MGD11

1.9K 47 3
                                        


Chapter 11: Sam Montez


Dayne's POV


Papasok na ako ngayon sa classroom namin. Maaga akong pumapasok baka sakaling kaunti pa lang ang mga tao at matiwasay akong makakapasok ng classroom.


"Oh my goshh.. Nandyan na si Dayne."


Ay awit, ang aga rin nila.


"Emeged. Oo nga."

"Tara puntahan natin."


Maya-maya may lumapit sa akin na babae. Nakangiti lang siya sakin at mukhang kinakabahan pa.


"Hi Dayne."


Nginitian ko lang siya. Ayun, bumalik na sa upuan, nagtampo ata. Hindi ko rin maintindihan talaga mga babae. Paiba-iba ng mood.


Ngayon ko na pala liligawan si Donna. Nag-side ako para mapaharap sa kanya at dumamoves. Nasa left side ko kasi siya.


" Sabi nila kapag may nawala maraming darating. Sabi ko naman, huwag na silang dumating. Wag ka lang mawala sa akin." Banat ko sa kaniya.


Ang galing ko talagang bumanat. Limited edition lang mga 'yan huy!


"...."


Hindi siya sumagot. As in kahit pagtataray? Hindi nga siya nakaharap sa akin e. Nakatulala.


"Ahm, Princess, galit ka pa ba sa akin dahil nabigla kita noong pageant? Sorry, hindi ko naman kasi alam na mabibigla kitang ganon." Sabi ko.


"...."


Anak ng? Ganyan ba talaga siya kagalit sa akin? Last na lang talaga 'to.


*poke* *poke*


"Uyy.. Donna, kanina pa kita kinakausap." Sabi ko.


"H-huh?? May sinasabi ka?" Siya.


"Ahh. Wala. Nevermind." Sagot ko.


Tsk! Hindi pa ako pwedeng mag-start manligaw ngayon dahil parang may problema siya. Tsk. Sabagay, makakapaghintay pa naman ako.


Donna's POV


Tsk.


" Hoy! Kanina kapa nag t-tsk dyan ha. May problema ka ba?"


Nang-iinis ba siya? Pwes. Iba na ang Donna na kilala niya na dati, easy-to-get, hindi palaban kahit kami ang nagmamay-ari ng school.


"Donna may gumagapang na snake sa leeg mo!!" sigaw ni Daphney.


"H-HUH?? Nasaan?" Sigaw ko sabay hinanap yung snake na sinasabi niya.

"So may problema nga? Ano bang problema mo? Buntis ka ba? May anak ka na ba? Positive ka ba sa drug test? Pusher ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Daphney.


"E kung mukha mo kaya ipush ko?"


"Hehe. Joke lang. Ikaw talaga ang cute mo kapag galit,"
( ,^^)--C<< >u


"So ano nga yung problem?" tanong ulit ni Daphney.


Nandito nga pala kami ngayon sa cafeteria at kumakain na naman siyempre.


"Wala." sagot ko.


"Oh come on, Donna. We know na may problema ka. Tell us, malay mo may maitulong kami." sabi ni Daphney

"Okay. Fine. May ipapakita ako."

Kinuha ko yung iphone ko at pinakita ko yung messages.


"SAM MONTEZ??!!" sigaw ng dalawa. Awit, pati si Diana napasigaw na.


Zinelle's POV

*kringgg*

Yes! Breaktime na! Makakasama ko nananaman si Dayne. Maya-maya dumating na siya sa classroom namin.


"Tara?" Pag-aya ni Dayne.


Napaka gwapo talaga! Messy yung hair pero ang gwapo pa rin at linis tignan bakit ganon? Ang bango pa!


"Let's go!!" Masayang sabi ko.


Nakaupo na kami ngayon sa isang table. Habang kumakain kami nagkwekwentuhan lang. Sadly, si Donna ang pinag-uusapan. Pero ang masaya, hindi pa siya nanliligaw sa kaniya.


"Tapos kanina pa ako nagsasalita hindi naman pala siya nakiki--" Hindi na naituloy ni Dayne yung sasabihin niya dahil may sumigaw ng malakas.


"SAM MONTEZ?!" sigaw noong dalawang kasama ni Donnana.


Napatingin naman sa paligid si Daphney at humingi ng sorry dahil sa kaingayan. Psh. Arte! Baka nga sinadya niya lang yon para mapan-


" Ano raw sabi?" tanong nDayne habang nakatingin pa rin sa kanila.


"Sam Montez daw ata." Sabi ko.


"S-sam Montez?" Tanong niya ulit.


"Psh. Oo nga. Paulit-ulit? Unli lang?" Pang-aasar ko.



♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

My Girlfriend is a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon