Chapter 16: You All Over Me

1 0 0
                                    

Since the day I rushed to the hospital when I heard my mother's in a coma, I started hating hospitals. I hoped to never step foot on this place again. Pero nandito na naman ako.

Dumiretso ako sa private room kung nasaan si Asher. Bawat hakbang tila dumadagdag sa kabog ng dibdib ko. Ang sabi ni April, okay na naman daw ang lagay ni Asher. Pero hindi mawala ang kaba ko.

Kumatok ako at binuksan na ang pinto. Napatingin naman si April sa akin. Nasa kwarto din ang isa pa nilang pinsan na nakilala ko noong kasal ni Ella.

"Althea, ang bilis mo namang makarating. Lumipad ka ba?" agad bungad ni April. Pero sa halip na matawa, seryoso lang akong tumingin sa kanya at pagkatapos ay kay Asher. "Ah, bibili nga pala kami ni Andrew ng dinner. Maiwan na muna namin kayo dito. Tara na Drew."

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Asher. Naramdaman ko na lang ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na sina April at Andrew. Nakasandal si Asher sa headboard ng hospital bed at naka-cast ang kanang braso.

"Are you planning to just stare at me all night?"

Lumapit ako sa kanya at hindi ko mapigilang hampasin siya sa walang sugat niyang braso. Ngayong mas malapit na ako sa kanya, nakita ko din ang ilang sugat sa mukha niya. 

"Are you crazy?" pagalit kong tanong.

"Hey, that hurts," natatawa niyang sabi. He captured my hand to stop me from hitting him.

Kumawala ako sa kanya at nanghihinang naupo sa binakanteng upuan ni April. Ngayong nakita ko na siyang nakangiti, unit-unting huminahon ang puso ko. Kahit anong sabi ni April na okay lang siya, nag-aalala pa rin ako. Natatakot ako na baka maging katulad din noong kay Mama. Sabi ni Papa okay lang naman daw si Mama pero yun pala ang lubha na ng lagay niya.

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako.

"Sorry," sabi ko sabay pahid ng mga kumawalang luha.

Sumeryoso naman ang mukha ni Asher. "I'm fine. Don't cry, please. You know how much I hate seeing you cry."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "I was just worried."

"And you're worried because?"

Nagtaka ako sa tanong niya. Of course I'm worried because he's my friend.

"Are you worried because I'm your boss?" pagpapatuloy niya. "Or friend?"

Hindi ako makasagot. Gusto kong sabihin na dahil kaibigan ko nga siya. Pero hindi ko magawa. I skipped the dinner with my first love whom I haven't seen for years just to rush to the hospital for him. Because he's my friend, yes. But why can't I say it?

"I'm just a friend to you, right? But why can't I stop myself from hoping that you would have a change of heart? Why do I still hope for us to be more than friends?"

Dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi ni Asher. He's been looking at my eyes since earlier and his seriousness makes my heart beat even faster.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"You're not mine. And I'm afraid I might lose you forever because he's back in your life now."

Hindi ko alam ang sasabihin. After I turned him down years ago, he never opened up his feelings to me again. Akala ko nawala na ang feelings niya para sa akin. He never had a girlfriend all those years that we've been friends. Pero akala ko dahil busy lang talaga siya sa career niya.

Binalot kami ng katahimikan. Naghihintay siguro siya sa sasabihin ko pero wala akong lakas ng loob na magsalita. At hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon