13

15 4 0
                                    

"REALLY, ginawa mo talaga yun?" Sabi ni Krypton. Habang hindi pa rin ito makapaniwala sa ginawa ng kaibigan, "tama ba yung ginawa ko, Krypton na halikan siya" nahihiya nitong sabi dahil nakakaramdam ito ng guilt sa ginawa niya kahapon sa ABM cafe

"Hmm, para saakin, hindi okay yun" maikling sabi nito. Kaya napakamot siya ng ulo, "Anong gagawin ko ngayon? Krypton" naiiyak niyang sabi. Kaya natawa ito sa inasal niya at agad siyang tinapik, "say sorry to her, Kida, sabihin mo yung totoo kung bakit mo yun nagawa"

Kaya napabuntong hininga siya, "paano ko naman gagawin yun na hindi ako nasasampal nun" sabi niya. Kaya napailing ito, "problema mo na yan, Kida" sabi nito at iniwanan siya nito dahil may lakad sila Arielle ngayon

Kaya tumingala na lang siya sa langit nang marinig niya ang boses ni Zarouhi at mga kaklase nito na naguusap, "Kita na lang tayo bukas ah!" Masayang sabi ng isa nitong kasama at tuluyan itong umalis kaya agad niya itong nilapitan, "hi, Zarouhi, Kioshi"

Pero imbes batiin siya pabalik ay agad siya nitong nilagpasan kaya natawa na lang siya sa sarili, "ikaw kasi eh, hindi mo dapat yun ginawa kay Zarouhi ayan tuloy nawalan ka na ng chance" sabi ni Kioshi. Kaya napatingin siya sa babaeng naglalakad papalayo

Kaya niyukom niya ang kamay at lakas loob na sundan ito ng palihim, "go! Kida, balitaan mo na lang ako" pahabol na sabi ng kaibigan. Kaya agad siyang napangiti at patakbong siyang sumunod dito hanggang sa napadpad siya sa isang restobar, 'anong gagawin dito ni Zarouhi'

Kaya dahil sa curious niya pumasok siya dito at sinalubong nga siya ng malakas na musika na puro metal at slow rock ang pinapatutog dito, "anong lugar ito?" Tanong nito. Habang pinagmamasdan niya ang mga ibang kasuotan ng mga tao dito, "hi, welcome sa The veks restobar. Anong order nila?" Sabi ng isang waitress kaya agad niyang sinabi ang order nito habang hinihintay niyang lumabas ito sa pinasukang pinto kanina, "here's your order"

"Thankyou..." sagot nito. Sabay inom ng pineapple juice nang tawagin ang pangalan ni Zarouhi sa mini stage at nagulat siya ng makita itong may hawak na electric guitar

"Let's welcome, this band, the floor is yours!"

Kaya napangiti ito at nagsimula na itong tumugtog ng slow rock, "wow, ang galing niya! Bebe ko yan!" Sabi niya. Habang tahimik niyang pinanood kumanta ang babaeng nakabihag sa kanyang puso, "Wow, that's the great performance! This band wala pa ring tatalo sa kanta ni Avril Lavigne na 'what the hell'"

"Woah! Isa pa"

Kaya napatingin ito sakanya habang nakakunot ang noo kaya napaiwas siya ng tingin, "patay! Nakita niya ako" bulong niya. Kaya unting-unti siyang umalis nang may kung anong nabangga siya sa likod at nagulat siya ng makita si Zarouhi, "anong ginagawa mo dito?"

Kaya napakamot siya ng ulo, "ahm, kumakain, h-hindi ko alam na d-dito ka pala tumutugtog" palusot niya. Kaya napabuntong hininga ito

"Sa labas tayo magusap" sabi nito at nauna nang umalis kaya agad siyang sumunod dito, "nandito ako para sabihin sayo na.. I'm sorry for what I did yesterday, I didn't mean t-"

"Apology accepted, Kida, hindi naman big deal yun saakin...so, hows my performance? Maganda ba pagkanta ko?" Sabi nito. Kaya napangiti siya at tumango, "sobrang ganda ng pagkanta mo, Zarouhi. Walang halong biro"

"Thankyou pero hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sayo lalo na nung sinabi mo akong hindi marunong kumanta!" Sabi nito. Sabay hampas nito sa braso niya kaya natawa siya, "I'm sorry, nagbibiro lang ako nun"

Kaya napangiti ito, "ahm, Kida anong nagustuhan mo saakin?" Tanong nito. Kaya napatigil siya sa paglalakad at inayos niya ang bahok nito, "ahm, sa tingin ko...yung pagiging astig mo hehe naalala mo nung third round na palaro yung...pabilisan sa pagbaril, grabe ang astig mo doon!"

Kaya nagulat siya ng dahan-dahan itong lumapit sakanya, "Z-zarouhi, anong ginagawa mo?" Nauutal nitong sabi. Kaya ngumisi lang ito at nilapit nito ang mukha kaya hindi niya maiwasan hindi tumingin sa mapupula nitong labi, "ganyan din ang... nagustuhan ko sayo, Kida. I like you too" pag-amin nito.

At nagulat siya ng biglang siya halikan nito sa labi, "so, ibig sabihin ba nito...tayo n-aray!"

"Manligaw ka muna saakin, love"

"THAT was fun!" Masayang sabi niya. Habang palabas sila ng sine dahil may bagong palabas na horror movie, "What's next?" Tanong nito.

Kaya ngumiti siya, "sa national bookstore muna tayo tas kain tayo sa Korean restaurant" masayang sabi nito. Kaya napangiti si Krypton at inakbayan siya, "sa national bookstore tayo!" Gaya nito sakanya kaya natawa na lang siya

At pumunta sila sa bookstore para bumili ng notebook at mga ballpen na gamit niya sa pagsusulat, sunod naman kumain sila sa Korean restaurant at pang huli pumunta sila sa arcade, "omg! Panalo ako" masayang sabi nito dahil natalo sa unang pagkakataon si Krypton

"Wow, ang galing mo na"

"Syempre, doon naman tayo sa basketball bilis" sabi niya at agad niyang kinaladkad ito sa basketball ring, "okay, kung sinong manalo sa larong ito manglilibre ng ice cream mamaya!" Sabi ni Krypton

"Deal!" Masayang sabi niya. Kaya wala na silang inaksayang oras at agad silang nagsimulang magshot, walang umiimik sakanilang dalawa dahil mashado silang seryoso sa paglalaro at sa huli ay nanalo si Krypton sa laban sila, "paano ba yan? Ako ang nanalo"

"Edi congrats! Sa labas na tayo bumili ng ice cream mas mura doon" sabi nito at naunang umalis kaya agad siyang sumunod, "doon oh, meron" turo nito. Kaya agad silang pumunta at bumili ng ice cream, "ay! Grabe napagod ako doon!" Sabi niya. Habang nakaupo sa bleachers at kumakain ng ice cream

"Nag enjoy ka ba sa date natin?" Tanong nito tumango siya, "sobra, salamat, Krypton ah" sagot nito. Kaya ngumiti lang ito at ginulo ang buhok niya, "you're always welcome, elle" ngumiti siya

"Krypton pwedeng magtanong?"

"Sige, ano ba yun?"

"Ahm, Ano bang... nangyari dyan sa peklat mo?" Sabi ko. kaya napatigil siya sa pagkain at tumingin siya saakin, "Pangit ba?" Sabi nito. Kaya umiling agad siya

"Hindi ah, Curious lang ako pero...kung ayaw mong ikwento okay lang sakin" sagot ko. Kaya napabuntong siya, "Nung bata ako, nilusob ng mga aswang ang lugar namin. Marami taong ang namatay sa kamay nila at marami din bahay ang nasunog at mga batang nawala mga magulang...isa ako doon"

Nakita ni Arielle sa mga mata nito ang lungkot, galit at higit sa lahat pangungulila, "Nakita ko kung paano nila patayin ang nanay ko kaya sa galit ko lumaban ako sakanila at doon nakuha ang peklat na ito" sabi pa nito

"Sorry kung natanong ko pa" sabi ko. Umiling siya at ginulo niya ulit ang buhok ko, "No, it's okay... Matagal ng nangyari yun" sabi nito.

"Yun ba ang dahilan kung bakit gusto mo silang mawala?" Tanong ko pa. Tumango lang ito at ngumiting pilit, "Yea, dahil ayokong maranasan ng iba ang mawalan ng magulang, kapatid o kaibigan"

Kaya napangiti siya sa sinagot nito kahit pangit ang kwento sa likod ng peklat nito para sakanya, eto ang pinakamagandang peklat na nakita niya, "Ahm, Krypton pwede ko bang hawakan yang peklat mo?"

"H-Ha? S-sure..." Nauutal nitong sai. Kaya nilapit nito ang mukha nito sakanya para mahawakan niya ang peklat nito, "Alam mo ba, etong peklat na ito ang una kong napansin nung una tayo nagkita" pag-amin niya. Habang unting-unti niyang hinahawakan ang pisngi nito

"T-Talaga?" Nauutal nitong sabi. Tumango siya at ngumiti, "ang astig kasing tignan eh!" sabi niya. Kaya napatingin ito sakanya at doon na kumabog ng todo ang kanyang puso

"Hay! Natusok mo nanaman ako"

At ang sumunod na nangyari...he kiss me

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now