21

16 4 0
                                    

Nagising si Arielle sa hindi familiar na lugar. Madilim at malamig na hangin ang sumalubong sakanya. Kaya daling-dali siyang tumayo para hanapin ang daan palabas sa kakahuyan na ito.

“Miranda?!” Sigaw na narinig sa buong kakahuyan, “si papa ba yun?” Tanong niya sa sarili kaya daling-dali niyang sinundan ang tinig kung saan niya narinig. “Miranda! Nasaan ka ba? Hinihintay ka na ng mga anak natin!” Sigaw pa nito.

“Papa, I’m here!” Sigaw niya dito pero hindi siya nito narinig hanggang sa makarating na siya sa bangin, “jusko! Miranda, wag kang tumalon!” sabi nito. Habang kasama nito ang dalawang bata na umiiyak kaya napatingin siya sa kanyang suot at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang parehong suot ng nanay niya nang mamatay ito, “papa, tulungan mo ako! Ayoko pang mamatay!”

“Veni, vidi, vici…”

Kaya unting-unti siyang lumingon at laking gulat niya na makita ang babae nakita niya sa quarters nila. “tumalon ka na, Miranda” sabi nito. Sabay ngisi habang patuloy ito sa pagsambit ng kakaibang lenggwahe. “papa, tulungan nyo ako! Maawa kayo”

“Tumalon ka na, hindi ka nila maririnig. Talon Miranda! Talon” utos nito. Kaya napatingin siya sa mabatong pagbabagsakan niya at nagulat ng kusang gumalaw ang mga paa niya, “mahal ko, pakiusap wag kang tumalon!”

Pero kahit anong pigil niya sa sarili wag tumalon hindi pa rin napigilan ang kapangyarihan na bumabalot sakanya at walang anu-ano tumalon siya sa bangin, “Miranda! Mahal ko”

“HINDI!” sigaw niya. Kaya agad pumasok sa kwarto si Syd, “omg! Arielle gising ka na! Pinag-alala mo kami” sabi nito. Sabay yakap sakanya ng mahigpit kaya napatingin siya sa paligid at nakita niya ang puting kurtina at napatingin din siya sa kamay niya may dextrose, “anong ginagawa ko dito?”

“Nahimatay ka kanina kaya dinala ka namin dito sa hospital”  paliwanag ni Cezanaih kaya napatingin siya sa mga kaibigan niya kung kasama ba nito si Krypton pero bigo siyang makita ito. Nalungkot siya dahil hanggang ngayon galit pa rin ito sakanya. “nandito siya kanina, isda. Ang sabi niya may pupuntahan daw siya”

Tumango na lang siya, “bakit nga pala kayo nandito? Akala ko may misyon kayo?” tanong pa niya. Natahimik sila at pinalabas muna sila Cezanaih dahil ayaw nila itong madamay sa gulo, “kakatapos lang namin sa misyon nung tumawag si Cezanaih. Nakaharap na din namin ang Reyna ng mga engkanto si Gothel” sabi ni Syd. Kaya napatigil siya dahil yung babae yun ang lagi niyang napapaginipan

“Nagkaharap din sila ni Krypton” dagdag pa ni Kida. Kaya ginulo niya lang ang buhok niya. “A-Ayos lang b-ba siya? N-Nasaktan ba s-siya?” Tanong pa niya. Tumango si Kida, “don’t worry about him, konting galos lang at sugat ang natamo niya sa laban” sagot nito. Ngumiti siya

“Kaya bumalik ka na sa grupo, Arielle. Kailangan ka namin” sabi ni Zarouhi. Kaya napabuntong hininga siya, “I-I can’t, Zarouhi. Alam nyo naman may galit pa rin saakin si Krypton and… besides hindi ko pwedeng iwan sila Cezanaih dahil kailangan din nila ako”

“We understand, isda. Basta anytime pwede kang bumalik sa club and please wag mo naman kaming iwasan kasi nakakasad eh” sabi ni Kioshi. Kaya napangiti siya at binuka ang braso niya kaya agad lumapit sila Zarouhi dito at niyakap siya ng mahigpit, “sorry kung pati kayo nadamay sa cold war namin ni Krypton. Promise hindi ko na kayo iiwasan. Ilove you, guys!”

“We love you too, isda! Kahit saan pang gera yan sasamahan ka namin!” sabi ni Zarouhi. Kaya natawa na lang siya. Masaya siya dahil meron siyang totoong kaibigan na handang samahan siya sa kahit anong laban

I’m so lucky to have them.

Pagkatapos nun, parang naging mini gathering ang buong kwarto ni Arielle dahil sa samo’t-saring mga pagkain na binili ni Kida at mga decorations na nakasabit. “grabe dito pa talaga tayo sa hospital nagparty!”

“Ayaw nyo yun? Meron tayong magandang memory na madadala sa college once na graduate tayo!” sabi ni Kioshi. Habang nilalantakan ang isang slice ng pizza. Natahimik naman sila nang dumating ang tatay ni Arielle kasama ang kapatid nitong si Nicole

“Anong nangyari? Anak, ginugulo ka pa rin ba niya? Tell me!” sabi nito. Habang nakayakap ito sa anak, “ayos lang po ako, papa” sabi niya. Kaya hinalikan siya nito sa noo. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sayo…sainyo kayong dalawa lang ang natira saakin”

Napangiti siya dahil masuwerte siya dahil naging tatay niya ito, “wag na po kayong mag-alala, ayos lang po ako. Ilove you po, pa” sabi nito. Kaya napangiti ito at niyakap siya nito

“Ilove you more, Anak”

“Aww, ang sweet naman nila. Tara na muna guys hayaan muna natin sila” bulong ni Kida. Kaya lumabas sila ng kwarto at nagulat sila ng makita nila si Krypton sa may upuan sa labas at umiinom ng kape, “Krypton, kanina ka pa diyan?”

“Hmm, kasabay ko lang sila Tito. Kamusta si Arielle. Maayos na ba pakiramdam niya?” sabi niya. Habang umiinom ito ng kape kaya napailing sila dahil nag-aalala pa rin ito sa kanilang kaibigan, “ah, yes. She’s fine. Baka bukas pwede na siyang lumabas”

“Babalik na ba siya sa grupo?”

Kaya nagtinginan sila, “h-hindi pa, alam mo Krypton. Kung gusto mong bumalik si Arielle sa grupo kayo dalawa ang magusap at ayusin nyong dalawa ang issue nyo” sabi ni Zarouhi. Kaya inapiran ni Sedo dahil sa sinabi nito, “nadali mo yun, sister!” Bulong ni Kioshi.

Pagkatapos nun, pinagpatuloy na nila ang party syempre kasama na si Krypton, “masaya ako at okay na ulit kayo ng anak ko. Nag-aalala ako kay Arielle dahil laging nakatutula sa kwarto” kwento ng papa niya. Kaya tinignan niya ito ng masama dahil sa ginawang paglalag sakanya nito

“Papa naman!” suway niya pa dito. Kaya natawa ito. Samantala, napatingin naman siya kay Krypton na nakikipagusap sa mga journalism club. Masaya na siya makita si Krypton sa malayo alam niyang galit pa rin ito sakanya dahil hindi siya matignan nito ng diretso kanina

“Laro tayo ng truth or dare?!”

“Kayo na lang maglaro, I’m out!” sabi ni Krypton. Kaya napairap si Zarouhi, “ang kj mo naman, Krypton. Sumali ka na! Ngayon lang naman eh” sabi nito. Kaya napabuntong hininga ito at walang nagawa kundi sumali sa laro nito,

“Love, kuha ka bote!”

At nagsimula na silang maglaro ng truth or dare. Ang unang tinapatan ng bote ay si Kioshi, “truth or dare?” tanong ni Syd. Kaya lasing na ngumiti ito, “dare!” malanding sabi nito. Habang nakatingin kay Seth kaya napaiwas ito ng tingin

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now