Chapter 10: Lucky

6 0 0
                                    

Hindi ko alam kung mali ba na nagsinungaling ako sa kanya. Alam na naman niya ang totoong nararamdaman ko kaya dapat siguro naging tapat ako.

Pero natatakot ako. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin. Magkaibigan lang naman kami. Wala akong karapatan na magselos. At hindi din niya kasalan kung nasasaktan man ako ngayon.

"Ayos ka na?" tanong ni April.

Katatapos lang naming magligpit ng gamit at handa ng umuwi. Hinihintay na lang namin si Miguel. Pinatawag kasi siya ni Sir Walter at nagpaiwan na muna kami para magbantay ng classroom.

Nahihiya akong  tumango kay April. "Halata ba?"

"Halata ang ano? Na gusto mo si Miguel?"

"Shh," pagtatahimik ko sa kanya. Okay lang sa akin na alam niya pero ayoko namang malaman ng buong klase.

Napangiti siya sa reaksyon ko. "Wag kang mag-alala. Hindi naman ganun ka halata. Napansin ko lang na iba ang tinginan niyong dalawa."

"Tinginan namin dalawa?" nagtataka kong tanong. Wala naman akong napapansin na iba kay Miguel.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Gusto ka rin niya 'di ba?"

Gusto kong matawa sa tanong ni April. "Malabong mangyari yun."

"Hindi ba? Akala ko may gusto din siya sa 'yo? Palagi ko kasi kayong nakikitang magkasama."

Yun din ang akala ko. Pero akala ko lang pala. Kasi kung gusto niya nga talaga ako, kami na ngayon 'di ba? Kung pareho nga kami ng nararamdaman, may sagot siya sa pagtatapat ko 'di ba? At higit sa lahat, may iba siyang nililigawan. At sigurado ako, basted agad siya kung nakita ni Jayda ang nakita ko kanina.

"Magkaibigan kasi kami kaya ganun."

"Pero hindi naman kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. At tingin ko talaga, gusto ka rin ni Miguel."

Hindi ko mapigilan, napangiti ako sa sinabi ni April. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung magiging totoo ang sinabi niya. Pero alam kong mali na umasa na naman ako. Tama na ang sakit. Sawa na akong umasa.

"Wag na nga natin siyang pag-usapan." 

Pakiramdam ko kasi, lalo lang akong nahuhulog sa kanya tuwing naiisip ko siya. Kaya kung kaya kong iwasan, ayoko siyang pag-usapan. At kahit mahirap, pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tahimik lang ako nang nakasakay na kami ni Miguel ng traysikel. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay umuwi at hindi ko inasahan na magiging ganito ka tahimik. Wala siyang kibo sa tabi ko kaya hindi na lang din ako nagsalita. Pero kagaya nung dati, bumaba din siya nang bumaba ako. May bibilihin na naman siguro siya sa Freemart.

Nilingon ko siya bago ko binuksan ang gate. Kumaway ako at kumaway naman siya pabalik.

Ganun ang naging routine namin sa mga sumunod na mga araw. Sabay kaming umuuwi at bumababa din siya tuwing bumababa ako. Agad gumagana ang imahinasyon ko pero ayokong masaktan na naman kung mali ang akala ko kaya iniisip ko na lang na baka may bibilhin lang talaga siya.

"Ate Althea!"

Nasa lobby ako ng third floor nang marinig ko ang sigaw ni Alexa mula sa baba. Kumaway siya sa akin bago niya hinila ang dalawang kasama at pumasok na sa building namin.

Huling araw na ng Intrams at kagaya ng sabi ni Sir Walter, pwedeng pumasok ang mga estudyante sa ibang schools kaya hindi na sinayang ni Alexa ang pagkakataon at pumunta nga siya rito para manood ng She's Dating the Gangster. At para din sana makita si Miguel pero wala siya. Umalis siya kasama si Dominic kaninang lunch break at hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Hindi ko nga lang sinabi kay Alexa dahil baka hindi siya tumuloy. Sayang naman ang bibilhin niyang ticket.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon