The wedding's only two days away. At dahil sa huling sinabi ni Ella, parang ayokong pumunta.
"Ate, okay ka lang?"
"Ha?" wala sa sarili kong tanong.
"Kanina ka pa nakatitig diyan sa invitation letter. Patingin nga. Sino ba ang ikakasal?" Kinuha ni Alexa mula sa kamay ko ang invitation na galing kay Ella. "Ella Rodriguez? Parang familiar ate. Kilala ko ba 'to?"
Binawi ko ang invitation at nilagay ito sa bag ko. "Kaklase ko nung highschool. Hindi mo ata kilala."
"Parang nakita ko na siya dati. Pupunta ka ba?"
"Pag-iisipan ko pa. Kamusta pala ang training niyo kanina? Ba't kayo natagalan?" pag-iiba ko sa usapan.
"May recruitment kasi kanina para sa mga bagong members. Kaya late na kami nakapag-start. Sorry talaga ate. Promise next time hindi na ako mala-late,"
Napangiti naman ako sa seryoso niyang mukha. Mukhang nagsisisi talaga siya na pinaghintay niya ako ng matagal. "Okay lang. Ngayon lang naman 'di ba?"
"Oo ate. Promise." Tinaas pa niya ang kanang kamay.
Pagkatapos naming kumain, naglibot na kami sa mall. I'll be working starting Monday at kailangan ko na ng mga bagong damit. Sinama ko na si Alexa kasi may tiwala ako sa taste niya.
Nakapili na ako ng tatlong blouse nang mapadaan kami sa isang boutique na may gowns na display.
"May isusuot ka na ba sa kasal, Ate?" tanong ni Alexa nang mapansing nakatitig ako sa damit na suot ng mannequin.
Inalis ko ang tingin sa naka-display. "Hindi pa naman ako sigurado kung pupunta ba ako o hindi."
"Eh? Bakit naman? Wala ka namang lakad ngayong Biyernes ah. Atsaka, sa Lunes pa ang trabaho mo 'di ba?"
Hindi ako makaisip ng palusot kay Alexa. Wala naman talagang dahilan para hindi ako pumunta. At nasabi ko din nung nakaraan sa kanya na may balak akong makipagkita sa mga kaklase ko nung high school. Pero kasi, may isang tao na ayaw kong makita.
Hindi pa ako handa.
"Althea, may bisita ka."
Kunot-noo kong binalingan si Tita Martha sa may pinto ng kwarto. Bisita? Sina Mama at Papa lang naman ang bumibisita sa akin ah.
"Sige Tita, susunod ako."
Alas tres na ng hapon pero nakapangtulog pa rin ako. Plano ko kasing magpahinga buong araw. Bukas na ang kasal ni Ella at hindi pa rin ako sigurado kung pupunta ba ako. Ayaw ko sana talagang pumunta pero parang ang unfair naman sa side ni Ella kung dahil lang kay Miguel kaya hindi ako makakapunta. Atsaka, nakita ko rin sa invitation na isa sa mga bridesmaid niya si Rhea.
Miss ko na sila.
Nawala naman pansamantala sa isipan ko ang kasal bukas nang makita si Asher na nakaupo sa sala.
"Asher?"
He turned to see me and instantly, a wide smile spread on his face. "Hey."
"What are you doing here? I mean, is something wrong?"
Umiling siya sa tanong ko. "Nothing. I just want to visit. I actually called you but you didn't answer. Good thing I remembered the way."
"Ah, sorry. I haven't checked my phone the whole day."
Napatingin ako sa pink roses na nakapatong sa lamesa. Napansin naman ni Asher ang tingin ko kaya agad niyang kinuha ang bouquet at inabot sa akin. "I got this for you."
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...