MGD27

1.2K 34 7
                                    

Chapter 27


Dayne's POV


Pagkatapos tumakbo ni Donna, susundan ko na sana siya kaso pinigilan ako ni Zinelle. Oo siya ang humalik sa akin.


"Hayaan mo muna siya." Sabi sa akin ni Zinelle.


Sinamaan ko siya ng tingin at hinila ko ang kamay ko ng marahas. Sigurado akong nasaktan siya doon dahil malakas ang pagkakahila ko.


Bago siya umalis papuntang U.S. nakapag-bonding kami. Doon ako nagsimulang mairita sa kanya. Ewan ko ba kapag lumalapit siya sa akin naiirita na ako.


Sinundan ko na si Donna. Papunta ako ng parking lot. Buti na lang at paalis pa lang siya. Kaya sinundan ko ang kotse niya.


Tumigil siya sa harap ng isang bubble tea shop.


Oo nga pala favorite din nya 'to.


Umupo na siya doon sa vacant table at umorder. Ako naman umupo sa table na 2 tables ang pagitan sa kaniya. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya malamang hindi niya ako makikita.

Hahayaan ko munang mabawasan ang init ng ulo niya sa akin. Pagkatapos, kakausapin ko siya.


Donna's POV


Grabe ang sarap! Sobrang nabusog ako. Sino ba naman ang hindi mabubusog sa Bubble tea, sansrival, and chocolate muffin?


Kapag talaga may problema ako, lumalamon lang talaga ako ng pagkain. Kaya nga noong last heart break ko, nanaba ako. Tapos puro inom pa sa bar. Speaking of bar, tagal na naming 'di nakakapag-bar ng 2(D). Yayain ko nga mamaya.


Pagkatapos ng 5 minutes, kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Dalawang hakbang pa lang ang nalalakad ko nang biglang may humila ng kamay ko mula sa likod.


"D-dayne,"


"Mag-usap tayo." Mahinahon na sabi niya sabay hila sa akin papuntang parking lot.


Pagkasakay namin sa kotse niya nagsalita na ako para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin. Lalim non.


"What are we gonna talk?" I asked.


"About us." Sabi ni Dayne habang hindi inaalis ang tingin sa daan.


Natawa ako ng sarkastiko. "Us?  Are you kidding me? Sa pagkakaalam ko hindi pa kita sinasagot so tayo."


Kahit gusto kong sabihin na mahal ko na siya, may pride pa rin ako. Ano 'to? Joke? Kay Clumsy tapos sa akin ulit?


"Are you jealous?" Tanong niya with his serious face.


My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon