08

24 4 0
                                    

Nagising si Arielle dahil sa ingay na nagmumula sa baba kaya agad siyang bumaba at nagulat siya ng makita niya si Nicole at si Krypton na masayang naglalaro ng cellphone

"Sa mid! Kuya Krypton"

"Wait lang, hintayin mo ako!" Sabi nito. Kaya napasandal na lang siya sa balustre ng hagdanan habang pinagmamasdan niyang maglaro yung dalawa, 'bakit ang ganda ng ngiti nang lalaking to?' bulong nito sa isip

"Arielle, nak, kumain ka na ng almusal!" Tawag sakanya ng papa niya kaya napatigil yung dalawa sa paglalaro, "h-hi, good morning. Ituloy nyo lang yung paglalaro nyo" sabi niya at daling-dali siyang pumunta sa paborito niyang pwesto kaya sumunod ito sakanya

"Bakit ang tagal mong magising? Kanina pa ako dito" bulong nito sakanya. Kaya napatigil siya sa pagkuha ng tinapay, "weh, t-talaga? Bakit ka kasi nandito may misyon ba?" Tanong niya. Sabay inom ng mainit na kape

Tumango lang ito, "Wala, gusto lang kita makasabay pagpasok" maikling sagot nito. Sabay ngiti kaya agad siyang nasamid at umiwas na lang tingin para matago niya ang namumula niyang pisngi, "E-Eto na ba y-yung sinasabi mong 'ibang side' ni K-Krypton Hernandez?"

"Yea, slight"

Kaya agad siyang umiwas ng tingin, "O-Oh, eto kumain ka ng fried rice ni Papa at itlog. Masarap iyan" habang nilagayan niya ito ng fried rice sa pinggan pero napatigil siya ng makita niya si Krypton nakatingin lang sakanya, "uy! Bakit ka ganyan makatingin saakin? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ito at napalumbaba, "ang ganda mo kasi" sabi nito. Kaya natawa siya sa sinabi nito at hinampas niya ito sa braso, "anong maganda? Eh hindi pa nga ako naliligo! Alam mo kumain ka na lang diyan, gutom lang yan"

Kaya napailing ito at nagsimula ng kumain habang ang kapatid niya ay nakikinig lang sakanilang dalawa, "sanaol na lang, ang sakit nyo po sa mata, jusko!" Singit nito.

"Neks, ang sweet nyo ah!" Natatawang sabi ng papa niya. Kaya bumalik na ulit sila sa pagiging seryoso, "kamusta naman ang studies nyo?" Tanong ni Papa. Kaya nagtinginan silang dalawa, "o-okay naman po, Tito. Marami lang pong activities na binibigay saamin"

"Hmm, mabuti naman. Wag nyong kalimutan magpahinga ah" paalala ng Papa niya. Kaya tumango silang dalawa, "nga pala, mamaya may pupuntahan tayo" bulong nito. Kaya kumunot ang noo niya, "saan?"

"Basta pero I'm sure magugustuhan mo doon" sabi nito. Kaya hindi na lang siya nagsalita at tinapos na lang niya ang pagkain para makapag-ayos na siya papasok ng school

"Tara na, elle. Malalate na tayo!"

"Eto na, wait lang!" Sabi niya. habang patakbo siyang palabas ng bahay at sumakay sa tricycle na naghihintay sa tapat nila, "Bakit ba ang tagal mo?" Inis na sabi nito.

"S-sorry na, ang dami ko kasing dalahin" sabi niya. Habang pinapakita niya ang maraming folders na dala niya kaya napailing ito, "Oh, siya. Alis na tayo" inip nitong sabi

"Akin na yan mga folders mo, ako na magbibit" sabi nito. Sabay agaw sakanya ang hawak niyang mga folders na ipapasa niya, "Hindi, ako na baka... sabihin ng iba jowa kita!"

Kaya natawa ito at umiling, "di yan, akin na, wag ka nang kumontra" sabi pa nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan si Krypton at ihatid ito sa kanyang room, "s-salamat, Krypton. Kita na lang tayo mamayang lunch time" sabi niya. Kaya ngumiti ito

"Hihintayin kita mamayang uwian ah!" Sabi nito. Sabay kindat kaya napailing siya, "oo na, pumasok ka na sa room nyo!" Pahabol niyang sabi. Kaya agad itong umalis, "talagang lala—"

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now