"Ate Althea, patulong naman sa assignment ko."
Napatingin ako sa binabasang libro ni Alexa. Mathematics. Kaya siguro nakakunot na naman ang noo ng isang 'to.
"Tungkol saan ba 'yan?"
"Kanina ko pa nire-review ang notes ko sa discussion namin kanina.Pero hindi ko talaga alam paano i-solve ang problems."
Katatapos ko lang sa sarili kong mga assignments kaya tinulungan ko na lang si Alexa. Hindi din naman ito ang una. Minsan nga mas gusto ko na lang matulog ng maaga kasi madalas ako na talaga ang gumagawa ng mga assignments niya. Kahit anong turo ko kasi sa kanya, hindi niya talaga ma-gets. Naiirita na ako minsan kaya ako na ang nagkukusang loob na sumagot.
"Ang galing mo talaga sa Math ate. Anong sekreto mo?" pabirong tanong ni Alexa nang natapos na naming sagutan ang lahat ng problems.
"Focus lang naman. Try mo din minsan Alexa."
Natawa lang siya sa sinabi ko. Magaling naman si Alexa sa ibang subjects pero kapag Math talaga parang hindi nagpa-function ang utak niya.
Kinabukasan, maaga akong nakarating sa classroom. Konti pa lang ang tao sa classroom at may ilang minuto pa bago mag flag ceremony kaya pinatong ko muna ang ulo ko sa arm rest at pumikit. Wala din naman akong makausap kasi wala pa sina Ella at Rhea.
Ilang minuto pa lang akong nakapikit nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Dumilat ako at si Miguel ang unang nakita.
"Oh, sorry. Nagising ba kita?" tanong niya. Medyo basa pa ang buhok niya at may nilalaro na game sa cellphone.
Umiling ako at tiningnan lang siya. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang maputing polo na suot niya. Ngayon ko lang na-realize na ang neat niyang tingnan sa suot na school uniform.
"Ang aga mo ata ngayon?" tanong niya.
Tumuwid ako ng upo bago sumagot. "Medyo maaga lang nagising. Ikaw? Kadarating mo lang?"
"Hindi. Kanina pa ako. Ako kasi ang nagdadala ng susi."
"Ahh. Ganun ba."
Hindi ko na alam kung ano ang idudugtong sa sinabi ko. Hindi kasi kami parati nag-uusap. Ang awkward.
Sasabihin ko na sana sa kanya na narinig ko na ang kantang Superman pero inunahan niya ako sa pagsasalita.
"Gusto mong makinig ng music?"
"Ah, sige," sagot ko na lang.
Nagdalawang-isip pa ako nang inilok niya sa akin ang isang earphone. Pero dahil hindi ko din naman kaya ang katahimikan, tinanggap ko na at nilagay sa kanang tenga. Nilagay naman niya sa kaliwang tenga ang sa kanya.
♫ My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind ♫Isang hindi pamilyar na kanta ang naka-play sa cellphone niya. Pero ilang segundo pa lang, nagustuhan ko na. May bago na naman akong ida-download mamaya.
Tahimik lang kaming nakikinig ng music hanggang sa dumating na si Ella. Binalik ko kay Miguel ang earphone niya at nakipag-usap kay Ella. Malapit na ding magsimula ang flag ceremony kaya sabay na kami ni Ella na lumabas at bumaba papuntang ground. Hindi ko na napansin ulit si Miguel pero alam kong bumaba din siya. Required kasi lahat ng estudyante na sumali sa flag ceremony.
"Close na kayo ni Miguel?" tanong ni Ella pagkatapos ng flag ceremony. Pabalik na kami ng classroom at mukhang ngayon lang niya naalala ang nadatnan niya kaninang umaga.
"Hindi," tipid kong sagot. Hindi naman talaga.
Magkaibigan sina Ella at Miguel. Ang alam ko, magkaklase sila simula first year. Kaya siguro tinuturing akong kaibigan ni Miguel dahil magkaibigan kami ni Ella. Ganun naman yun 'di ba? Kaibigan mo ang kaibigan ng kaibigan mo.
