18

17 4 0
                                    

After ng pag-aaway nila ni Krypton tulalang umuwi si Arielle sa kanilang bahay at nakita niya na masayang nonood ang papa niya at kapatid niya, "I'm home" tamad niyang sabi. Kaya napatigil ang dalawa sa panonood at tumingin sakanya, "may problema ba? Arielle"

"P-Papa, wala na kami ni Krypton" malungkot na sabi nito. Kaya agad siyang niyakap ng tatay niya, "shh, okay lang yan. Arielle" sabi nito. Habang nakayakap pa rin ang anak sakanya

"Tara, may pupuntahan tayo" sabi ng Papa niya. Sabay ngiti at pumunta nga sila sa bay walk kung sila laging tumatambay ng mama niya tuwing uwian, "wag mo nang isipin ngayon si kuya Krypton" sabi ni Nicole. Habang kumakain ng ice cream kaya napangiti siya at ginulo niya ulit ang buhok ng kapatid niya

"Walang araw na hindi ko namimiss ang nanay nyo, she's love sunset kaya everytime nandito kami lagi siyang masaya" singit ng Papa niya. Habang nakatingin sa kawalan kaya agad niyang tinapik ang balikad nito, "namimiss ko rin siya, pa, lalo na yung luto niyang adobo"

Kaya napangiti ito at tumingin na lang sa paglubog ng araw habang inaalala nila ang mga sandaling kasama pa nila ang kanilang ilaw ng tahanan, "Arielle, tatandaan mo na... Everything happens for a reason."

HABANG si Krypton ay lasing na pumasok sa kanyang apartment at nagulat siya ng pagbukas ng ilaw ay nakita niya si Kida natutulog sa sofa kaya napabuntong hininga siya dahil ginawa nanaman nitong tambayan ang apartment niya sa tuwing magkaaway ang papa niya, "oy! Bumangon ka diyan"

"K-Krypton, ikaw ba yan?" Inaantok na sabi nito. Kaya napailing siya at naghubad siya ng damit para magpalit, "ako nga, bakit ka nandito nag-away nanaman kayo no"

Tumango ito, "bakit ngayon ka lang nagpaparamdam? Lagi kang tinatanong saakin ni Arielle...saan ka ba galing?" Sabi nito. Kaya napatigil siya sa pagsusuot ng damit

"Hinahanap ako ni Arielle?" Tanong pa niya. Kaya napangiti ito ng konti at napailing, "Oo naman no, nakausap mo na ba siya?"

"Oo, kanina, pinutol ko na ang ugnayan namin dalawa" sabi niya. Habang papunta siya sa kusina para uminom, "huh, b-bakit naman? Yun ba ang dahilan kaya ka hindi nagpaparamdam saamin?" Tanong pa nito pero wala siyang nakuhang sagot mula rito kaya tinikom na lang niya ang kanyang bibig dahil sadyang ayaw nitong pagusapan ang personal na buhay nito

"K-Kida, sa tingin mo... tama ba yung sinabi ko kay Arielle" sabi nito dahil aminado siyang medyo na guilty siya sa ginawa niya lalo na nung makita niya ang reaksyon nito kanina

"Ewan ko sayo, Krypton" sabi nito at iniwan siyang mag-isa sa kusina dahil inaantok pa ito

KINAUMAGAHAN, tamad na tumayo si Arielle mula sa pagkakahiga kahit ayaw niyang pumasok wala siyang magawa dahil ngayon ang meeting nila para sa title defense sa thesis habang pilit niyang hindi isipin ang sagutan nilang dalawa ni Krypton sa locker room, "Bakit wala kang ginawa Arielle! At pinanood mo lang mamatay ang mga tao!"

"Wala kang ginawa, Arielle, para iligtas sila! Ang duwag mo!" Bulong nito sa kanyang isip kaya napatingin siya sa salamin at nagulat siya ng makita niya ang isang batang maliit na puno ng galos, "ang duwag mo, Arielle, pinanood mo lang silang mamatay!" Sabi nito.

Habang unting-unti bumagaksak ang mga luha niya sa pisngi, "I'm so sorry, wala akong nagawa. Sorry" naiiyak niyang sabi. Habang unting-unti siyang napaupo habang walang tigil pa rin siya sa pagiyak

"I'm really sorry..."

Kaya ngayon tulala siyang pumasok sa room at tahimik na umupo sa kanyang upuan kaya napansin siya ng kaibigan niyang si Syd, "uy! Isda Ayos ka lang ba?" Tanong ni Syd. Kaya agad siyang napangiti at tumango dahil ayaw na niya madamay ang kaibigan sa problema niya, "y-yes, I'm okay"

"Nagpaparamdam na ba sayo si Krypton?" Tanong pa nito. Tumango siya habang nilalabas niya ang kanyang libro, "Ang totoo yan...wala na kami" sagot ko. Sabay ngiti

"Gagi, s-seryoso? Bakit anong nangyari?" Tanong pa nito pero hindi niya ito sinagot dahil ayaw niyang may malaman pa itong iba at papasok na din ang kanilang first teacher

"GUYS, may gusto akong sabihin sainyo" seryosong sabi niya. Habang nasa canteen sila at kumakain ng lunch, "ano ba yan, Arielle? Parang seryosong chika yan ah"

Kaya napangiti siya, "gusto ko sanang... magquit as a member ng club natin" sabi niya. Kaya napatigil sa pagkain ang mga kasamahan niya, "Bakit kailangan mong umalis? Arielle dahil ba ito kay Krypton ha"

Kaya napabuntong hininga siya, "hindi naman yun ang dahilan kung bakit gusto kong umalis eh, ang totoo kasi yan ayaw talaga ni Papa na sumali ako sa ganitong Club kaya at sabi niya saakin kahapon magquit na daw ako dahil ayaw niyang mapahamak ako"

Kaya napabuntong hininga na lang ang mga kasamahan nila, "Edi umalis ka, wala naman pumipigil sayo" singit ni Krypton nasa likod pala nila at hindi din nila inaasahan ang inasta nito, "Krypton, bakit ganyan ka magsalita kay Isda" inis na sabi ni Zarouhi

Kaya napatingin ito sakanya at ngumisi, "Bakit hindi nyo tanongin yang kaibigan nyo?" Sabi nito. Kaya nasa sakanya ang atensyon ng mga kasamahan nila, "I'm s-sorry, g-guys. I quit!"

"See, go on. Ayaw namin ng ka-grupong maraming lihim" sabi nito at saka umalis na parang walang nangyari habang siya naman ay naiwan tulala sa kakaibang kinilos ng taong mahal niya, "Mukhang may cold war kayo ni Krypton" sabi ni Kida. Habang nakatingin sa kaibigan niyang naglakad papalayo

"Mukha nga, Arielle sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Zarouhi. Tumango na lang siya at ngumiting pilit, "Magiging okay naman kayo kahit wala ako eh" at tuluyan na siyang umalis na narinig pa niya ang tawag sakanya pero hindi na siya lumingon pa dahil ayoko nilang malaman ang totoo tungkol saakin, ayokong magiba ang tingin nila sakin... tinuring ko silang mga kaibigan at ayokong masira yun dahil sa lihim kong tinatago

Bakit pa kasi sa dinami-raming tao sa mundo saamin pa binigay ang ganitong problema...ang ganitong katangian dahil sa magulo abg isip ko hindi ko napansin ang isang lalaki kaya nahulog niya ang dala niyang mga libro, "Nako! Sorry hindi kita napansin" sabi ko. Habang tinutulungan ko siya sa pagkuha ng libro niya

"It's okay, wait you look familiar nagkita na ba tayo dati?" Tanong nito. Kaya napatingin ako sakanya at nagulat ako ng makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon, "Omg! Aiden ikaw nga!" masayang kong sabi. Napangiti ito

"Arielle, right? What a small world" sabi niya. Kaya napangiti ako. Siya lang naman ang pinakasikat dito sa campus dahil isa siyang Captain ng basketball at girlfriend pa niya si Cezanaih. "Aiden! Kanina pa kita hinahanap ah" sigaw ni Cezanaih. Kaya tumayo na kami at binigay sakanya ang mga libro

"Thanks, nood ka ng laban namin"

"Sige pa, una na ako hehe"

"Sige, Arielle. See you around" sabi nito at patakbong pumunta sa gawi ni Cezanaih kaya umalis na ako sa exsena. Kahit pangit ang nangyari ngayong araw atleast naging maganda naman ang katapusan nito

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now