Nagising siya dahil sa ingay ng cellphone niya kaya napabuntong hininga siya at kinuha na lang niya ito at sinagot ang tawag ng kaibigan niya, "good morning, Isda" masayang sabi ni Syd. Kaya napangiti siya, "morning, don't worry papasok ako" sagot niya. Kaya napangiti ito
"Okay, hihintayin kita! Iabyu" sabi nito. Sabay end ng tawag kaya daling-dali siyang pumunta sa banyo para maligo at maghanda papasok ng school, "good morning, Papa!" Masayang sabi niya. Habang pababa siya ng hagdanan
Kaya napangiti ang tatay niya at daling-dali siyang niyakap, "good morning, maganda kong anak, ayos na ba pakiramdam mo?" Sabi nito. Tumango siya at agad siyang umupo sa paborito niyang pwesto, "hi, ate, mabuti naman at ayos ka na"
Napangiti siya dahil kahit minsan hindi sila magkasundo, alam naman niyang mahal na mahal siya ng kapatid, "Nicole, may gusto ka bang pasalubog o puntahan?" Tanong niya. Kaya napatigil ito sa pagsubo ng spaghetti
"Ate may sakit ka pa rin ba?" Sabi nito. Kaya natawa siya at umiling, "sira, wala no. Ano nga may gusto ka bang puntahan ngayon?" Ulit pa niya. Kaya agad itong napangisi
"Hmm, sa bay walk! Gusto kong tumambay ulit doon!" Masayang sabi nito. Kaya agad siyang napangiti at ginulo niya ang buhok nito, "okay, sa bay walk tayo kakain tayo ng ice cream" sabi pa niya. Kaya abot tenga ang ngiti nito
"Ehem, may sinabi pala ang mga kaibigan kahapon na...sumali ka daw sa isang club na weird?" Singit nito. Kaya napatigil siya sa pagkain at napatingin siya sa papa niya, "Pa, correction hindi weird yun. Ang astig kaya ng club na yun! Humuhuli kami ng mga ma-"
"Arielle, Pinapahamak mo ang sarili mo! Paano kapag may nangyari ulit sayo? Paano kapag nahanap ka nila? Wag mo nang ulitin ang nangyari sa nakaraan, nak" sermon nito. Kaya napabuntong hininga siya habang tahimik lang nakikinig si Nicole sa usapan nila
"Ayoko lang may mangyari ulit sayo, Arielle. Hindi biro ang kinakalaban nyo paano na lang kapag binalikan kayo nun..." Dagdag pa nito. Kaya napabuntong hininga ulit siya at hinawakan niya ang kamay ng tatay niya, "pa, Nag iingat naman po kami and don't worry walang mangyayari masama ulit saakin, saatin"
Kaya walang nagawa ang tatay niya kundi maniwala sa sinasabi ng anak, "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama sainyong dalawa, kayo na lang dalawa ang natitira sakin. Kaya please ingatan mo ang sarili mo" sabi nito. Kaya ngumiti na lang siya.
"Opo, pa, ilove you"
Kaya wala siyang sa sarili pumasok ng room dahil sa mga sinabi ng tatay niya kanina, "Arielle! Waah! Sa wakas pumasok ka na rin" bati sakanya ng kaibigan niyang si Seth kasama nito si Syd at Cezanaih, "grabe naman kayo! Parang isang taon akong nawala"
"Ganun talaga, sis, anyways I have a chika" kinikilig na sabi nito. Kaya agad siyang napangisi sa sinabi nito, "ang aga naman ng chismis mo, friend, pero sige anong chika"
"Alam mo ba nung nagcover kami ni Cezanaih nung last na foundation day, may nakita kaming gwapo sa college department!" Kinikilig na sabi nito. Kaya napangiti siya
"At hindi lang isa, sis, kundi tatlo sila!" Singit ni Cezanaih. Kaya tumaas ang kilay niya, "anong pangalan?" Tanong niya. Kaya nagtinginan yung dalawa, "si Nathan, yung bet ko doon. Grabe ang cute niya lalo na kapag nakangiti ack!" Kwento naman ni Kiella
"Saakin naman si Niero, super gwapo niya talaga! Lalo na kapag nakakunot yung noo niya goshing!" singit naman ni Eloise. Kaya napailing siya, "at saakin naman si Nash, ang hot niya beh! Lalo na kapag seryoso umiitig yung panga niya ack!"
