Hindi na ulit namin iyon napag-usapan ni Miguel.
Nanatiling normal ang pakikitungo ni Miguel sa akin. Katulad lang din ng dati. Hindi ko alam kung wala lang talaga sa kanya ang pag-amin ko o binabalik niya lang sa dati para hindi kami maging awkward.
Hindi ko nga lang alam kung alin sa dalawa ang mas madaling tanggapin.
Sa mga sumunod na mga araw, naging busy kami sa paghahanda para sa paparating na Intramurals. Movie booth ang binoto ng karamihan ng kaklase ko. Nakapili na din kami ng movies na ipi-play. Buti na lang at wala naman masyadong mga assignments na pinagawa ang mga guro namin kaya nakakaya kong maging active sa pagpa-plano para sa Intramurals at nakakatulong pa din ako kay Tita Martha sa bahay.
"Ate, pwede kaya kaming pumunta sa school niyo bukas?" tanong ni Alexa.
Bukas na ang opening ng Intramurals at tinutulungan niya ako sa pag-print ng mga flyers para sa movie booth namin. Naidikit na namin ang mga posters sa classroom pero nag prisenta na akong mag print ng extra para gawing flyers.
"Hindi ako sigurado Alexa, eh. Sabi ni Sir open house daw pero mukhang sa last day pa ata."
"Talaga?" excited niyang tanong. "Showing pa ba ang 'She's Dating the Gangster' sa araw na yun? Gusto kong manuod nun, eh."
"Hmm. Siguro."
"At makikita ko din si Kuya President nun tama?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Alexa. Simula nung nakita niya ako kasama si Miguel, hindi na niya ako tinantanan sa mga tanong niya. Crush niya daw. Hinayaan ko na lang. In-add niya pa nga sa Facebook. Ewan ko lang kung in-accept ba siya. Hindi ko na tinanong kahit na curious na curious ako.
"Ewan," sagot ko kahit na alam kong nandun naman talaga siya kasi siya ang in-charge sa pag play ng movies.
"Seryoso nga ate."
Inirapan ko siya bago nagsalita. "Syempre! President nga namin 'di ba? Ako nga na vice lang pupunta dun, eh siya pa kaya?"
"Nagtatanong lang naman, eh! Ba't ang highblood mo?"
Binalik ko ang atensyon sa ginagawa.
Ba't nga ba ang highblood ko? Nagtatanong lang naman siya.
Kailangan ko na talaga alisin si Miguel sa isipan ko.
Pero paano nga ba?
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa eskwelahan. Ipa-finalize pa kasi namin ang arrangement ng room. Natakpan na namin ng itim na kurtina ang mga bintana pero hindi pa namin na a-arrange ang mga upuan. At ngayon pa lang namin ise-set up ang speakers. May parade din mamayang 9 AM kaya kailangan naming matapos bago pa yun.
Napahinto ako sa may pintuan ng makita ko si Miguel na nagwawalis ng sahig. Akala ko ako ang unang makakarating kasi alas 6 pa lang pero nandito na pala siya. At bakit siya nagwawalis? Hindi naman siya ang cleaners ngayon ah.
Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya dahil lumingon siya at tumingin sa direksyon ko.
"Morning Althea!" nakangiti niyang bati sa akin.
Hindi ko din talaga masisi ang sarili ko sa pagkagusto ko sa kanya. Sino naman kasing hindi mahuhulog kung ganito siya palagi?
"Morning. Kanina ka pa?" Pumasok na ako ng tuluyan at dumiretso sa upuan para ilagay ang dalang bag. Nilabas ko na din ang flyers para hindi na malukot sa loob.
"Mga ilang minuto siguro. Ang aga kong umalis ng bahay, hindi tuloy ako nakapag-breakfast."
"Mag breakfast ka muna, may oras pa naman tayo. Open na ang canteen kanina pagdaan ko."
BINABASA MO ANG
Our Songs
ЧиклитFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...