Gumising siya na may ngiti sa labi dahil sa nangyari kahapon. Kaya daling-dali siyang bumaba at nakita niya ang kanyang Papa na busy sa paghahanda ng breakfast nila habang nakita naman niya si Nicole na nagbabasa ng Manga. "Good morning! Pa, Nicole!"
"Good morning, my dear. Himala good mood ka ngayon ah" sabi nito. Kaya napangiti siya, "okay na po ulit kami ni Krypton" sabi niya. Sabay upo sa paborito niyang pwesto, "aba'y, mabuti kung ganon. Tamang-tama may hiniram akong bala sa kumpare ko kahapon. Sabihan mo siya na pumunta tayo at manonood tayo!"
"Sige po, sasabihan ko po siya"
"Siya, kumain na kayo"
Since walang pasok si Arielle at day off naman ng tatay niya ngayon nagpasyahan nilang maglinis ng bahay dahil mashado nang madumi ang bahay nila. Inalis nila yung mga bagay na hindi na nila mashadong ginagamit o kaya mga gamit na sira na at luma
Napangiti naman siya ng makita ang koleksyon ng kanyang yumao na ina. Mahilig kasi ang kanyang ina na mangolekta ng kakaibang bagay na pang display at may konting cultural touch na mga gamit. "Dalhin mo yung iba sa bodega. Baka multuhin tayo ng mama mo kapag inalis mo ang mga yan" paalala pa nito. Kaya dahan-dahan niyang inalis yung iba dahil mashado nang marami ang nakadisplay
Kaya dinala niya ito sa bodega, "gosh! Ang bigat pala nito" hingal niyang sabi at binaba niya muna sandali ang dala niyang pang display. Hanggang sa nakaramdam siya ng kakaibang pang lalamig at kakaibang takot,
"Calm down, self. Hindi oras para sa mga katatak—shems!" Nagulat siya ng makita niyang bumukas ang pinto ng isang kwarto. Alam niya sa sarili na yung pinto na pinagbabawal ng tatay niya dahil marami itong masasakit na kwento ng kanyang kabataan
Kaya napalunok siya ng laway at dahan-dahan na lumapit sa pinto. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na enganyo na pumasok sa kwartong yun. Pagpasok niya sa kwarto bumigat agad ang kanyang pakiramdam at nakarinig siya ng mga sigaw at mga tawa sa silid, "veni, vidi, vici..." bulong sa kanyang tenga
Kaya tinakpan na niya ang kanyang tenga upang hindi niya marinig ang kakaibang lenggwahe. Kita pa niya ang mga lumang kagamitan dito na ginagamit ng kanyang step mom sa mga ritual at iba pa. Naalala niya pati nung unang pasok palang niya sa loob ng kwartong ito, "wow, eto ba ang ginagawa ni Tita sa loob kwarto?" Tanong niya sa sarili
Habang nakatingin sa mga kakaibang kagamitan hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto at nagulat siya ng makita niya si Gothel. "A-Anong g-ginagawa mo dito, Arielle?" Tanong nito. Kaya napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang pagagalitan nanaman siya nito. "S-Sorry po, maling k-kwarto ang napuntahan ko. Maawa po k-kayo wag nyo po akong sasaktan!" nauutal niyang sabi
Kaya napangiti ito at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, "hindi kita sasaktan, Arielle. Basta ipangako mo na wag kang pagsasabihan kung ano ang ginagawa ko dito. Kung sa ganoon maturuan kita ng kakaibang mahika na alam kong gusto mo yun" sabi nito at ngumiti
Kaya dahil sa takot niya sa ina, hindi niya sinabi sa iba ang kanyang natuklasan sa kwartong yun. Nung tumungtong niya ng 7yrs. old tinuruan siya ng palihim ni Gothel ng kakaibang mahika. "Ganyan nga, Arielle. Magaling anak ko! ayan ganyan nga"
Akala niya ay hindi na siya makakatikim ng pagmamalupit sa kamay ni Gothel pero mali siya ng akala dahil mas matindi pala ang kanyang sasapitin sa kamay nito. "tumayo ka diyan, Arielle. Hindi bagay sa susunod na reyna ang mahina. Kaya tumayo ka diyan at tapusin mo ang laban!" Sabi nito. Kaya kahit nang hihina siya ay pinilit niya pa rin tumayo
Pero sa huli bumagsak siya ng tuluyan dahil sa pagod na nararamdaman. Kaya nakatanggap siya ng matinding parusa kay Gothel, "tama na po! maawa po k-kayo, h-hindi ko na p-po uulitin!" naiiyak niyang sabi pero hindi ito tumigil sa paghagupit sakanya, "ayan ang dapat sayo! Kailangan mong maging matatag at malakas dahil ikaw ang susunod na reyna nila" sabi nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi umiiyak na lang dahil sa hirap
Dahil doon napuno ang kanyang katawan ng mga pasa at sugat dahil sa ginagawa sakanya ni Gothel. Hindi niya masabi sa papa niya dahil natatakot siyang sa gagawin ni Gothel sakanya at sa kapatid niya kaya pinilit niyang tiisin ang lahat ng pagmamalupit sa kanya ni Gothel
"A-Ayoko na, tama na!" naiiyak niyang sabi at tumakbo siya papuntang pinto pero agad itong sumara hanggang patuloy niya pa rin naririnig ang mga sigaw at hinaing sa loob ng kwarto, "maawa ka! Tigilan mo na ako, kahit kailan hindi ako magiging katulad mo!" sigaw niya. Bago siya tulyan nawalan ng malay
HABANG dumating naman ng maaga si Krypton sa bahay nila Arielle. "Kuya Krypton!" sigaw ni Nicole at agad siyang niyakap nito, "hey! Namiss mo ba ako?" Tanong nito. Tumango ito kaya agad niyang ginulo ang buhok nito, "Teka, nasaan yung ate mo?"
"Ewan ko, hindi ko nga siya makita eh" sabi nito. Kaya tumingin siya sa kusina pero hindi niya ito makita, "oh, Krypton! Mabuti at nandito ka na! Tamang-tama luto na ang ulam natin"
"Tito, si Arielle po?"
"Ah, nandoon sa bodega, paki puntahan mo nga at kanina pa yun nandoon" sabi nito at binigay ang susi kaya agad niyang pinuntahan ang bodega nito pero hindi niya makita ang babae, "Arielle! Nasaan ka" sigaw niya pero walang sumagot hanggang sa napansin niya ang isang kwarto kaya agad niyang pinuntahan yun at agad binuksan ang pinto ng kwarto
At nagulat siya ng makita niya si Arielle nakahandusay sa sahig kaya agad niyang binuhat ang babae palabas ng kwarto, "omg! Anong nangyari kay ate?" Tanong nito. Kaya napatigil ang tatay nito sa pag-aayos ng mesa
"Nakita ko lang po siya nakahandusay sa sahig nung isang kwarto doon" sagot niya. Kaya natigilan ang dalawa, "sinasabi ko na nga ba eh! Nicole, dalhin nyo ang ate mo sa kwarto niya. Napatigas talaga ng ulo ng ate mo!"
Kaya agad nilang dinala si Arielle sa kwarto, "ano bang meron sa kwartong yun? Nicole" sabi niya. Habang inaayos nila ang higa nito kaya napabuntong hininga ito at umupo sa gild ng kama si Nicole, "she had a bad memory doon nung bata pa siya, pinahirapan kasi siya ng step mom namin" malungkot na sabi nito
"Si Gothel ba ang tinutukoy mong step mom?" tanong nito. Kaya napalingon ito sakanya at tumango, "nung namatay si mama, sobrang lungkot ni papa dahil nakita namin kung paano tumalon sa bangin si mama. Hanggang sa nakilala ni papa si Gothel..."
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...