"Ah, yung Othello cousins. Ang balita ko sikat talaga sila dito lalo na sa college department " sabi niya. Kaya napangiti ang mga ito, "yes, true ka diyan, Isda kaya nga sa dadating na sports fest kami ang magco cover ng laban nila" Kaya napangiti siya sa magandang balita nila
"Wow! That's good, Keep it up! Sama kami diyan ah" sabi niya at bumalik na sila sa upuan dahil padating na ang kanilang first teacher, "Arielle, Maiba lang ako, nagparamdam na ba sayo si Krypton?" Tanong nito. Umiling siya at nilabas ang notebook niya sa bag
"Hindi pa, hindi pa rin siya nagrereply sa mga texts ko kagabi, hindi ko nga alam kung may problema ba kami o busy lang siya" paliwanag niya. Kaya tinapik na lang nito ang balikad niya
"Don't worry, Isda magpaparamdam din yun" sabi pa nito. Kaya napangiti na lang siya at nakinig na lang sa sinasabi ng kanilang teacher, "alright, we have a final project for this subject. Alam nyo naman siguro kung ano yun" sabi nito. Sabay ngiti kaya biglang natahimik ang buong klase, "thesis po ba ma'am?"
"Yes, Mr. Cerafica, ready na ba kayo?"
"Anong mga mukha yan, Arielle, Syd" sabi ni Zarouhi. Habang nandito sila sa canteen, "may thesis kasi kami, tas may sasayaw pa kami sa understanding the self yun na daw ang final project namin" tamad na sabi niya. Habang kumakain ng carbonara kaya napailing mga ito
"Kami rin kaya pero chill pa rin kami ni Kioshi" sabi ni Zarouhi. Sabay ngisi, "Kida, umuwi na ba sainyo si Krypton?" Tanong niya. Kaya napabuntong hininga ito at agad umiling
"Hindi pa rin eh, hindi rin siya pumasok ngayon" sagot nito. Habang naka akbay ito kay Zarouhi, "ano kaya problema ni Krypton?"
Hanggang sa uwian ay iniisip niya pa rin ang mga possible na problema ni Krypton kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapapkita sakanila. Kaya pumunta muna siya sa locker room at nagulat siya ng makita niya si Krypton na nakasandal sa may pinto at may nilalaro itong maliit na bola, "K-Krypton..."
"Hi, Arielle..." Seryosong sabi nito. Habang palapit ito sakanya kaya hindi niya maiwasan hindi kabahan dahil sa ng tingin nito sakanya na parang may ginawa siyang mali, "B-bakit ngayon ka lang n-nagpakita?" Nauutal niyang sabi pero wala siyang nakuhang sagot mula rito at patuloy lang ito paglapit, "Bakit sa dinami-raming tao sa mundo, bakit ikaw pa? Arielle" seryosong sabi nito.
"A-ano ba yang s-sinasabi m-mo?" Natatakot niyang sabi at nagulat siya ng mapasandal siya sa locker kaya agad siyang kinulong nito gamit ang mga braso niya, "Nasaan ka nung gabing namatay ang mga magulang ko?" Tanong nito
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo"
"Alam kong, alam mo ang tinutukoy ko, Arielle. Kaya sagutin mo ang tanong ko, nasaan ka nung gabing namatay ang magulang ko?" Ulit pa nito. Kaya napabuntong hininga na lang siya at tumingin siya ng diretso dito
"I'm so s-sorry, Krypton..." Naiiyak niyang sabi. Kaya agad itong umiwas ng tingin, "damn, why Arielle?" Galit na sabi nito. Sabay suntok sa katabing locker niya, "Bakit wala kang ginawa Arielle! At pinanood mo lang mamatay ang mga tao! Nang dahil sainyo namatay ang mga magulang ko! Wala kang ginawa para pigilan sila" naiiyak nitong sabi. Kaya napatingin na lang siya sa baba para hindi niya makita ang mukha nitong puno ng galit sakanya
"Oo, tama ka nandoon ako nung...gabing mangyari ang paglusob...kala mo ba madaling magbulag-bulagan sa mga nakikita ko nung araw na yun! Oo tama ka krypton...duwag ako dahil takot ako sa gagawin niya kapag nagalit siya saakin!" Naiiyak niyang sabi. Kaya narinig ko ang buntong hininga nito at katahimikan ang namayani sakanilang dalawa, "simula sa araw na ito kung a-ano naman ang meron saatin n-ngayon pinuputol ko na"
Kaya napaangat agad siya ng tingin at kaya agad itong umalis na parang walang nangyari habang siya naman ay naiwan tulala habang nakatingin sa pinto kung saan ito lumabas, "Your wish is my command, Krypton. Simula sa araw na ito malaya ka na at sana maging masaya ka kahit wala ako sa tabi mo"
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormaleNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...