Chapter 14: A Thousand Years

2 0 0
                                    

"Althea, let's go."

Nag-iwas ako ng tinging nang mag-aya na si April. Tumango ako sa kanya. Napansin ko rin na nag-aabang na pala si Asher.

"You okay?" tanong ni Asher.

I smiled at him. Wala namang rason para hindi ako maging okay 'di ba?

Muli akong lumingon sa kinaroroonan ni Miguel pero wala na siya roon.

"Althea, Kuya, sa inyo na lang ako sasakay. Okay lang ba?"

Mapaglarong sinimangutan ni Asher si April. "No way. I'll have my date only for myself."

"Kuya, please. Marami pang ikukwento si Althea sa akin, eh."

"Alright," natatawang sagot ni Asher.

Alam ko namang binibiro niya lang ang pinsan. Asher has a soft spot for his cousins. Naikwento niya na sa akin noon kung gaano sila ka-close ng mga pinsan niya. Bilang nag-iisang anak, lumaki siya na mga pinsan ang kasama. Isa yun sa maraming bagay na magkatulad kami.

"Althea! Buti nakarating ka," masayang saad ni Ella nang makalapit siya sa table namin. Kami na lang ni Asher ang natira dahil nasa dance floor na sina April at ibang mga pinsan nila.

"Congratulations Ella. I'm so happy for you," sabi ko sabay yakap sa kanya.

Bumitaw si Ella sa akin at si Asher naman ang binalingan. "Magkakilala pala kayo ni Althea, Kuya?"

Hindi pa ako sanay na tinatawag ni April si Asher ng 'kuya' at ngayon si Ella naman. I get that he's three years older than us but I never see him as an older person. He's my friend and I wouldn't even dare calling him kuya.

Bigla akong napailing. What am I thinking? Of course, he's a kuya to them. Pinsan nga niya 'di ba?

"Yeah. We met in Canada," sagot ni Asher.

"Canada? You went to Canada, Althea?" gulat na tanong ni Althea. Tumango naman ako. "Kaya ba bigla ka na lang nawala nung highschool?"

Tumango ulit ako. Dapat pala sabay ko na lang sinabi sa kanila. Parehong-pareho kasi sila ng reaksyon ni April at eksaktong ganito din ang daloy ng usapan. 

"Oo. Pinag-aral kasi ako ng Tito ko dun sa Canada. Sayang ang offer niya kaya sumama agad ako."

"At ngayon lang namin 'to nalaman? Grabe ah. Nagulat talaga kaming lahat nun. Pati mga teachers natin. Pero it's for your own good naman pala. Akala ko nakipagtanan ka na."

Nasamid si Asher sa iniinom. Baliw talaga 'tong si Ella.

"By the way, nagkita na ba kayo?"

"Nagkita nino?"

"Ni Miguel."

Napasulyap ako kay Asher. Sumeryoso ang mukha niya at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Sa ilang taon naming magkakilala, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na nakwento sa kanya ang tungkol kay Miguel.

"Ahm. Hindi pa." Hindi naman kasi ako sigurado kung totoo bang siya yung nakita ko kanina. Baka guniguni ko lang yun.

"Naku, sayang naman. Kaaalis lang niya eh."

Hindi ko alam kung para saan ang kabang naramdaman ko. Nanghinayang ba ako dahil wala na pala siya dito? Oh gumaan ba ang pakiramdam ko dahil hindi ko siya kailangang harapin ngayon? Hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.

Nang tawagin ng ilang mga kamag-anak, iniwan na kami ni Ella. Hindi ko magawang magsalita agad kaya pinilit ko na lang ubusin ang cake na kinuha ni Asher para sa akin.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon