Chapter 1: Superman

14 2 0
                                        

Sabi nila, pinaka-boring ang senior year. Ga-graduate na kasi kaya wala ng panahon para magsaya. But not for me.

Fourth-year was my best year in high school.

Maybe it was because of the outgoing teachers we had. Maybe it was because of the teamwork our class had. Or maybe it was because of the memories I had -- with him.

"Althea, hindi ka bibili ng snacks?"

Nilingon ko ang mga kaibigan ko na nasa may pintuan na. Kaka-alis lang ng guro namin sa second subject at recess time na.

"Hindi na siguro, hindi pa ako tapos sa report ko, eh," sagot ko sa tanong ni Rhea.

"Kami na lang ang bibili, ano bang gusto mo?" si Ella naman ngayon.

Ngumiti ako sa kanila. "Wag na. Hindi pa naman ako gutom. Sige na, baka matagalan pa kayo. Marami ng estudyante sa canteen ngayon."

Umalis na sila at tinuloy ko na ang pagsusulat ng visual aids para sa ire-report ko mamaya.

Ilang minuto pa bago ko napagdesisyunan na ituloy ang ginagawa sa sahig. Kumpara sa maliit na space sa armchair ko, mas komportable at mas nakakasulat ako nang maayos sa sahig.

Bitbit ang mga Manila papers at notes, pumunta ako sa likuran ng classroom namin at naupo sa sahig. Nilatag ko ang mga gamit ko at nagpatuloy sa pagsusulat.

Fifteen minutes lang ang recess time at Science na ang susunod na subject namin. Ako ang naka-assign na magre-report kaya kailangan ko talaga 'tong tapusin agad.

Kinakabahan na nga akong humarap sa guro at sa mga kaklase ko, dumagdag pa na malapit na ang next period at hindi pa din tapos ang visual aids ko.

"Patapos ka na?"

"Hindi pa," sagot ko na hindi man lang lumingon sa nagtanong.

Boses pa lang kasi, alam ko na kung sino.

Akala ko dadaan lang si Miguel pero umupo siya sa tabi ko.

Hindi ko pa din ako siya nilingon. "Hindi ka nag-recess?"

"Nagpabili ako kay Dominic. Tinatamad akong pumuntang canteen."

Tumango lang ako sa sagot niya at tinuon na ang atensyon sa pagsusulat.

Tahimik lang na nakaupo si Miguel. Hindi ko alam kung anong trip niya at bigla na lang siyang lumapit. Bored siguro?

We're not that close and I still feel awkward around him. His presence overwhelmed me but I forced myself to focus on my visual aids.

Kung hindi ko lang sana nakalimutan ang natapos ko kagabi sa bahay, eh di sana hindi ko pinapahirapan ang sarili ko nang ganito! Minsan talaga napaka malilimutin ko. Muntik din akong ma-late kanina kaya wala na talaga akong oras para balikan pa yun.

"Ayan tapos na!" I said cheerfully. Sa wakas na tapos ko din bago magsimula ang next class namin.

"Ididikit mo na ba 'yan sa blackboard? Tulungan na kita," nakangiting sabi ni Miguel.

Medyo nagulat ako sa alok niya. Hindi naman kasi talaga kami close. Isang buwan pa lang kaming magka-klase at kahit na naging magkaibigan naman kami kahit papaano, medyo awkward pa rin ang pag-alok niya. Siguro mabait lang talaga siya?

"Wag na. Kaya ko naman 'to."

"Ako na. May tape ka?" 

Kinuha ni Miguel ang Manila paper mula sa akin kaya wala na akong nagawa pa.

Siguro dun nagsimula ang lahat. Siguro dun ako unang nahulog sa kanya. I fell for his kindness. I fell for his contagious smile. I fell for him not knowing any better. I fell for him without knowing how to stop this feeling.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon