"Woah! I love my life!" Sigaw ni Zarou. Habang papunta sila sa gubat kung saan nangyari ang insidente, "Shh, wag ka ngang maingay. Zarou baka marinig niya tayo" Saway sakanya ni Kida kaya napairap ito
"Dio, saan yung camping site nyo?" Tanong ni Arielle. Kaya pasimpleng tumingin si Krypton sa babae, "medyo malayo pa" sagot nito.
Habang si Kioshi naman ay chinichika si Yna, "ay bet ko yan, minsan ayan yung ginagamit ko sa skin ko para glowing!" Sabi nito. Kaya napailing si Sedo nang inakbayan siya ni Aries
"Lagi ba kayong humahanap ng mga maligno?" Tanong nito. Kaya inalis niya ang kamay na nakakbay sakanya, "ang t-totoo yan, first time namin makaharap ng ganito hehe" sagot niya. Tumango ito, "so, first experience mo pala to. Sabihin mo nga sa leader nyo kung pwede pa ba ako su—"
Maya-maya nga may narinig silang isang tawa na narinig sa buong gubat at mga kaluskos kaya agad sila naging alisto, "talasan nyo mga mata nyo nararamdaman kong nandito na siya" seryosong sabi ni Krypton
Kaya agad silang nagdikit-dikit nang makarinig ulit sila ng kaluskos na sinundan ulit na nakakatakot na tawa, "G-guys, sa tingin ko nandito na s-siya" natatakot na sabi ni Kioshi
"Syd, Arielle, kayo na bahala sa spells, Zarouhi at Kioshi protektahan nyo sila. Kami na bahala ni kida sumugod" bulong nito. Kaya agad na sumang-ayon ang lahat, "now, move!"
Hanggang sa naramdaman nilang yumayanig ang lupang tinatayuan nila na isang senyales na dumating ang kanina pa nilang hinihintay na bisita, "guys! Watch out!"
At nagulat sila ng isang malaking bato ang papunta sakanila kaya agad silang nagtakbuhan, "sinong may sabi sa inyo na pumasok sa aking teritoryo ng hindi nagsasabi!" Sabi nito. Kaya agad na kumilos sila Zarouhi para talunin ang higante
"Yes! Magiging maganda ito" sabi pa ni Kida at kaya hindi na sila nagdalawang isip ang dalawang lalaki at agad nilang itong sinugod, "Arielle, yung spell!" Sigaw ni Kida
"Non ducor, duco!" Sigaw ni Arielle. Kaya hindi na makagalaw ang kanilang kalaban kaya napangisi si Zarouhi at agad itong tumakbo para tapusin ang higante, "woho! Ang astig niya!" sabi ni Aries. Habang kinuhanan ang laban nila Zarouhi at ng higante nang may napansin siyang kakaiba kaya agad niya itong pinalaki at nagulat siya ng makita niya ang isa pang higanteng palapit, "Krypton, may isa pa!"
Kaya napatigil si Krypton ng makita niya ang isang kamay at hinampas siya ng malakas, "hindi! Krypton" sigaw ni Arielle. Kaya agad niyang sinabi ang spell para hindi ito makagalaw pero kasamaang palad pati siya ay hinampas nito, "sa tingin nyo, matatalo nyo kami ng ganun-ganun lang?! Kami ang ha—"
"Wag! Tigilan nyo yan" sabi ng isang babae katabi nung higante, "shems, si Kiana yun! b-buhay siya! Buhay si Kiana" masayang sabi ni Aries. Kaya inagaw ni Dio ang kamera nito
"Maawa kayo! Mga kaibigan namin sila" Naiiyak na sabi ni Kiana. Kaya umalis na ang dalawang higante kaya agad na tumakbo ang dalawa at saka niyakap ang mga kaibigan nila habang ang kalaban nilang higante ay umalis na, "gosh! Thank God at okay lang kayo" sabi ni Dio. Sabay yakap sa dalawa habang nakatingin lang sakanila ang grupo nila Krypton
"Thanks to Kiana, siya ang dahilan kung bakit buhay kami ngayon" sabi ni Arch. Kaya agad niyang niyakap si Kiana, "ang mahalaga okay kayong dalawa, thankyou Krypton, guys" naiiyak nitong sabi
"It's my pleasure, Dio"
"Teka, ano itong nakikita ko? Magkaholding hands kayo?! Kayo na ba?" Tanong ni Yna. Kaya napakamot ng ulo si Arch at tumango kaya umani ito ng sigawan, "yiee, congrats!" Masayang sabi ni Yna
"Neks, sanaol..." Sabi ni Kida.
"Tara, bumaba na tayo para makauwi na tayong lahat" sabi ni Dio. Habang akbay niya si Kiana kaya sumunod sila krypton, "Nga pala, Anong ginawa mo Kiana para hindi kayo kainin nung higante?"
Kaya ngumiti ito, "ang totoo yan, wala naman akong sinabing spell o kahit na anong chant eh, sinabi ko lang saknila na wala kami intensyon na masaktan sila" sagot nito. Kaya napangiti lang si Dio, "wow, ang galing mo naman! Siguro ayan ang natutunan mo sa panonood ng horror movies no!"
"Parang ganun na nga" Sabi pa nito. Kinatawa na at sa wakas nakaalis na sila sa gubat. "So, paano ba yan tapos na misyon natin" sabi ni Krypton. Kaya nagpaalam na sila sa magkakaibigan, "Salamat ulit sa pagtulong nyo saamin!"
"You're welcome, magingat kayo"
"Yes, kayo rin!"
Kaya agad silang pumasok sa sasakyan, "Elle, dito ka na lang sa harap puno na diyan" seryosong sabi ni Krypton. Kaya sumunod agad sa utos ni Krypton, "tara na! Maaga pa pasok natin bukas!" Sabi ni Syd
BAGO sila bumalik sa realidad ay pumunta muna sila sa isang convenient store para kumain, "grabe yung nangyari sa first mission natin, nakakagutom" sabi ni Kida
"Ay true, nakita ko kung papaano humagis si Krypton nung hampasin siya nung bungisngis" sabi ni Syd. Kaya napailing ang kanilang leader habang ginagamot nito ang natamo niyang sugat mula laban habang si Arielle ay naglalagay ng yelo ang noo nito, "Elle, ayos lang ba yung noo?"
"Ayos lang, hindi naman mashadong malakas yung hampas saakin eh" sagot nito. Sabay kain ng ice cream kaya napangiti na lang si Krypton
"Nakita nyo ba yung ginawa kong pagsaksak doon sa bungisngis?" Tanong ni Zarouhi. Kaya napailing si Sedo dahil kanina nito pinagyayabang ang ginawa nito, "Oo, sis. Ang astig mo doon!" Masayang sabi ni Kioshi
"Well, masaya ako at nagawa natin ng maayos ang first mission natin!" Masayang sabi nito. Kaya pasimpleng umakbay si Kida dito, "cheers to our successful mission!" Sabi nito. Kaya napailing ang mga kasamahan niya at tinaas na lang nila ang mga hawak nilang ice cream, "Cheers! Sana may second mission na agad"
Matapos ang kanilang celebration at pagpapahinga ay pinagpatuloy nila ang paglalakbay pauwi sa kanilang mga bahay, "oy! Kita na lang tayo bukas ah!" Sabi ni Kida. Kaya sila nanaman dalawa ni Krypton ang naiwan, "Ahm, sigurado ka bang ayos lang yan sugat mo sa noo? Baka pagalitan ako ng tatay mo kapag nakita yan" tanong nito.
Umiling siya, "Don't worry about me, I'm okay. Ikaw nga tong dapat kong tanungin eh, okay ka lang ba? Grabe yung hampas sayo nung bungisngis kanina, wala bang masakit sayo?" Sabi nito pero wala siyang nakuhang sagot dito
"Uy! Tinatanong kita kung may masakit ba sayo? Bakit ka ngumingiti" Sabi pa niya. Kaya napailing agad siya habang pinipigilan hindi ngumiti, "wala, masaya lang ako kasi nag-aalala ka saakin" sabi pa nito. Sabay ngiti
"Sira, syempre leader ka namin no. Kawawa kami kapag may mangyari sayong masama" sabi niya. Habang pilit niyang iniiwasan ang tingin ni Krypton dahil tumitibok nanaman ng mabilis ang puso niya, "don't worry, Elle, okay pa naman ako" sagot nito.
"Edi good, kita na lang tayo bukas"
"Hmm, good night, Elle" sabi nito at dali-dali itong umalis, "good night din, Krypton" sabi nito. Sabay ngiti habang nakatingin sa sasakyan unting-unti nawawala kaya pumasok na siya ng bahay nila pero hindi niya alam na may matang nakatitig sakanya, "kaunting oras na lang, mahal kong Reyna, kauting oras na lang"
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...