nila noon sa kanya. And i'm willing to help her for that. And nakikinabang naman ako sa revenge niya so ok lang.
Lumapit ako kay Kuya. "Kuya ano ba?! Tigilan mo na nga yan! Kung kaikan naman kasi malapit ng matapos ang revenge ni Mommy dun ka pa sasatsat!" Sigaw ko sa kanya.
Dumudugo na ang mga kamay niya dahil sa mga binabasag niya.
"Malay ko bang pati ako dinadamay nyo?! Nanahimik lang ako dito tapos isasali nyo ako sa kabaliwan nyong dalawa ni Mommy?!"
*Slap!!*
Oo, sinampal ko si Kuya.
"Bakit ba ang kulit mo?! Sinabi ko ng hindi kabaliwan ang ginagawa namin! Revenge Kuya! Revenge!!" Sabi ko
Napabuntong hininga si Kuya. "Baliw na talaga kayo." Sabi niya at umalis.
Tsk! Kami? Baliw? The! Psh. Alam kong seryoso si Kuya na tawagin kaming baliw. Pero whatever.
♥♥♥
A/N: yan na po! Haha. Thank you sa pag-aantay! Mwah :-*
N: try ko ulit mag-update later or bukas! Bumabawi ako sa inyo.
Kamsa!!
Q: Sino gusto niyo unang magkaroon ng sidestory sa mga cast? Comment kayo guyz. (Suggest)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Ficção Adolescente"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie