Arielle is holding a book while she's walking, hindi niya kasi mapigilan ang kanyang sarili na hindi mabasa ang bagong bili niyang libro. "Woah, ang astig ni—ay!"
"Hay! Nako, ineng. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo! Hindi puro basa" inis na sabi ng ale. Kaya sinarado niya agad ang hawak niyang libro, "sorry po, lola" sabi niya. Kaya napailing ang ale at iniwan siya
Kaya napabuntong hininga siya at sinuot na lang niya ang earphones sa tenga niya at naglakad papuntang sakayan dahil ngayon ang club formation nila kaya sila pinapasok ng maaga. "Isda!" Sigaw ng kaibigan niyang si Syd na kanina pa siya hinihintay
"Hey! Sorry, I'm late" sabi niya. Kaya napangiti na lang ito at umiling, "okay lang, nagpuyat ka nanaman kagabi no?" Tanong nito. Habang paakyat sila ng bus, "oo, tinapos ko lang yung isa ko pang binabasa" sagot niya. Kaya napailing si Syd at umupo na lang sa may unahan. "May naisip ka na bang club na gusto mong salihan?"
"Wala pa, ikaw?" Tanong niya. Habang binubuklat niya ang librong kanina pa niya binabasa, "wala rin, hindi ko nga alam kung ano ang talent ko" sagot nito. Kaya natawa siya at napailing. "Mamaya na lang natin isipin ito, I'm sure marami naman tayong pagpipilian" sabi niya. Tumango ito
"Good morning, class, siguro alam nyo na ngayon ang club formation natin. Meron kayong isang oras para humanap ng club na gusto nyo!" Masayang sabi ng advicer nila
Kaya napuno ng bulungan ang buong classroom, kaya napabuntong hininga siya at tumingin na lang sa bintana. Para sakanya, heto ang pinaka ayaw niya sa lahat ang humanap ng tamang club dahil una sa lahat hindi siya magaling sa academics at wala rin siyang talent katulad ng iba pa niyang mga kaklase. Pangalawa, gusto niya ng bago, kakaiba at may paranormal touch!
"Isda, let's go!" Sita sakanya ni Syd. Kaya napabuntong hininga siya at sumama na lang kay Syd. "Goodluck na lang satin, sana may mahanap tayong club" tamad niyang sabi. Habang pababa sila ng hagdanan
At nagulat sila ng makita nila ang iba't ibang mga tables ng mga club na nakakalat sa ground para mas madali ang paghahanap ng mga freshman, "wow, ang dami natin pagpipilian!" Excited na sabi nito.
"Alright! Magsimula na tayong maghanap" sabi niya. Habang nakangisi, kaya simulan na nila ang paghahanap ng tamang club
But sadly, wala silang nagustuhan sa mga pinuntahan nila. Kaya napaupo na lang sila sa bleachers, "ay grabe! Hindi ko alam na ganito kahirap maghanap ng club!" Reklamo ni Syd. Habang pinapaypayan ang sarili
"Syd, mukhang nakita na natin ang tamang club para saatin!" Sabi niya. Sabay turo ng lumang library, "huh? Lumang lib—"
"Basahin mo kasi, Sedo"
"P-paranormal Investigative Club?" Basa niya sa isang karatura nakalagay sa labas, "tara na, wala na tayong choice!" Sabi niya. Saka niya kinalad-kad si Syd papasok ng club at nagulat sila sa makita nilang kakaibang mga bagay nakadisplay sa loob.
"Hello, Welcome sa Paranormal Investigative Club! Ako si Kida at siya naman si Krypton. Eto ang fill up form" masayang sabi nito. Sabay bigay ng log book sakanila kaya agad naman nilang isinulat ang mga pangalan nila sa log book
"Welcome sa club! Ladies, pagpasensyahan nyo na yung headquarters natin...makalat hehe. Umupo muna kayo diyan habang naghihintay pa tayong malili—este ng mga members" sabi nito. Kaya umupo muna sila habang tinignan pa rin nila ang paligid
"Sis, tignan mo yun oh!" Bulong ni Syd. Kaya napatingin siya sa lalaking busy sa pagbabalat ng mansanas pero may napansin pa siyang kakaiba sa lalaki...may peklat ito sa may kaliwang pisngi
Pero kahit may peklat ito, hindi iyon nakabawas ng karisma niya. "Ang pogi niya no?" Bulong pa ni Syd. Kaya tumango siya, "At ang astig niyang tignan"
"Sinabi mo pa" sabi nito. At mukhang narinig ng lalaki na pinaguusapan siya ng dalawa kaya napatingin siya sa gawi ng dalawa kaya agad silang umiwas ng tingin, "Mukhang wala nang maliligaw, Krypton magsimula na ta—"
"Wait! Sasali kami" sigaw ng isang lalaki. Habang hawak niya ang kamay ng isang babae na base sa itsura nito ay mukang napilitan lang. "Alright! Pumasok na kayo"
"So, start na tayo!"
"Hi, my name is Krypton. Siguro nagtataka kayo kung bakit Paranormal Investigative Club ang name nito well we are going to hunt some paranormal stuff's" panimula nito. Kaya napangiti si Arielle dahil sa wakas nahanap na niya ang tamang club na para sakanya!
"Paranormal stuff's? Like what?" Masungit na tanong ng isang babae. Ngumiti naman si Krypton kaya lumabas ang dimples nito.
"Ghost, mysteries and engkano"
"Meron pa bang mga ganun?" Tanong ulit nung isa pa. Tumango ulit si Krypton. "Yes, meron pa. I know maraming sainyo ang hindi na naniniwala sa mga engkanto at mga multo pero believe me totoo sila, dahil sila ang dahilan kung bakit ako may peklat ngayon sa pisngi"
"And...additional lang ah, matagal na kami naghahanap ng mga engkanto na iyan kaya sa Friday tuturuan namin kayo ng basics hunting skills!" singit ni Kida. Kaya mas lalong na-excite si Arielle nang marinig niya ang salitang 'hunting'
"Pero bago ang lahat, meron tayong dalawang rule. First is wala dapat makakaalam kung ano ang ginagawa natin this is confidential mission and second wala din dapat makalabas kung ano nangyayari dito. Understand?" Dagdag pa nito
"Yes, sir!"
"Good, ngayon gusto ko kayo makilala. So let's start" masayang sabi nito. Nagulat siya ng malaman niyang introduce yourself pa pala
Matapos ang pagpapakilala nila, pinaliwanag naman ni Krypton ang mga kakaibang mga bagay na nakita ng mga kasamahan nila, "ayan ba ang gagamitin natin laban sa mga maligno?" Tanong ni Kioshi. Tumango lang ito
"Ayan talaga ang ginagamit sa mga aswang, but don't worry tuturuan naman namin kayo kung paano gamitin ang mga ito" sagot nito at napangiti ito, "kung wala nang magtatanong, dito na nagtatapos ang ating meeting, I hope meron kayong natutunan sa mga sinabi ko. Good day everyone!" Sabi pa nito. Kaya daling-dali silang lumabas ng lumang library
"Sa tingin mo, Isda. Okay lang ba yung sinalihan natin?" Tanong nito. Habang papunta sila ng canteen para kumain dahil nagutom sila sa sermon ng kanilang leader na si Krypton, "Oo naman, ang astig kaya. Lalo na kapag nagkaroon na tayo ng first mission makakahawak tayo ng baril!" Masayang sabi niya. Kaya napairap si Syd
"Ikaw lang may gusto diyan, ang hilig mo kasing manood ng paranormal shows!" Sabi nito. Sabay walkout kaya napangiti siya at agad niya itong sinundan dahil baka mawalan siya ng libreng turon at palamig
Pero hindi nila alam na meron palang nakatingin sakanila matandang lalaki, "Arielle, pala ang pangalan niya" Sabi nito. Sabay ngisi
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...