MGD13

2K 47 3
                                        


Donna's POV


Kringgg...
Kringgg...
Kringgg...


Hay ano ba yan! Sino naman kaya 'to. Kakagising ko lang dahil sa tawag na 'to.


Dayne's Calling...


Sinagot ko yung call. Alam niyo kung paano niya nakuha number ko? Noong may group project kami kinuha niya.


"Hello!! Ang aga-aga nambubulabog ka! 'Di ka ba concern sa mga taong natutulog?! Hoy!" sigaw ko. Aga-aga nang-iinis.


[I love you too haha]


Parang gusto kong masamid kahit wala akong iniinom na tubig. Pakiramdam ko ang init na ng mukha ko ngayon. Nagising diwa ko.


"Kung wala kang matinong sasabihin, ibababa ko na--"


[Chill lang. Magbihis ka ngayon. Mag d-date tayo. Huwag ka ng mag-breakfast sabay na lang tayo. No buts. I'll fetch you. Love you. Bye.]


"Hoy! Paano kung ayaw ko? Feelin-- HOY! HELLO! ABAT BINABAAN MO PA AKO!"


Tutal wala naman akong gagawin ngayong araw sige pupunta na ako. I am wearing a chanel cropped top and high waisted denim skirt. I am also wearing a 6 inches high heels.


Pagkababa ko nadatnan ko si Winelle sa kusina. Napairap ako. Okay chill lang Donna, may date ka pa.


"Oh, gising ka na pala. Halika kumain ka na pinaghanda kita ng breakfast." Sabi ni Winelle ng nakangiti. Tinuro niya ang mga pagkaing nakahapag.

Gusto kong itago ang gulat na reaksyon ko dahil sa nakita. Sumang bulagta at tsokolateng batirol. Paano niya nalaman ang mga favorite province breakfast food ko? Si mommy lang ang may alam niyan. And Daddy don't know that because he's always busy.. Pero paano niya nga nalaman? Hindi kaya... scratch that. Imposible. Kahit na gusto ko ng kainin yon tiniis ko dahil wala namang kwenta kung siya yung nagluto.


"No thanks. Hindi ako dito magb-breakfast. Baka may lason pa yan." Sabi ko. At umalis na sa dining room.


"Sana balang araw matanggap mo ako. Hindi ko nga mapapantayan ang mommy mo pero i'll do my best para matanggap mo ako." dagdag pa ni Winelle.


Hindi ko na siya pinansin. Sakto at dumating na si Dayne. Bumaba na siya sa kotse niya at pinagbuksan ako. Infairness, gwapo siya sa sunglass, black pants and checkered polo niya. He started the engine.


"Good Morning sweetie." ngiti niya.


Sweetie amp. Corny talaga.


"Psh. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon