"Shems! Ang dami nila" sigaw ni Kioshi. Habang papasok sila sa isang hospital dahil kanina pa sila hinahabol ng mga ito, "Syd! Kioshi! Pumasok na kayo ako na bahala dito"
Kaya agad nilang sinunod ang utos nito at pumasok na sila sa hospital habang naiwan si krypton sa pinto ng hospital. Napatigil naman sila Syd ng makita kung sino ang kasama nila ang hospital, "diba siya yung sinasabi ni Kida kanina?" Bulong ni Kioshi. Habang nakatingin pa rin sila sa babae kaya napangisi ito
"Saan kayo pupunta? Nagsisimula palang ang party" Sabi nito. Sabay ngiti kaya napalunok ang dalawa habang nanginginig ang mga tuhod nila dahil sa takot, "patay tayo, sis!" Naiiyak nitong sabi. Kaya siniko siya ni Syd
"Wag ka ngang maarte, K-krypton! Pumasok ka dito!" Sigaw ni syd. Kaya kumunot ang noo ni Krypton at pumasok na sa hospital at doon niya nakita ang dahilan pagkamatay ng mga magulang niya. "Gothel..."
"Oh, batang Hernandez no time no see"
Nakayukom ang mga kamao niya dahil sa galit na nararamdaman ngayon habang sila Kioshi at Syd ay nasa gilid at nakikinig lang, "Let's start, Hernandez. Alam kong hinihintay mo ang pagkakataon na ito" sabi nito. Sabay ngisi
"Let's start, Syd at Kioshi umatras kayo. Ako na kakalaban sakanya" seryosong sabi nito. Kaya agad nilang sinunod ang utos nito at lumayo sila nang kaunti habang naguguluhan pa rin sila na nangyayari, "sa tingin mo, Kioshi. Sino mananalo diyan?"
"Syempre, si fafa Krypton. Ikaw?"
"Sa kalaban ako, ano pupusta ka?" Sabi nito. Kaya hinampas nito ang braso ni Syd dahil nakuha pa nito magbiro sa gitna ng laban nung dalawa, "loka ka talaga, Sedo! pero sige pupusta ako. Kapag ako nanalo ililibre mo ako sa canteen ng isang buwan" sabi nito.
"Okay, deal. Kapag ako ang nanalo, ililibre mo ako sa Jollibee!" Masayang sabi n Syd. Kaya napairap ito at walang nagawa kundi tumango, "deal! Alam ko naman hindi mananalo yang manok mo eh!" Sabi nito. Ngumisi ito at tahimik silang nanonood sa laban ng dalawa
Unang sinugod si Krypton gamit ang kanyang mga kamao pero naiwasan ito ng reyna at hindi niya inaasahan ang kamao nito kaya hindi siya nakailag at timaan siya ng malakas sa mukha, "Nice, sa tingin mo talaga kaya mo ako!" Sigaw nito at ginamit ang isang malakas na spells nito kaya tumalsik siya sa ding-ding kaya may dugong lumabas sa gilid ng kanyang labi pero hindi niya ito ininda, "Sic itur astra!"
"Sabi ko sayo eh! Malakas yang si Gothel" sabi ni Syd. Kaya napairap ito at nanood na lang ng laban habang lumatang naman si Krypton sa ere. Inis ang kanyang nararamdaman dahil hindi niya maigalaw ang katawan, "fafa Krypton lumaban ka!"
Kaya pilit niyang ginalaw ang kanyang mga kamay niya at kinuha niya unting-unti ang kanyang sandata na may laman anti-spell at agad niya itong pinutok, "Sa tingin mo talaga gagana yan saakin!" Sabi pa nito. Kaya ngumisi si Krypton nung bumagasak siya at hindi na maigalaw nito ang mga kamay nito. "Don't underestimate my gun, Queen Gothel" sabi nito. At agad niya itong inundayan ng sapak
"Well, mukhang ako ang nanalo" mayabang na sabi ni Kioshi. Kaya napairap na lang si Syd dahil niya akalain na gaano kadaling talunin ang reyna, "ililibre mo ako ng pagkain sa canteen ng isang buwan!"
