19

19 4 0
                                    

"Gising na ang ating mahal na reyna" sabi ni Wyatt. Kaya magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ng mga tagapagsunod ng reyna dahil matagal na nila itong hinihintay

Napangisi naman ang kapatid ni Wyatt na si Wayne habang pinagmamasdan nito ang bagong anyo ng kanilang reyna dahil ang akala ng grupo nila Arielle ay natigil nila ang ritual na ginawa ni Myrko. Nagkamali sila dahil nakuha ito ang sapat na dugo para mabuhay ang reyna nila. "Wayne, Wyatt. Mga tapat kong alagad"

Kaya napangiti ang dalawa at nagbigay pugay ito kasama ang iba pang mga tagapagsunod, "maligayang pagbabalik, mahal kong reyna" sabi niya. Sabay halik sa kamay nito kaya napangiti ito, "nagugutom ako, Wayne. Gusto kong kumain...nauuhaw ako" sabi nito. Habang pinagmamasdan ang bagong katawan

Masaya ang reyna dahil sa aking ganda ng bago niyang katawan...batang-bata, "magaling kayong pumili ng magiging katawan ko ah. Hindi ako magkamali sa pagpili sainyong dalawa" sabi pa nito. Kaya napangiti ang magkapatid dahil sa sinabi ng kanilang reyna

"Mahal na reyna, nandito na po ang iyong pagkain" sabi ng isang tagapagsunod kaya abot langit ang ngiti nito ng makita ang kanyang pagkain... Isang batang babae, "magaling, sariwang-sariwa ang pinili mo"

"M-Maawa po kayo! Wag nyo po akong kakainin!" Naiiyak na sabi nito. Kaya natawa ang reyna sa sinabi nito at hinawakan ang pisngi ng bata, "maawa, wala saakin ang salitang maawa!" Sabi nito at walang anu-ano ay bigla nitong dinukot ang puso ng batang bihag at walang awang kinain ito, "ang sarap! Gusto ko pang kumain" sabi nito. Habang pinupunasan ang dugo sa bibig nito

TAHIMIK ang namayani sa buong headquarters nila Krypton at walang may balak na siraan yun dahil hanggang palaisipan pa rin sakanila kung bakit umalis sa kanilang grupo si Arielle, "guys! Focus. Kailangan natin magfocus ngayon sa misyon na ito dahil hindi biro ang makakalaban natin! I know miss nyo na si A-Arielle pero wala na tayong magagawa wala na siya sa grupo" sabi ni Krypton

"Hindi aalis si Arielle kung wala kang ginawa Krypton! Ano ba kasing dahilan kung bakit siya umalis?! Simula nung umalis siya sa grupo hindi na niya kami pinapansin!" Inis na sabi ni Zarouhi. Kaya napabuntong hininga ito at inayos ang buhok nito, "m-mas mabuti hindi nyo na malaman kung ano ang dahilan. This is personal issue between Arielle and me"

"Wow, pang showbiz ang sagutan ah. Anyway, tama naman si fafa Krypton kailangan natin magfocus sa misyon natin and set aside muna natin yung mga issues natin. Fafa Kida pakiexplain na yung misyon natin for today!"

Kaya napabuntong hininga si Kida at tamad na binuksan ang laptop, "so, kagaya nga ng sinabi ni Krypton. Hindi basta-basta ang makakalaban natin. As you can see, this girl named Isabelle ang new vessel ni Gothel" paliwanag nito. Kaya nayukom ang kamao ni Syd dahil isa ito sa mga babaeng bihag ni Myrko, "akala ko, mission accomplished tayo sa case na yan"

"We failed na mapigilan natin ang ritual ni Myrko dahil nakakuha ito ng sapat na dugo para mabuhay nila ang kanilang reyna and now...naghahasik ng lagim ang grupo nila sa iba't ibang lugar" sabi nito. Sabay pakita ng mga lugar na dinaanan ng dark fog

"Nagiipon siya ng lakas para magawa niya ang gusto niya. Ang sirain ang buong Pilipinas at maghasik ng lagim! Kaya natin kumilos agad bago mahuli ang lahat. Sana kahit ngayon lang magkaisa tayo" sabi pa nito. Tumango ang iba pang member kaya wala na silang inaksayang oras kundi puntahan sa susunod na bayan na sasalakayin ang bayan ng La Trevi

NAKATULALA naman si Arielle habang nakatingin sa kawalan. Simula nung umalis siya grupo parang wala na siyang saysay at bumalik nanaman siya sa dating gawi ang magbasa at manood ng kdrama pero lately, lagi niyang napapaginipan ang nanay niyang humihingi ng tulong at pagkatapos ay tatalon ito sa bangin...paulit-ulit lang at same scenario hindi niya alam kung ano ang pinapahiwatig nito sakanya. "Hey, ayos ka lang? Arielle"

"A-Ah, ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko" sabi niya. Kaya napabuntong hininga ito at umiling, "Seth, bigyan mo nga si Arielle ng gamot sa ulo diyan sa medicine cabinet!" Sigaw ni Cezanaih sa pinsan kaya wala itong nagawa kundi sundin ang utos ng pinsan

Simula nung umalis siya sa grupo sumali agad siya sa club ng kaibigan niyang si Cezanaih dahil ever since gusto niyang matutong magsulat ng mga articles, "sister, eto na yung gamot. Ano bang nangyayari sayo ha? Kanina pa kita napapansin na wala ka sa sarili?"

"Marami lang ako iniisip"

"Hmm, anyway. Anong gusto nyong snacks? Kanina pa tayong umaga nag-aayos ng mga papel na ito eh! Nakakagutom" sabi nito. Kaya napailing silang dalawa ni Cezanaih, "kahit ano na lang, sis. Thankyou so much!" Sabi nito. Kaya umalis agad ito ng quarters nila

Kaya pinagpatuloy nung dalawa ang pag-aayos ng mga gamit para sa workshop nila sa mga aspirant writers, "Arielle, ikaw na muna bahala dito ah. Dadalhin ko lang ito sa library"

Siya na lang ang naiwan sa quarters nila kaya napabuntong hininga siya at pinagpatuloy ang kanyang trabaho nang napansin niyang patay-sindi ang mga ilaw sa quarters, "Arielle" bulong ng isang tinig sa kanyang tenga

Kaya tumaas agad ang balahibo niya dahil sa kakaibang boses na tumatawag sa kanyang pangalan, "parang awa nyo na, tigilan mo na ako" natatakot niyang sabi. Habang tinatakpan niya ang tenga pero naririnig pa rin siya ang misteryosong tinig habang unting-unti niyang nararamdaman ang kakaibang lamig na bumabalot sakanya, "veni, vidi, vici..."

"T-Tama na, p-please"

"Veni, vidi, vici..."

"A-Ayoko na, maawa ka!" Naiiyak niyang sabi pero wala pa rin tigil ito sa pagbigkas ng kakaibang lenggwahe hanggang sa tuluyan ng mawala ang mga ilaw, "hinihintay na kita, mahal kong anak" bulong nito sa kanyang tenga, "hindi kita! Nanay dahil matagal nang patay ang aking ina!" Sigaw niya.

"Omg! Arielle"

"S-Seth, tulungan mo a-ako" sabi niya bago siyang tuluyan mawalan ng malay

HABANG nasa gitna sila ng biyahe meron silang nadaanan na isang bayan at nagulat sila sa nakita nila dahil nagkalat ang mga patay sa kalsada at sirang mga kotse na parang dinaanan ng malakas na bagyo. "Anong nangyari dito?" Tanong ni Syd. Habang pababa sila ng saksakyan na parang hindi makapaniwala sa nakikita... "Parang may kung anong dumaan dito" sabi ni Zarouhi

"Tulong, parang awa nyo na! Tulong" sigaw ng isang Ale na bibit ang kanyang apo na may kung anong itim sa leeg nito kaya nilapitan nila ito, "Ano pong nangyari dito?"

"N-Nilusob nila kami! Kanina may dumating na isang grupo ng mga maligno dito at sinira nila ang buong lugar!" Naiiyak na sabi nito. Kaya kumuyon ang mga kamao ni Krypton dahil sa labis na galit dahil naalala niya ang mga panahon na nilusob din ang bayan nila ng mga aswang."Maghanda na tayo!"

Kaya pumunta sila sa likod ng Van at kinuha nila ang mga sandata na gagamitin nila. "Kida, zar. Kayo na bahala sa matanda at apo niya kailangan natin siyang tulungan" seryosong sabi nito. Kaya walang nagawa ang dalawa kundi sundin ang utos ni Krypton, "Syd, Kioshi sumunod kayo saakin"

"Kaya ba natin silang talunin?" Tanong ni Kioshi. Kaya napatigil siya sa pag-aayos ng gamit niya. "Kailangan natin kayanin dahil kung hindi baka eto na huli natin misyon" sabi nito. Sabay kasa ng baril niya kaya nag-ayos na din si Kioshi

Nagulat naman sila ng may namataan silang isang grupo ng mga tao kung may kung anong itim sa mga leeg nila. "Ano mga yan?"

"Barilin nyo!" Sigaw ni Krypton. Kaya sunod nila ang utos nito at pinaputokan nila ang mga ito. "Hindi na sila mga tao! Infected na sila"

"Zombies, ganun?"

Tumango na lang si Krypton, "Mas malala pa sa zombies ang mga yan. Nagaganap na ang mga sinabi ni Myrko" bulong nito

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now