Epilogue

2 0 0
                                    

♫♫ There's a couple billion people in the world
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you exist ♫♫

Our office turned into a party place temporarily. Familiar faces filled the place and the day is getting better. Ako mismo ang gumawa ng playlist para sa music namin ngayong araw kaya mas lalong gumanda ang mood ko.

"Althea!"

I waved at Ella. Papalapit siya sa table namin kasama ang asawa.

"Hi, Althea! For you," sabi ni Tyler sabay abot ng bouquet.

"Wow. Ang ganda. Thank you!" Inamoy ko pa ang sunflowers bago ipinatong ito sa lamesa.

"Congrats kuya!" Si Asher naman ngayon ang binati ni Ella. "Not just for the business but also, for finally entering a relationship! Akala ko talaga magpapari ka na. Yun pala may hinihintay lang."

Asher then wrapped his arms around my waist. "It was all worth the wait Ella."

Today's our grand opening pero mas interesado pa ata ang mga bisita sa love story namin kaysa sa business namin.

Hindi pa nga nakakaalis sina Ella ay dumating din si April. Dire-diretso siya sa lamesa namin. She's grinning widely lalo na nang makita kaming dalawa ni Asher.

"OMG! So totoo nga?" I almost covered my ears from the loudness of April's voice. "At bakit ako ang huling nakaalam nito? Ha?"

"April, lower your voice," saway ni Asher sa kanya.

"I'm so happy for the both you!" naiiyak ni sabi ni April.

Kumawala muna ako mula kay Asher para mayakap si April. "Bawal umiyak, April. Grand opening namin ngayon."

"Seryoso, masaya ako para sa inyo ni Kuya. You both deserve each other."

"Thank you, April. You're one of the best friends I've ever had," I said, meaning every word.

Naging busy kami ni Asher sa pag-entertain sa mga bisita. Dumating din sina Mama at Papa kasama sina Alexa. My parents and Asher never had a proper introduction but when they finally met earlier, I felt relieved when they got along instantly. Lalo na sina Asher at Papa who had already set a date for the two of them to go fishing.

"Tama nga ang sinabi ni Tito Jonathan mo. Mabait na bata itong si Asher," sabi ni Mama ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa lamesa.

"Mabait talaga Ma. Magaling kaya akong pumil," I proudly said. Totoo naman kasi.

"Masaya ako para sa 'yo anak. Akala ko hindi ka na makakahanap ng taong mamahalin mo dahil sa paghihigpit ko sa iyo noon."

Ngumiti ako sa sinabi ni Mama. Ilang beses na din niyang sinabi sa akin noon na baka tumanda akong dalaga dahil wala akong pinapakilalang boyfriend sa kanila. Sinisi niya ang sarili dahil sobrang higpit niya daw sa akin noon. Pero hindi naman talaga yun ang rason. 

"Ma, bata pa ako no. May panahon pa akong makahanap ng taong mamahalin. Yun nga lang, hindi ko na siya kailangang hanapin pa," I said honestly. "At 'di ba napag-usapan na natin to. Hindi nga ikaw yung rason kung ba't hindi ako nagbo-boyfriend noon. At ang mahalaga, masaya ako ngayon."

Mas lumapit ako kay Mama at niyakap siya. 

Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang malakas na tawa ni Papa. Papalapit sila ni Asher sa amin at parehong may dalang plato na may mga prutas.

Nagtama ang mga mata namin ni Asher. And I mouthed 'I love you.'

Asher smiled and when he finally sat beside me, he whispered, "I love you, too."

I never knew a time like this would come to my life. Nasanay akong mag-isa lalo na noong dumating kami sa Canada. But meeting Asher changed the direction of my life.

I might never forget the love I once felt for Miguel. But recalling the memories of my first love made me realize how deep my feelings for Asher are. It made me realize that I can actually love this much and more. And Asher's love washed all the pain I've felt before. And I couldn't ask for anything more.


--- END ---


Babe's Note: Hey guys! Thank you so much for reading my story till the end. This story is close to my heart and I'm happy to share this with you. I hope you enjoyed Althea's journey to great love. Here's to spreading love to everyone~! 🌻🌻

featured song: Glad You Exist by Dan + Shay

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon