10

20 4 0
                                    

Kaya wala na silang inaksayang oras at agad silang naghanda sa panibago nilang misyon, "guys, this time gagamit na tayo ng baril dahil ibang klase ang makakalaban natin" sabi ni Krypton. Habang binubuksan ang likuran ng van at nagulat sila ng makita ang iba't ibang klaseng mga baril at dagger, "wow, ang dami naman nito!"

"shems, ang astig no!" Masayang sabi ni Arielle. Kaya napailing si Krypton, "kunin nyo na ang gusto nyo at suotin nyo ang mga ear piece nyo. Siguraduhin nyo lang na kapag nakita nyo siya sabihin nyo agad"

"Copy, sir!"

"Good, para mas madali ang paghahanap natin sa tiyanak kailangan natin maghati-hati tayo sa dalawa, Elle sakin ka sasama... Kida sayo na si Zarouhi at Kioshi kayo na..."

"Stop! Krypton, Oo na kami na ni Syd no choice naman kami" sabi nito. Kaya natawa sila Zarouhi, "Another bitter spotted!"

"Che! Tomboy!"

"Enough, guys. Goodluck saatin happy hunting!" sabi nito. Kaya agad sila pumunta sa iba't ibang lugar para hanapin ang nakakatakot na tiyanak, "Kamusta diyan sa lugar nyo? Kida"

"Negative, tol..."

"Eh sainyo Syd, kamusta diyan?"

"Negative din, Krypton"

Nagulat naman si krypton ng bigla siyang kinalabit siya ni Arielle,  "What? May napansin ka?" Sabi nito. Tumango ito at tinuro ang isang abandon house malapit lang sa lugar nila, "Sa tingin ko nandoon siya"

"Guys! Listen we need backup" sabi nito. At patakbong silang pumasok sa bahay, "Elle sa baba ka doon ako sa taas" sabi nito. At umakyat na ito sa taas kaya naiwan sa baba ni Arielle pero may napansin siya kakaiba sa may living room kaya hinanda niya ang flashlight at baril niya, "Arielle hanapin mo ako..."

"Sino ka! Magpakita ka" sigaw nito pero wala siyang nakuhang sagot dito kundi puro tawa lang ang narinig niya, "naalala mo pa ba ako?" bulong nito. Habang unting-unti ito lumalapit sakanya at kaya napalingon siya nang naramdaman niya ang presyensya nito sa likod niya

At agad siyang naging alreto at lumingon sa likod niya pero walang siyang nakita hanggang sa may narinig siyang kaluskos na nagmumula sa kusina kaya tinapatan niya ito ng flashlight. "S-sinong nandiyan?" Tanong niya. Habang  patuloy lang siya sa paglapit dito pero may napansin siya tumakbo kung ano sa gilid nya

"Arielle, hanapin mo ako..."

"Shems!" sabi niya. Kaya tumakbo agad siyang tumakbo sa isa pang bahay at doon niya nakitang tumakbo at doon nga niya nakita ang kanina pa nila hinahanap "Arielle, matagal na tayong hindi nagkita" sabi nito

Kaya agad niyang tinutukan baril nito, "P-paano mo n-nalaman pangalan ko" nauutal nitong sabi. Kaya napangisi ito at dahan-dahan itong lumapit sakanya, "ang laki mo na, nung huling nakita kita ay isang batang paslit ka lang" sabi pa nito. Sabay tawang nakakatakot

Kaya unting-unti siyang nanghina sa sinabi nito at wala siyang nagawa kundi tanggalin ang suot niyang ear piece dahil ayaw niyang marinig ng mga kasamahan niya ang sasabihin pa ng tinyanak na nasa harapan niya

"Nalalapit na, ang tinakdang oras. Arielle" sabi pa nito. Kaya unting-unti niyang binaba ang hawak niyang baril, "ikaw na ang susunod sa yapak niya, Arielle" dagdag nito

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo?!" Naguguluhan na sabi ni Arielle kaya napangisi ang tiyanak. "Arielle alam ko. Alam mo na ikaw ang papalit sakanya!" sabi nito.

"Hindi, hindi ako magiging katulad niya!"

HINDI mapakali si Krypton ng hindi niya makita si Arielle sa baba kaya agad niya itong hinanap pero bigo siyang mahanap ito kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan nila, "guys! Tulungan nyo ako, nawawala si Arielle hindi ko siya marinig!" Sabi nito.

Kaya daling-dali pumunta ang mga kasamahan niya sa pinagusapan nila, "hanapin natin siya! Baka kung anong nangyari sakanya" sabi nito. Kaya wala na silang inaksayang oras at agad nilang hinanap si Arielle sa mga abadonadong mga bahay habang si Krypton ay walang tigil sa pagtawag sa telepono nito pero out of coverage ito kaya mas lalo siyang nagalala

"Nasaan ka ba? Arielle" bulong nito. Hanggang sa makarinig siya ng sigaw sa isa sa mga bahay kaya agad siyang pumunta dito, "Elle!" Sigaw ni Krypton. Sabay tutok sa nilalang kausap ito, "Elle, lumayo ka diyan!"

Kaya agad biglang natauhan si Arielle nang marinig niya ang boses ni krypton at agad nitong tinaas ang hawak niyang baril, "Arielle, alam kong hindi mo ako kayang patayin kaya ang kaibigan mo na lang ang papatayin ko!"

At walang anu-ano agad itong pumunta sa gawi ni Krypton at handang kainin ng binaril niya ng sunod-sunod ang tinayak kaya nagulat si Krypton sa ginawa nito, "Arielle, are you okay?" Tanong nito. Kaya agad itong nanghina at napaupo na lang sa sahig

"Omnes tropos S-sigurado a-akong kinahihiya k-ka niya" sabi nito at tuluyan na itong binawian ng buhay kaya agad nitong nilapitan si Arielle

"Elle..." Tawag sakanya ni Krypton. Kaya agad nitong nabitawan ang baril na hawak, "I killed him...I killed him!" Sabi niya. Kaya walang  nagawa si Krypton kundi yakapin ito para pakalmahin si Arielle

"It's okay, Elle. Tapos na"

"Krypton! Kailangan namin kayo dito sa baba ang dami nila!" Sabi ni Kida. Kaya agad niyang pinasan si Arielle at bumaba agad, "Anong nangyari kay Arielle?" Sabi ni Syd pero hindi na niya ito sinagot at agad niyang pinasok ito sa loob ng mini van, "dito ka lang, kami na bahala sa mga kalaban. Magpahinga ka lang diyan" sabi pa nito

"K-Krypton, ayokong maging katulad niya...ayoko!" Sabi nito. Kaya napabuntong hininga siya at hinawakan niya ang pisngi nito

"H-Hindi ka magiging katulad niya, trust me" sabi nito at unting-unti niya pinikit ang mga mata niya kaya agad niya hinalikan sa noo bago siya sumabak sa laban, "ilan sila?"

"Sa tingin ko mga labing dalawa"

"Alright, ihanda nyo na ang mga sarili nyo susubok na tayo sa totoong misyon!" sabi nito. Kaya napangisi ang mga kasamahan niya at hinanda ang mga sandata nilang hawak, "ganitong laban ang gusto ko!" Mayabang na sabi ni Kida

"Magiging maganda ito!" Sabi ni Zarouhi at agad silang sumugod sa papunta sakanilang mga kalaban, wala silang ginawa kundi hiwain at pagbabarilin ang mga kalaban nila, "woah! Ganitong aksyon ang hinahanap ko!" Habang walang awang pinaslang ang kalaban kaya sa huli sila ang nagwagi

"There, tapos na misyon natin. Kumain na tayo bigla akong nagutom doon" sabi ni Zarouhi. Kaya naka akbay kay Syd, "okay, may nakita kami ni Syd na kainan malapit lang dito"

"Alright, tara na!"

"HAYAAN nyo muna si Arielle sa sasakyan mashado siya na-shock sa nangyari" sabi ni Krypton. Habang nandito sila sa isang kainan na sinabi ni Kioshi at umiinom ng kape dahil halos mag-uumaga na, "Ano ba kasing nangyari kay Isda? Ton"

"Mahabang storya pero alam kong may sinabi yung tiyanak kay Arielle na kinagalit nito kaya niya napatay yung tinyanak" sagot nito. Kaya napabuntong hininga sila at uminom na lang ng kape, "eh, ano yung narinig namin? yung huling sinabi nung tiyanak na 'sigurado akong kinahihiya ka niya' anong ibig niyang sabihin doon?" Tanong ni Zarouhi pero wala itong nakuhang sagot mula kay Krypton at tahimik lang nakatingin sa sasakyan kung nasaan si Arielle, "hindi ko din alam, Zarouhi...hindi ko din alam"

Dahil pati din siya ay naguguluhan sa mga sinabi ng tiyanak at ngayon maraming tanong ang gumugulo sakanya pero...iisa lang ang gusto niyang malaman. "Sino ka ba talaga Arielle? Ano ba ang tinatago mo?"

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now