At dahil close sina Ella at Miguel, hindi na ako nagulat nang naging magkatabi sila sa bagong seating arrangement na in-assign ng aming homeroom teacher na si Sir Walter.
Hindi namin kinailangang lumipat ni Rhea pero dahil girl-boy ang set up namin, lumipat si Ella sa likuran ni Rhea. Ang isa pa nilang kaibigan na si Dominic ang tabi na ngayon ni Rhea. Ang bakanteng upuan naman sa tabi ko ay okupado na ng aming treasurer na si Benj. Benjamin ang buo niyang pangalan. Pero dahil mas babae pa siya kesa sa akin, ilang ulit niyang ni-remind na wag siyang tawagin sa buo niyang pangalan.
"Uy baka magbalik-loob ka sa pagiging lalaki dahil kay Althea, Benj ah," tukso ni Rhea.
Naghihintay na kami sa guro namin sa next subject at ang pinag-uusapan pa rin ay ang bago naming seating arrangement. At ayon kay Sir Walter, mananatili na ito sa buong taon.
"Eww. Baka si Althea ang maging tomboy. Hindi natin alam," sagot naman ni Benj.
Natawa ako sa sagot ni Benj. Ang confident naman talaga. Pogi naman si Benj. Maputi din siya at sakto lang ang height. Sayang nga lang at pareho pala kami ng tipo.
"Althea, anong Facebook account mo?"
Naputol ang tawanan namin sa tanong ni Miguel. Pati ata sila Ella nagulat.
"Pangalan ko lang," sagot ko.
"Hoy, Miguel. Ano yan?" si Benj. "'Yang mga galawan mo talaga. Alam na alam na namin 'yan."
Itatanong ko pa sana kay Benj kung ano ang ibig niyang sabihin pero dumating na si Sir Mendoza.
I was still so naive back then. I didn't know it's wrong to assume but I did.
Pagkarating ko sa bahay galing eskwelahan, tiningnan ko agad ang aking Facebook account. Hindi ko man maamin sa sarili ko noon pero alam kong naghintay talaga ako sa friend request niya. Pero nakatulog na lang ako at hindi pa din dumating.
Hindi din mawala sa isipan ko ang sinabi ni Benj. Kaya humingi ako ng sign. Kapag may dumating na friend request mula sa kanya bago mag Sabado, ibig sabihin espesyal nga ako para sa kanya.
A childish sign to ask for. But I was too young back then. And I hold on to that sign and patiently waited until Friday.
Pero hindi dumating.
Nang puntong 'yon, dapat tumigil na ako. Dapat winala ko na lahat ng haka-haka sa isipan ko. Dapat kinalimutan ko na ang mga sinabi ni Benj. Dapat hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon ang sarili ko na mahulog sa kanya.
"Althea!"
Nilingon ko ang tumawag. Lunes ng umaga at papasok pa lang ako ng gate ng eskwelahan namin. Huminto ako sa paglalakad para makahabol siya. Ngumiti ako kahit na siya ang dahilan kung bakit hindi ko ma-enjoy ang weekend ko.
"Good morning," bati ni Miguel.
"Good morning din."
"Nakita kita kaninang sumakay ng traysikel. Malapit lang pala ang bahay niyo sa amin," nakangiti niyang sabi.
Napangiti din ako. Nahawa ata ako sa ngiti niya.
Pero nahawa ba talaga o sumaya ako ng konti sa narinig na magkapitbahay pala kami? Oh 'di kaya ay sumaya ako ng konti dahil siya ang una kong nakausap ngayong umaga? At sabay pa kaming pumasok kahit na nagkataon lang naman.
The sign I asked for said I should stop whatever I was starting to feel for him. But I didn't. Instead, I believed it was all destiny's work. And I started falling for him even more.
***
vote | comment | share
featured song: All of Me by John Legend
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...