Chapter 8: Breathe

6 0 0
                                    

Nababaliw na ba ako? 

"Ba't ko sinend yun?" Napalakas ata ang boses ko dahil gulat na napatingin si Alexa sa akin.

"Anong sinend mo?" Titingnan na sana ni Alexa ang phone ko kaya agad ko itong in-off.

"Wala. Na wrong send lang."

"Talaga? Hindi ako naniniwala. Anong sinend mo?" pangungulit niya.

"Wala nga. Matutulog na ako, pakihinaan ang music."

Tumigil naman siya sa kakatanong nang nahiga na ako ng tuluyan. Wala pang 10 pm at madalas naman kaming matagal matulog tuwing Sabado pero dahil sa sinabi ko, pinatay na ni Alexa ang ilaw. Naka-on pa rin ang speaker pero mahina na ang volume. Sapat lang para makatulog ako.

Pero hindi yun nangyari.

Kahit nakapikit ako, gising na gising pa rin ang isipan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na na-send ko yun kay Miguel. Ni minsan hindi ko pa naranasang magtapat sa mga nagugustuhan ko. Ni kay Jeric noon, hindi ko sinabi na gusto ko nga siya. Sinagot ko lang siya pero hindi ko talaga pinagtapat na naging crush ko siya bago pa niya ako niligawan.

Pero bakit ganito? Bakit kaya kong sabihin 'to kay Miguel? Sa chat lang naman pero inamin ko pa rin na siya ang tinutukoy ko sa mga post ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

Kinabukasan, naglakas loob akong i-check kung nag reply na ba si Miguel. Ang daming pumasok sa isipan ko kagabi. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero binigo niya ulit ako nang nakitang sineen niya lang ang message ko.

Ito na ba ang patunay na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin? Kahit na alam kong may gusto siyang iba, may konting puwang pa rin sa puso ko na umaasa. Pero ngayon? Sapat na siguro 'to para matauhan ako na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin.

Buo na ang isip ko nang pumasok ako nung lunes. Ititigil ko na ang pag-iisip na espesyal ako para kay Miguel. Ako lang ang umaasa at hindi niya kasalanan na sadyang mabait lang siya sa mga kaibigan niya.

Magkaibigan kami. At ayokong masayang ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Magkaibigan kami. At dapat maging masaya ako kung sakaling maging sila nga nung taong gusto niya. Dapat maging masaya ako para sa kanya. Kahit na sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip na hindi ako ang taong yun.

"Before we start our discussion, I want us to decide on something," sabi ni Sir Walter pagkatapos ma-check ang attendance. "Dahil nag-transfer si Lariosa sa ibang paaralan, the vice president position is vacant. Any volunteer para pumalit sa kanya?"

Natahimik ang klase sa tanong ni Sir Walter. Expected ko naman yun dahil wala namang gustong maging officer. Napapansin ko, ang daming ginagawa ng mga officer. Lalo na kapag may paparating na event.

"Importante ang vice president sa klase. We can't leave it unassigned. How about we hear a recommendation from our President? Martinez, do you have someone in mind?"

Sa normal na sitwasyon, nakatingin na sana ako kay Miguel ngayon at hinihintay ang sagot niya gaya ng ibang kaklase namin. Pero hindi ko magawa.

"I'll give you the power to choose your vice president," pagpapatuloy ni Sir Walter. "It's important for the president and vice to have the best teamwork kaya you can choose someone who you think suits the role."

Sumagot agad si Miguel na nagpagulo na naman sa isipan ko. "As you have said Sir, I need a vice who I'll have a great teamwork with. And I think Althea is the one, Sir."

Gusto kong isipin na nagkamali lang ako ng dinig. Pero nang tinanong ni Sir Walter sa akin kung tinatanggap ko ba ang posisyon, napatango na lang ako at sumagot ng oo.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon