Chapter 6: Counting Stars

5 0 0
                                    

"Let's go!" Masiglang sigaw ni Ella. Hilahila niya si Miguel na mukhang ayaw talagang sumama.

Katatapos lang ng last subject namin nang biglaang nagyaya si Ella na mag amusement park. Nang tinanong ko siya kung anong okasyon, 'wala lang' ang sinagot niya. Pero alam kong may kinalaman to sa nangyari kaninang umaga. Naging okay naman si Miguel pagbalik niya pero halata pa rin na naapektuhan talaga siya sa nangyari. Tahimik lang siya sa upuan niya at naglalaro sa kanyang cellphone. Sumasali naman siya sa usapan paminsan-minsan pero bumabalik din agad ang atensyon sa nilalaro.

"Ano ba kasing meron?" tinatamad na tanong ni Miguel.

"Wala nga lang kasi," sagot naman ni Ella. Bitbit na niya ang bag niya at handa nang lumabas.

"Sa susunod na lang tayo pumunta. Wala lang naman palang importante."

"Eh? Ngayon na!" Napatingin si Ella sa akin. Desperado na ang mukha niya at mukhang nanghihingi ng tulong.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung paano mapipilit si Miguel.

"Bukas na lang Ella. Baka gabihin din tong si Althea."

Umaliwas ang mukha ni Ella. Mukhang may naisip na sigurong paraan para pumayag si Miguel. "Si Althea nga yung dahilan kung bakit ko gustong ngayon na pumunta. Nakapagpaalam na si Althea sa Tita niya. At hindi na siya pwede sa ibang araw. Di ba Althea?"

Kinindatan ako ni Ella. Totoo namang nakapagpaalam na ako kay Tita Martha. Pero ano namang meron? Hindi naman yun importante. Kung ipagpapabukas nila ang pagpunta sa amusement park, okay lang naman sa akin kung sila na lang ang pumunta.

Tumango na lang ako. "Oo. Okay lang daw kina Tita na gabihin ako ngayon."

"Talaga ba?" Napatuwid ng tayo si Miguel.

Ngumiti naman ng malawak si Ella. "Talagang-talaga! Kaya tayo na at kanina pa gustong umalis nitong si Dominic."

"Okay, sige. Tayo na!"

"Sus. Yun lang naman pala ang problema." Narinig kong bulong ni Ella.

Malapit lang ang amusement park na sinasabi ni Ella sa eskwelahan. Puno ng tilian at tawanan ang lugar pagdating namin. Ayun kay Ella, hindi pa masyadong maraming tao dahil maaga pa naman. Pero napansin kong mataas na ang linya para makasakay sa mga sikat na rides gaya ng roller coaster.

"Anong una nating sasakyan?" tanong ni Ella na kulang na lang ay magningning ang mga mata habang tumitingin sa mga rides.

"Ikaw na ang pumili Ella," sagot ni Dominic.

At iyon yata ang pinakamaling desisyon na nagawa ni Dominic sa buong buhay niya. Dahil walang pag-aalinlangang hinawakan ni Ella ang mga kamay namin ni Rhea at hinila papunta sa roller coaster. Hindi ako takot sa heights pero hindi ako madalas sumasakay ng ganito kay kinakabahan ako. Si Rhea naman ay halos mamutla at mahigpit din ang hawak sa mga kamay ko.

"Okay ka lang?"

"Oo, okay lang," sagot ko sa tanong ni Miguel kahit na kinakabahan. "Pero si Rhea mukhang hindi."

"Naku. Okay lang tong si Rhea, Althea. Madalas kami dito at ilang beses niya na 'tong nasakyan," singit ni Ella sa usapan namin.

Nang dumating na ang turn namin, agad tumabi si Ella kay Rhea. Si Dominic naman ay hindi na sasakay at nagprisinta na magbantay na lang sa mga bag namin kaya kaming dalawa ni Miguel ang magkatabi. Inuna niyang ayusin ang safety belt ko bago ang sa kanya. Kinakabahan na ako kanina pa lang pero mas kinabahan ata ako ngayon.

"Wag ka masyadong kabahan, Althea. I-enjoy mo lang ang ride."

Sasabihin ko pa sana na mag-enjoy din siya pero umandar na roller coaster at naging mabilis na ang mga sumunod na nangyari. Naubos ata ang boses ko sa kakasigaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko magawang maidilat ang mga mata dahil sa takot. At hindi ako sigurado kung imahinasyon ko lang ba yun pero naramdaman ko ang mainit ng kamay ni Miguel sa mga kamay ko.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon