Walang tigil sa pagtunog ang alarm clock niya pero hindi pa rin tumatayo si Arielle at nakabalot lang siya ng kumot, "Anak, bumangon ka na dyan, anong oras na" sabi ng tatay niya at umupo ito sa kama niya pero hindi niya pa rin inaalis ang kumot niya
"Ayokong pumasok, pa" inaantok na sabi nito. Kaya napabuntong hininga ito at dahan-dahan inalis ang kumot ng anak at napailing siya ng makita niya ang mamula-mula nitong mata, "may problema ka ba? Arielle"
Kaya tumingin ito sakanya at nagulat siya ng bigla siyang yakapin ng anak, "P-papa, napaginipan ko nanaman siya" naiiyak na sabi nito. Kaya tinapik nito ang likod ng anak niya
"Ano bang nangyari at napaginipan mo nanaman siya?" Tanong niya. Habang nakayakap pa rin ang anak niya sakanya, "pa, babalik ulit siya, ayokong maging katulad niya. Pa, a-ayoko" naiiyak na sabi nito. Kaya niyukom niya ang mga kamay niya dahil sa sobrang inis sa babaeng sumira sakanilang magandang pamilya at sa sarili niya dahil kung sa una palang nakilala niya ang buong pagkatao nito hindi sana magiging ganito ang anak niya
"Tahan na, Arielle. Hindi na siya babalik, anak dahil matagal na siyang patay at hindi ako papayag maging katulad niya, okay?" Sabi nito. Habang pinupunasan niya ang luha sa pisngi ng anak niya kaya ngumiti na lang ito ng pilit, "P-Papa, ilove you" maikling sabi nito. Kaya hindi napigilan ng tatay niya ang kanyang luha kaya niyakap na lang niya ang anak niya
"Ilove you more, Arielle. I'm sorry kasalanan ko ang lahat kung nalaman ko lang ng maaga kung anong nilalang siya...hindi ko na sana siya pinakasalan. I'm so sorry" naiiyak na sabi niya. Kaya napuno ng iyakan ang buong kwarto habang pasimpleng nakatingin ang kapatid niyang si Nicole dahil alam niya sa kanilang dalawa ay si Arielle ang dumanas ng kalupitan ng step mom nila tuwing wala ang tatay nila
"Ikaw talagang bata ka! Anong ginawa mo sa mga gamit ko ah! Diba sinabi ko sayo na wag nyong pakikialam ang mga gamit ko!" Galit na galit na sabi nito. Habang hinahataw ang bata pang si Nicole kaya agad napatakbo si Arielle papasok ng bahay nila at nagulat siya ng makita ang ginagawa ng ina, "M-Mama! Wag nyo pong sasaktan si Nicole!" Awat nito
Kaya napatigil ang ina at tumingin sakanya, "isa ka pa, diba sinabi ko sayo linisin mo ang kwarto pero inuna mo pa rin ang paglalaro sa labas!" Galit na sabi nito. Habang patuloy lang ito sa paghataw ng payat na stick, "tama na po! Mama, tama na!" Sigaw nito pero walang tigil pa rin ito sa paghataw sakanya hanggang sa may dumaloy nang patak na mga dugo
"Ayan ang bagay sainyo! Mga walang kwenta" sabi nito at tuluyan nang umalis kaya agad niyang nilapitan ang ate niya, "okay ka lang ba? Ate. Isumbong na kasi natin siya kay tatay" sabi nito. Ngumiti ito at umiling, "wag, alam mo naman na masaya si Papa dahil sakanya at saka sugat lang ito gagaling din"
Kaya hanga siya sa katibayan ng ate niya dahil kahit anong dumating na problema sakanila nakukuha pa rin nitong ngumiti at maging positive sa buhay, "Papa, magiging okay ba si Ate?" Sabi nito. Kaya napabuntong hininga ito at tumingin sa anak na himbing natutulog
"Hindi ko alam, Nicole. Naalala nanaman niya kasi ang mga nangyari sa nakaraan. Ipagdasal na lang natin na sana maging okay ulit ang ate mo" sabi nito. Kaya napangiti siya at tumango
"Siya, baba muna ako para tawagan ko ang boss ko na hindi ako makakapasok. Ikaw muna tumingin sa ate mo ah" sabi pa nito at bumaba na at nagulat siya ng makita niya sina Syd na naghihintay sa may sala, "h-hi po, Tito!"
"Syd, anong meron at nandito kayo?" Tanong nito. Kaya nagtinginan yung apat na bisita at hindi alam ang sasabihin, "ahm, gusto ko po namin dalawin si Arielle. Balita po kasi namin masama daw po pakiramdam ni Arielle" singit ni Kioshi. Sabay ngiti kaya napabuntong hininga ito, "May nasabi ba sainyo na problema ang anak ko? Baka may nangbully n—"
"Tito, wala pong nangbubully sakanya sa school pero lately po napansin namin na matamlay siya at laging tulala" sabi ni Zarouhi. Kaya napatango ang tatay nito, "kailan nagsimula yung pagiging tulala niya?"
"Ahm, nung nakalaban namin yung tiyanak?" Sabi ni Syd. Kaya mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa naging sagot ni Syd, "t-tiyanak? Ang kala ko...kinakalaban niya pa rin ang mga yun" bulong nito. Kaya natahimik sila
"Hintayin na lang natin siya magising, gusto nyong kumain?" Sabi nito. Sabay ngiti kaya hindi na sila nakatanggi dahil nagugutom na rin sila, "ang sarap po ng luto nyo, Tito!"
"Syempre, kumain ka lang diyan" sabi nito. Sabay ngiti nang makita niya si Nicole pababa ng hagdanan, "Wow, ang cute mo! Kapatid ka siguro ni Arielle" sabi ni Zarouhi. Kaya napakamot siya ng ulo, "Opo, kapatid niya ako hehe. Sino kayo?"
"Kaibigan kami ng ate mo, Gising na siya?" Sabi ni Kida. Kaya agad itong tumango, "ahm, Tito, pwede ba namin puntahan si Arielle sa taas?" Tanong ni Syd. Tumango ito
Kaya agad silang pumunta sa kwarto ni Arielle at hindi nila mapigilan ang kanilang pagka mangha dahil sa sobrang daming horror stuff katulad ng mga libro at stuffed toys, "anong ginagawa nyo dito? Si Krypton kasama nyo?" Singit ni Arielle. Habang palabas ng banyo
"Isda! Okay ka lang ba?" Sabi ni Zarouhi. Kaya yakap sakanya na sinundan naman nila Kioshi kaya napailing siya, "Oo naman, tinatamad lang talaga ako pumasok" natatawang niyang sabi
"S-Si Krypton hindi nyo kasama?" Tanong pa niya. Kaya napabuntong hininga si Kida at naupo na lang sa kama niya, "hindi pumasok kanina si Krypton, hindi rin siya umuwi kagabi. Nag away ba kayo nun?"
"H-Hindi, okay naman kami nung last mission natin eh, hindi rin siya nagrereply sa mga texts ko" sabi ko. Kaya napailing sila habang kinakalikot nito ang mga libro sa book shelves
"Wag yan! Kioshi, limited edition lang yan" awat nito dahil hawak na nito ang isang lumang libro na regalo pa sakanya ng tatay niya nung 18th birthday niya, "oh, sorry. Ganda pala ng taste mo sa mga libro, tignan mo sulat pa ni kuya X ito" sabi ni Kioshi. Habang binabalik nito sa ayos ang mga libro kaya nakahinga ng maluwag si Arielle, "Ang astig niya din kasi..."
"Oh, tama na yan! Movie marathon na tayo" sabi ni Zarouhi. Habang nilabas nito ang laptop niya sa bag
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...