Dayne's POV
Bakit wala pa si Donna? Malapit ng mag 8:00. Baka traffic? Kasi kanina nagtext siya sa akin na malapit na siya sa school. Imposible naman 1 hour ang traffic, e malapit na siya sa school. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.
Tinetext ko siya pero hindi naman siya nagrereply. Imposible din na naubusan siya ng load dahil nakaplan ang cp niya. Nag-call din ako sa kanya pero nagriring lang. Tsk.
Kailangan ko siyang hintayin hanggang matapos ang first subject.
---
Natapos ang first subject pero hindi siya pumasok. Iba na talaga ang kutob ko.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil uuwi na ako para hanapin si Donna. Sasabihin ko na lang sa mga teachers na masama ang pakiramdam ko. Nagmamadali akong lumabas ng classroom. Sa kasamaang palad...
*Booogshhh..
"OUCH!!" sigaw ng babaeng nabunggo ko. Masama ata ang pagbagsak niya.
Tsk! Nag-angat siya ng tingin at nalaman kong si Zinelle pala ang nabunggo ko. Haysth!
"Ok ka lang?" Psh. Pang-baliw lang ang tanong kong 'yon pero nagbabakasakali akong ok lang siya para mahanap ko na si Donna. "O-oo, ok lang ako." Sabi niya pero halatang hindi.
Tinulungan ko siyang tumayo. Binitawan ko siya ng konti pero muntik na naman siyang matumba. "Ihahatid kita sa clinic." sabi ko.
"H-huh? w-wag! T-takot kasi ako sa mga Doktor or sa hospita at clinic!" sabi niya ng maluhaluha. "Wag kang matakot. Nandito naman ako e. Sasamahan kita." Sabi ko.
"Talaga? s-salamat." Sabi niya. Binuhat ko siya ng pangkasal at dinala na sa clinic.
--
"Ok naman siya. Kaso kailangan pa niyang manatili dito dahil may 'oonting injure siyang natamo sa balakang dahil sa pagbagsak." Sabi ng nurse dito.
"Salamat po." sabi ko. "Sige maiwan ko muna kayo." sabi ng nurse.
Lumapit ako kay Zinelle na nakatingin sa akin ngayon. "W-wag mo kong iwan dito, natatakot ako.." sabi niya.
"Oo, don't worry hindi ako aalis dito." sabi ko.
*Kriingg
Tinignan ko naman kung sino ang tumatawag. Si Daphney....
[Shit!! Dayne! Asan ka?!]
Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya habang umiiyak. "Nandito ako sa cli--"
[Hindi mo ba alam na kinidnap si Donna?!!!]
@#!#%$#%#^! oo nga pala! nakalimutan ko. "Nasaan ka?" Tanong ko.
[Nandito ako sa condo ni Zane. Pumunta ka dito ngayon din!]
*Toot-toot
"Anong nangyari?" tanong ni Zinelle. "Kailangan kong umalis. Sorry." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko. Umiiyak na siya ngayon. "Sabi m hindi mo ako iiwan? Dayne, natatakot ako." sabi niya.
"Kinidnap si Donna! Mas kailangan niya ako ngayon. At sa tingin ko mas natatakot siya ngayon kesa sayo!" hindi ko na napigilang sumigaw.
Nagulat naman si Zinelle sa inasta ko. "S-sorry..." sabi niya.
Umalis na ako at pumunta na sa condo ni Zane.
--
Donna's POV
Nagising ako sa isang silid na madilim. Shit! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari?
Unti-unti kong naalala ang mga nangyari. Nakidnap ako! ay mali! naTEENap ako! okay, walang oras sa pagbibiro ngayon.
Patay! Nasan ba ako? Tsk. Kinapa ko ang shirt ko at laking tuwa ko dahil nandon ang iphone ko! Yes! Haha. May bulsa kasi ang shirt ko ngayon kaya dun ko ibinulsa.
Tinignan ko ang phone ko at nakita kong ang daming messages and calls from Daphney, Dayne, Zane, and Diana.
Thanks God! dahil nakasilent ang phone ko hindi narinig ng sino mang humuli sakin ang phone ko.
May narinig akong mga yabag sa labas ng silid kaya mabilis kong itinago ang phone ko.
Nakita ko ang dalawang lalaking na pumasok sa silid. Infairness gwapo ang isa! Mukhang mayaman yung isa. Tapos yung kasama niya mukhang bibili lang ng toyo sa kanto. "Hoy! Mga oranggutan! Bakit ako nandito?!" sigaw ko at tumakbo sa kanila upang pagsusuntukin kaso nahawakan na nila ako. Psh!
Inupo nila ako sa upuan at itinali ang kamay at paa ko. "Hoy! Pipi ba kayo o sadyang natameme lang kayo sa ganda ko?!" sabi ko sa kanila. Tumawa naman sila.
"Oo miss, maganda ka. Kaso mukhang hindi ka tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo eh." sabi ni Oranggu. Isa lang naman ang mukhang oranggu eh.
"Paki mo? Bakit ba kasi nandito ako!!!!!!!!!!!!" sigaw ko sa kanila kaya tinakpan nila ang mga tenga nila.
"Pwede miss wag kang sumigaw!!" sigaw nung mukhang mayaman. "E BAKIT IKAW SUMISIGAW?!!" sigaw ko rin.
"EH GUSTO KO EH!" sigaw niya. "EHH GUSTO KO DIN EH!!!!" sigaw ko.
"What's happening here Xayne?" sabi ng babaeng bigla na lang sumulpot sa silid.
"WINELLE?!"
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Novela Juvenil"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie
