09

19 3 0
                                    

Nasa bakasyon ngayon ang mag-asawang sina Winter at Fire dahil nag celebrate sila ng kanilang 20 anniversary sa lumang mansion ng magulang nila Fire, "Justine, wag mong pa sakitin ang ulo ni Yaya Mona. Hindi ka talaga namin bibigyan ng bagong PSP" paalala ni Winter. Habang kausap niya ito sa tablet

"Okay, mom. Magiging mabait na ako kay Yaya Mona" tamad nitong sabi. Kaya napangiti siya dahil kahit makulit ito ay sumusunod pa rin sakanya lalo na kapag PSP na ang pinaguusapan, "good, uuwi na kami ng papa mo diyan sa makalawa. I miss you baby"

"I miss you too, mom" maikling sagot nito at agad nitong i-end ang tawag kaya napailing siya at nilapag sandali ang tablet niyang hawak  nang makarinig siya ng iyak ng isang bata

"Fire, narinig mo yun?"

"Yung alin? Mahal ko" sabi nito. Habang nakatutok pa rin ito sa screen ng laptop nito, "yung iyak ng bata sa b-baba" naguguluhan nitong sabi. Kaya napatigil ito sa pagtitipa at tumingin sa asawa, "wala akong naririnig, mahal, mukhang gusto mo nang sundan si J—"

Kaya agad siyang hinampas sa braso niya, "puro ka talaga kalokohan! May narinig nga ako sa baba umiiyak na bata, bumaba ka doon tignan mo kung meron nga!" Inis na sabi nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi bumba

"Umiiyak na bata? Eh kami lang ang na—ay! Shems" natatakot nitong sabi at hindi niya inaasahan makakakita siya ng isang nakakatakot na nilalang na walang awang pinaslang ang alaga nilang si Chip, "d-diyos ko po" bulong nito. Habang unting-unti siyang umakyat pataas nang sumigaw ulit ang asawa niya kaya napatingin ito sakanya kaya daling-dali siyang umakyat para hindi siya makain, "m-may tinyanak s-sa baba"

Pero imbes matakot ito ay tinawanan lang siya ng asawa, "ano? Hanggang ba naman, Fire naniniwala ka pa rin sa mga ganyan" natatawa nitong sabi. Kaya napabuntong hininga siya

"Meron nga, ikaw pa tumingin" sabi nito. Kaya napailing ang asawa niya at walang takot na bumaba habang sila ay may hawak na baseball bat at sinusundan ang asawa, "sinabi ko naman sayo, wag ka na manood ng horror movies. Tignan mo wala namang t—omg! Anong nangyari kay Chip" naiiyak nitong sabi

"I told you, Winter, tinyanak talaga dito. Kaya umakyat na ta—aray! Bakit ba ang hilig mong mangham—aray ko!" Sabi nito.

"Wag ka ngang maingay, tignan mo oh! May baby ang cute" sabi nito. Habang may karga na itong baby kaya napalunok na lang siya

"Ibaba mo yan! Winter, hindi yan baby!" Sabi nito at papaluin niya sana ito ng magiba ang mukha nito kaya agad niyang binaba ang hawak niyang bat, "what if, iuwi na lang natin siya kawawa naman siya kung iiwanan siya dito"

"I think, h-hindi maganda idea yan"

"Iuuwi natin siya! Diba baby ko"

***

"Eto nanaman tayo sa accounting" tamad na sabi ni Syd habang nakalumbaba at nakatingin lang sa white board, "Sinabi mo pa, sawang-sawa na ako makakita ng debit at credit. Gusto ko na magkameron ng misyon"

"Ms. Rayteria at Ms. Silvestio, ano ba pinaguusapan nyo diyan huh?!" Sita sakanila ni Ma'am Krist kaya napaayos sila ng upo, "N-Nothing po, ma'am"

"Makinig kayo dahil mamaya ta—"

"A-ah, excuse me po" singit ni Krypton. Kaya na sakanya ang atensyon ng buong klase. "Yes, Mr. Hernandez. May kailangan ka?"

"Ah, pwede ko po bang mahiram sila Arielle at Syd may...emergency meeting lang po kami" sabi nito. Kaya walang nagawa si Ma'am kundi palabasin kami, "Yes! Thankyou, Krypton na save mo kami sa boring na klase yun"

"You're welcome, Syd. Tara na naghihintay na saatin sila Zarouhi" sabi nito. Kaya daling-dali silang pumunta sa headquarters at naabutan nga nila sila Kida na nakatutok sa screen ng computer, "Anong kalaban natin?" Tanong ni Syd habang nakatingin din sa screen

"Meron daw inatake sa Lian ng isang tiyanak" paliwanag ni Kida. Habang pinapakita niya sakanila ang litrato ng mga biktima, "At nakita daw ito ng isang bata ng malapitan" singit ni Krypton. Kaya napangiti sila Arielle dahil ibig sabihin nito ay may bago nanaman silang misyon

"Puntahan na natin yan!"

"Teka, paano yung naiwan natin klase? Ang hirap pa naman nung calculus!" Angal ni Kioshi. Kaya napairap si Zarouhi,"Kala mo naman nakikinig.." Bulong ni Zarou kaya napairap ito, "Don't worry, si Krypton na bahala dyan. Diba tol?" Sagot ni kida. Tumango lang ito, "Edi kung wala nang problema, edi umalis na tayo!" Sabi ni Arielle. Kaya agad silang pumunta ng palihim sa parking lot at sumakay sa mini Van

"Elle, dito ka na sa harapan" sabi ni Krypton. Kaya agad sinunod ni Arielle ang utos nito. "Teka paano naman ako? Pinagpalit mo na agad ako kay Arielle! Bad ka" drama nitong sabi. Kaya napailing si Krypton sa inasal ng kaibigan

"Ang drama ah, Dito ka na lang sa tabi ko" sabi ni Zarouhi. Kaya abot tenga ang ngiti nito at agadvumupo sa tabi nito, "Guys! Pwede na tayo umalis? Ang aarte nyo!"

"Bitter spotted..."

Pagkadating nila sa lugar kung saan nangyari ang atake ng sinasabing tiyanak, tinungo nila ang isang bahay kung saan nagsimula ang lahat, "Sino kayo? Kayo ba yung kausap ko sa phone?" Tanong ng ginang sakanila

"Ah, kami nga po yon" sagot ni Kida. Nagulat naman sila ng yakapin ng ginang si Kida. "Nako! Maraming salamat sainyo kahapon pa ako nag-aalala sa anak ko!" Sabi nito. Kaya tinapik ni Kida ang likod nito

"Wag na po kayong umiyak, kami na po bahala sa anak nyo" sabi nito. Kaya humiwalay sa pagkakayakap ang ginang

"Ah, manang samahan mo sila papunta sa kwarto ni justine. Sige mauna na ako sana pagbalik ko okay na ang anak ko" sabi nito. At tuluyan nang umalis hinatid naman sila ni manang papunta sa kwarto nito

"Isda, ikaw na kumausap expert ka diyan" bulong ni Syd. Kaya umupo sa tabi ng bata si Arielle, "H-hello, anong ginagawa mo?" Sabi nito. Kaya napatigil ito sa ginagawa at tumingin sakanya, "can't you see, I'm drawing. Miss?" Sabi nito. Kaya napakamot na lang siya ng leeg

"Ah, sorry. Pwede ko bang makita yang drawing mo?" Nakangiti nitong sabi. Kaya agad pumayag ang bata na ipakita sakanya ang drawing nito, "Did you like it?

Alangan na tumango si Arielle habang hindi niya ma-alis ang mata nito sa drawing ng bata dahil sadyang nakakatakot ito, "Tine, nasaan mo nakita ito?" Tanong niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alangan na tumango si Arielle habang hindi niya ma-alis ang mata nito sa drawing ng bata dahil sadyang nakakatakot ito, "Tine, nasaan mo nakita ito?" Tanong niya

"Sa taas..." Sagot nito. Kaya napatingin si Arielle sa mga kasamahan niya, "Tine, makinig ka nang mabuti sa sasabihin ni ate ah. hahanapin namin kung sinong nilalang to" malambing sabi nito. Habang ginugulo niya ang buhok ng bata, "Temet nocsce, sleep tight"

"Anong ginawa mo sakanya elle?"

"Binura ko lang ang mga nakita niya, mamaya gigising din siya at babalik siya ulit sa dati" sagot ni Arielle. Kaya tumango na lang si Syd habang si Krypton ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Arielle

"Krypton, anong plano?"

"Kailangan natin mahanap ang tiyanak sa lalong madaling panahon..." Serysong sabi ni Krypton habang palabas sila ng kwarto ng bata kaya agad napangisi yung tatlong babae, "Another mission is waving!"

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now