Ilang araw din kaming naging busy dahil sa project na binigay ni Sir Walter. Ang swerte ko pa nga dahil sina Ella at Rhea ang naging kagrupo ko. Nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay at cooperative din sina Miguel at Dominic.
Tinapos namin ang lyrics ng kanta nang hapon na yun. Nanatili kami sa classroom at nag-isip ng mga linya na may kaugnayan sa Math. Mabilis naman kaming natapos dahil nagbigay ang lahat ng kanya-kanyang suggestion. Mabilis ding na-finalize ni Miguel ang lahat kaya nakauwi din kami ng maaga.
Pagkatapos ng project naming yun, naging madalas ko na silang nakakagrupo. Minsan sa isang group project namin sa Filipino, apat lang ang kailan pero napilit namin ang guro namin na lima kami sa grupo. At dahil dun, mas naging malapit ako kay Miguel. Madalas na kaming nag-uusap at paminsan-minsan ding nagkakasabay umuwi. Hindi nga lang palagi dahil kailangan niyang manatili sa classroom hanggang matapos ang cleaners sa palilinis. Siya din kasi ang nagla-lock ng classroom namin.
Minsan, kapag maagang natatapos ang last subject namin sa hapon at dala ni Dominic ang kanyang gitara, sinasamahan ko sila saglit. Nagiging jam session kasi lagi kapag nag gigitara na si Dominic.
"Our Song naman Dominic," request ni April, ang class treasurer namin.
Tapos ng maglinis ang mga naka-assign ngayong araw at nakauwi na ang iba. Kami nalang nina Miguel, Dominic at ilang officers ang naiwan sa classroom.
"Taylor Swift ba 'yan? Hindi ko alam yan, eh."
"Ay, sayang naman," dismayadong sabi ni April.
Ako din naging dismayado. Isa din kasi sa paborito ko ang Our Song.
"Akin na Dominic."
Medyo nagulat ako nang inabot ni Dominic kay Miguel ang gitara.
"Marunong kang mag gitara?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Konti," sagot niya at nagsimula nang mag-strum sa guitar. Kabisado ko ang kanta pero hindi ko magawang sumabay sa pagkanta. Hindi ko kasi maalis ang mga mata ko sa kanya. Ilang talento ba meron ang lalakeng 'to? Ba't habang mas nakikilala ko siya, mas lumalalim din ang paghanga ko sa kanya?
Sabado ng umaga, nakatanggap ako ng message galing kay Miguel. Nagtatanong kung hindi ba talaga ako pupunta sa school.
Magpipinta kasi sina Sir Walter ng walls ng classroom namin at nag-volunteer sina Miguel at Dominic na tumulong. Pupunta din sina April at dalawa pang officers dahil maghahanda daw ng snacks at maglilinis na din. Inanyayahan nila ako kahapon na sumama pero tinanggihan ko. Tinutulungan ko kasi si Tita Martha sa mga gawaing bahay tuwing walang pasok. Hindi din naman required sa amin na pumunta sa school kaya mas pinili kong hindi na sumama.
"Ako na ang magsasampay niyan Althea. Pumasok ka na sa loob. Inutusan ko si Alexa na maghanda ng merienda," sabi ni Tita Martha.
"Sige po Tita." Nilagay ko sa laundry basket ang huling damit mula sa dryer. Kinuha naman ito ni Tita Martha at pumasok na ako sa loob.
Naging routine ko na ang pagtulong kay Tita Martha sa labahin tuwing Sabado. Mamayang hapon, mamalengke si Tita at sasama din ako sa kanya. Nung una, ayaw niyang tumutulong ako sa mga gawaing bahay pero nasanay na siguro siya kaya hinahayaan na niya ako. Ayaw ko lang talaga na walang ginagawa. Lalo na dahil nakikitira lang naman ako sa kanila.
"Ate Althea, tikman mo ang cookies na gawa ni Mama," sabi ni Alexa habang nagsasalin din ng orange juice sa baso ko.
Hobby ni Tita Martha ang pagba-bake. At kaninang umaga, choco chip cookies ang naisipan niyang gawin. Masarap ding magluto si Tita kaya gusto ko sanang matuto kaso ayaw niyang nakikialam kami sa kusina.
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...