Chapter 3: Lego House

5 0 0
                                    

"Ang baby face mo pa dito Miguel," si Ella.

May meeting ang mga guro ng hapon na iyon. May isang oras pa bago mag-uwian kaya nakatambay lang kami sa classroom.

Bini-braid ni Benj ang buhok ko habang napagkatuwaan naman nina Ella na tingnan ang mga lumang pictures na nasa phone ni Miguel. Dahil naging magkaklase sila mula first year, halos magkasama sila sa lahat ng programs noon at marami din silang pictures na magkasama.

"Tingnan mo Althea. Ang pogi ni Miguel noon 'di ba?"

Lumapit si Ella sa akin at pinakita ang naka-zoom in na mukha ni Miguel. Malawak ang ngiti niya sa camera at halatang mas bata siyang tingnan kaysa ngayon. Nakataas ang halatang may gel niyang buhok. May suot din siyang itim na hikaw na hula ko ay magnet lang kasi wala naman siyang butas ng hikaw sa tenga.

Zinoom out ko ang picture at marami pala siyang kasama sa picture. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang naka-akbay niyang braso sa isang maputi at magandang babae. May iba pa siyang kasama pero si Ella lang ang namumukhaan ko.

"Kailan 'yan?" tanong ko at binalik na ang tingin kay Ella.

"Christmas party ata namin 'to nung first year."

"Uy, si Beatrix ba 'yan?" tanong ni Benj na nakatingin din pala sa picture.

"Oo. Magkakilala kayo?"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Mukhang yung babaeng katabi ni Miguel ang pinag-uusapan nila.

"Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala." Binalingan ni Benj si Miguel na nag-e-erase ng mga nakasulat sa board. "'Di ba ex mo yun Miguel?"

Napahinto naman Miguel. "Sino?"

"Si Beatrix," si Ella ang sumagot. "Oo, ex niya yun. Sobrang nasaktan yan ni Beatrix noon kaya ngayon, ayan hindi marunong sumeryoso."

"Hoy. Hindi ah. Ang seryoso ko kayang tao."

"Sinong niloloko mo Miguel? Ginost mo nga si Cindy noon, eh."

"Sinong Cindy, Ella? Yung sa kabilang section? Naging ex mo rin yun, Miguel?"

Natapos na si Benj sa pag-braide ng buhok ko at mukhang naging interesado na sa love life ni Miguel. Ayaw ko namang makisali sa usapan nila kaya kinuha ko na lang ang earphones mula sa bag at nakinig ng music.

Nilakasan ko ng konti ang volume para hindi na sila marinig. Kilala ko ang Cindy na tinutukoy ni Ella. Muse siya ng kabilang section at paminsan-minsan ay pumupunta din siya dito sa classroom namin dahil marami siyang kaibigan dito. Minsan ko na din silang nakitang nagtatawanan ni Miguel. Akala ko ka-close lang, 'yun pala may past sila.

Maganda si Cindy. Hindi din nalalayo sa babaeng katabi ni Miguel sa picture. Maputi. Maganda. Medyo chinita. Mapayat. Ganun ba ang mga tipo niya?

Kung ganon nga, malabong magkagusto siya sa akin. Kaya siguro hindi niya pa ako ina-add sa Facebook. Siguro dapat ko na talagang paniwalaan ang sign na hiningi ko. Mas mabuti pa na tapusin na sa simula pa lang bago ko pa maamin nang tuluyan sa sarili ko na unti-unti ko na siyang nagugustuhan.

But no matter how much my head tells me to stop looking at him in a special way, my heart just won't follow.

"Finally! Matutuloy na talaga tayo!" excited na saad ni Rhea. 

Dahil maaga kaming makakauwi ngayon dahil sa meeting, napagdesisyon namin na ngayon na pumunta sa bagong bukas na mall. Ayoko sanang sumama dahil wala naman akong pambili ng kung ano mang makita namin sa mall pero may coupon daw si Ella na pwede namin gamitin sa isang fastfood chain. At ilang beses ko na din silang tinanggihan kaya ngayon, sumama na talaga ako.

Our SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon