Chapter 30
Donna's POV
Pagkagising ko ginawa ko na ang morning routine ko. Tuwing naaalala ko yung sinabi ni Dad kahapon hindi ko maiwasang mapaiyak. Umalis na kagabi si Dad. Umuwi lang siya para sabihin yun. Mamaya babalik siya para sa dinner dahil meet the fiance thingy na.
Ilang minuto lang may bumusinang kotse. Si Dayne.
"Good Morning Moo." Masayang bati niya sa akin nang makapasok na sa kotse at hinalikan ako sa labi.
"Good Morning." Sabi ko.
Hangga't maari pinipilit kong maging masigla. Pero sa loob parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Pagkasakay namin ng kotse ni Dayne bigla siyang nagtanong sa akin. "Moo, bakit namumugto ang mga mata mo?" Tanong niya.
"A-ah.. nanood kasi ako ng 3 movie kagabi eh. Eh nakakaiyak. Kaya ayun." Sabi ko.
"Tss. Huwag ka ng manonood ulit nun ah. Baka pumanget ang Moo ko eh. " Biro niya.
"Psh. Bakit? Kapag pumanget ako hindi mo na ako love? Paano kapag hindi na ako sexy? Hindi mo na rin ako love?" Tanong ko na may pagtataray.
Binibiro ko lang siya. Nagulat ako dahil bigla niyang itinigil ang kotse. Tapos bigla siyang humarap sa akin then he cupped my cheeks.
"Moo, kahit na pumanget ka, hindi na sexy, at kahit ano pa, mamahalin pa rin kita. Kaya huwag ka ng magdrama dyan. I love you." Sabi niya.
Hindi ko napigilang maiyak. Mahal niya talaga ako. Paano kapag nalaman niya na may fiance nya ako? Mamahalin pa rin ba niya ako?
"Moo, bakit ka umiiyak?" Tanong niya na may halong pag-aalala.
"W-wala. Tears of joy lang kasi nalaman kong mahal na mahal mo talaga ako. I love you too, Moo."
Half day lang kami ngayon kasi wala yung mga teachers namin para sa afternoon class.
"Tara, bubble tea?" Dayne asked.
"Sure."
Mapait ang ngiti ko nang maisip na baka eto na ang last na bubble tea date namin. I wanna treasure this moment. Baka eto na rin ang last date namin, last na makasama ko siya after school, last na makasama ko siya.
He just told me some funny stories from his childhood. I wish I can hear more of his stories. After that, umalis na kami.
Nang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng mansyon namin parang ayaw ko ng bumaba. Pagkababa ko mawawala na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Devil
Teen Fiction"I'm a devil and you're just nobody for me, so don't care" Completed: 02/07/15 - 08/09/15 highest rank: #416 TEEN FICTION bc: betaerie
