Kinaumagahan, agad nakapag-book si Papa ng flight ticket namin papuntang Canada. Advice kasi ng doktor ni Mama na maoperahan agad siya sa madaling panahon.
"Althea, naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Tita Martha.
"Malapit na po Tita. Iiwan ko na lang dito ang ibang mga damit ko. Okay lang po ba?"
"Naku, walang problema iha. Lumabas ka na pagkatapos mo diyan at nang makakain ka muna bago ka namin ihatid sa ospital."
"Sige po Tita, salamat."
Tinapos ko na ang pag-aayos. Isang malaking maleta lang ang dadalhin ko. Wala din naman akong masyadong maraming gamit kaya hindi na ako nahirapan. Bukas na agad ang flight namin kaya hindi na ako makakapagpaalam sa school. Sabi ni Tita Martha siya na ang bahalang mag-explain sa mga guro ko at siya na din ang magpa-process ng mga papers ko kaya hindi ko na muna inisip yun.
"Ate!"
Napakunot-noo ako nang makita si Alexa sa may pintuan. "Bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?"
"Nakakainis ka!" sigaw niya at bigla na lang umiyak. "Aalis ka ba talaga nang hindi magpapaalam sa akin?"
Nilapitan ko siya at niyakap. "Wag ka ngang umiyak. Uuwi din naman ako."
"Mag-ingat ka dun ate ah." Tumango ako sa sinabi niya. "At wag mong kalimutan ang pasalubong ko pag-uwi mo."
Pagkatapos naming mananghalian, hinatid na ako nina Tito sa ospital. Dinaan na muna namin si Alexa sa school niya dahil may klase pa pala siya sa hapon at umuwi lang talaga para makapagpaalam sa akin.
Palabas na siya ng kotse nang may inabot siya sa akin. "May nagpapabigay. Mami-miss kita Ate. See you soon."
Alexa hugged me tightly one last time and went out of the car. I opened the note she gave and immediately, tears filled my eyes.
"Althea, okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Tita.
"Okay lang po ako Tita."
Nginitian ako ni Tita. "Magkikita din naman kayo ulit ni Alexa, iha. Wag ka masyadong malungkot."
Tumango ako sa sinabi ni Tita. Pinigilan ko ang mga luha ko at binasa ulit ang nakasulat sa maliit na papel.
Magiging okay din ang Mama mo. Mag-ingat ka lagi. Hihintayin kita.
- Miguel
Mabilis lumipas ang mga araw. Nahirapan akong mag-adjust sa Canada. Unang beses ko pa lang ding nakita si Tito Jonathan. Pero mabait naman siya sa akin. He's a divorcee at may sariling pamilya na din ang nag-iisang anak kaya parang anak na ang turing niya sa akin. At sa tingin ko ay totoo namang nag-aalala talaga si Tito kay Mama.
Naging successful ang operasyon ni Mama. Nanatili sila sa Canada ng ilang buwan bago nakapagdesisyon si Papa na umuwi na ng Pilipinas. But Tito Jonathan offered to continue paying for my studies kaya pinili kong magpaiwan at magpatuloy sa pag-aaral sa Canada.
"Anong oras ba ang flight mo, anak?"
"10 AM po Ma. Didiretso ako kina Tita Martha, dun niyo na lang ako hintayin."
"Sigurado ka bang hindi ka magpapasundo?" medyo may pag-aalalang tanong ni Mama.
"Hindi na Ma. May susundo naman kay Asher. Ayoko ng abalahin pa si Tito Danny."
"Oh sya sya. Matulog ka na at kanina ka pa hikab ng hikab."
Nagpaalam na ako kay mama at pinatay na ang tawag. Pasado alas dose na ng hatinggabi dito sa Canada at kanina pa ako inaantok. Maaga din akong susunduin ni Asher bukas kaya kailangan ko na talagang matulog.
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...