I texted an apology to Miguel the next day. Naka ilang text at tawag na pala siya kagabi pero hindi ko napansin. Nang makarating naman ako sa bahay, nabulabog ang isip ko dahil sa mga sinabi ni April kaya hindi ko na din na-check pa ang cellphone ko. Lalo naman akong hindi pinatulog sa mga narinig ko mula kay Alexa. Ewan.
Hindi ko na alam.
"Just focus on today, Althea," I told myself. "You will sort out your feelings soon."
I smiled at myself in the mirror and went out of Alexa's room. Linggo ngayon at naisipan namin ni Alexa na magsimba ng maaga. Naghihintay na din sina Asher sa labas. Nakauwi na siya galing sa hospital kanina. He called to tell me about it. At dahil nasabi ko rin na magsisimba kami ni Alexa, heto siya't pilit na sumama. Kailangan niyang magpahinga pero ang tigas talaga ng ulo. Dinamay pa niya si Andrew dahil hindi nga siya makapag-drive.
"Hi, Andrew. Good morning!" bati ko kay Andrew nang makapasok na kami sa sasakyan. "Wala ka bang lakad ngayon? Baka naka abala kami sa 'yo, ah."
"Hey. What about me? Where's my good morning?" singit ni Asher.
I rolled my eyes at him. I'm still a little annoyed because of his stubbornness.
Natawa na lang ang dalawa naming kasama.
"It's okay, Ate. I'm free today," sabi ni Andrew at napatingin kay Alexa.
"Ah, Andrew this is Alexa, my cousin. Alexa, si Andrew, pinsan ni Asher," pagpapakilala ko sa dalawa. "Oh, same age kayo, tama?"
"I know him, Ate," sabi ni Alexa. Nginitian niya si Andrew pero agad din siyang lumingon sa labas.
I unconsciously raised my eyebrows. She's acting weird.
Nagsimula nang magmaneho si Andrew kaya hindi ko na lang sila inusisa.
Nitong mga nagdaang linggo ko lang talaga na realize na ang liit ng mundo. Ella married April's cousin. And April is also Asher's cousin. I met Miguel again as our first client. And now Andrew and Alexa knew each other. And on top of that, I met Asher even in a foreign land.
Ang liit ng mundo.
But maybe, we're really living in a big world. It's just that, if you are meant to meet that person, fate will lead the way for you to meet.
Marami ng tao sa simbahan nang makarating kami. Ilang minuto din kaming late pero nakaabot pa rin naman kami sa praise and workship. Pagkatapos magsimba, nagpaalam si Alexa na may pupuntahan muna. I also found it weird pero hinayaan ko na lang. Inaya naming mag lunch si Andrew pero tumanggi siya dahil may lakad din daw. Hinatid niya lang kami sa pinakamalapit na mall at umalis na din agad. Mag ta-taxi na lang kami mamaya ni Asher.
"Ano kayang meron sa dalawang yun?" I asked aloud. Tapos na kaming mananghalian ni Asher at ini-enjoy na lang ang icecream na kagabi ko pa gustong kainin. Ako lang pala ang nag e-enjoy dahil hindi naman mahilig sa matamis si Asher.
"I'm thinking the same thing," Asher said trying to hide a smile.
"Uh-huh? And is that something funny?" kunot-noo kong tanong. "Why are you smiling?"
Umiling siya. "Nothing. You're just so cute. Anyways, don't be bothered by Andrew and your cousin. They have their own story."
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Do you know something I don't?"
Nagkibit-balikat si Asher. Inabot niya lang sa akin ang bottled water na binili niya kanina. "Can you please open this for me?"
Naawa naman ako sa kanya kaya kinuha ko agad ang bottled water at binuksan ito. Sabi ng doktor, isang linggo pa bago matanggal ang cast. Na-guilty ako dahil ako pala ang dahilan kung ba't ganito ang nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...