Akala ni Krypton makukuha na niya ang tagumpay pero nagkakamali siya dahil dumating ang mga alalay nito, "Syd, Kioshi. Maghanda!" Sigaw nito. Habang kinakalaban ang isang tikbalang Kaya bumalik ang dalawa sa pagiging seryoso at kinalaban ang iba pang nilalang habang yung iba nilalayo ang reyna sa laban, "Krypton! Tumatakas na sila"
"Hi, nahuli na ba kami sa laban?" sabi ni Kida. Kaya napangiti yung dalawa dahil may makakatulong na sila, "sige na, bro. Kami na bahala dito habulin mo na siya!"
Kaya tumango na lang si Krypton at hinabol niya ang grupo ng reyna na tumakas habang patuloy pa rin sila Syd sa pakikipaglaban sa mga Engkano. "Pagkatapos natin dito kakain talaga ako ng Burger at fries!" Sabi ni Zarouhi
"Basta ako, ililibre ako ni Syd!"
"Tumahimik ka nga bakla!" Inis na sabi ni Syd. Habang nakikipaglaban ito sa isang engkanto at mga infected. Habang tumakbo naman pataas si Krypton kung saan dinala ng mga tagapagsunod nito ang sugatan na reyna
"Tigil! Ano tatakbo ka na lang? Maglaban pa tayo" paghahamon pa niya kaya agad siyang nilabanan ng mga tauhan nito, "Hernandez, alam kong hindi pa ito ang huli natin laban. Magkikita pa tayo at sa susunod hindi na kayo mananalo!" Sabi nito at nawala na sila parang bula kasabay nun ang pagbagsak ng ulan
Kaya dahil sa inis hinagis niya ang dala niyang baril, "Krypton!" Sigaw ni Syd. Kaya napalingon siya at nakita niya ang mga kaibigan niya, "Natalo mo siya? Pre" tanong ni Kida. Habang basa na rin sila sa ulan kaya umiling siya kaya tinapik na lang siya ni Kida sa balikad
"Maghanda kayo sa susunod hindi pa ito ang huli nating misyon" sabi nito. Habang nakayukom ang mga kamao nito habang nakatingin sa tinakbuhan ng mga engkanto kanina, "at sigurado akong hindi na ulit kayo makakatas!" Bulong nito. Habang nakayukom pa rin ang mga kamay niya
TAHIMIK nanaman ang namayani sa loob ng Mini Van. Alam nilang na hindi pa tapos ang kanilang laban at patikim palang ang paghaharap nilang dalawa, "grabe, nakakapagod itong misyon na ito ah! Yung dalawa namin tinulungan kanina. Nako, infected pala! Mabuti na lang malakas ang bebe ko" sabi ni Zarouhi. Kaya napairap yung dalawa dahil sa harapan pa nila itong naglandian, "itigil nyo nga yan! Kadiri"
"Inggit ka lang, Kioshi kasi wala kang bebe!"
Kaya napailing si Krypton dahil sa asaran ng mga kagrupo niya. Hindi niya pati maiwasan napatingin sa bakanteng upuan sa tabi niya. Naalala niya pati ang masayang mukha ni Arielle sa tuwing may bago silang misyon
>"Another mission is waving!" Sigaw nito sa labas ng bintana ng Mini Van kaya napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang kanyang mahal
Napabuntong hininga na lang siya at tinuon niya ang sarili sa pagdrive nang marinig niya ang usapan ni Syd sa phone, "hi, oh bakit napatawag ka? Naih. ha, Nasa hospital si Isda"
Parang tumigil ang mundo ni Krypton nung marinig niya ang katagang yun, "A-Anong nangyari kay A-Arielle?" Nauutal niyang sabi. Kaya napaiwas ng tingin sila Kida, "nahimatay daw si isda kanina. Mabuti na lang nakita ni Seth" naiiyak na sabi ni Syd. Kaya nagmadali siyang pumunta sa hospital kung saan dinala si Arielle. "Anong room number ni Arielle Silvestio?" Tanong ni Kida sa desk
"Room 103 po, sir"
Kaya daling-dali silang pumunta sa room at doon nga nila nakita sila Cezanaih at lalaki, "mabuti na lang at nandito na kayo!" Sabi ni Cezanaih. Kaya napatingin siya sa babaeng natutulog nakuyom niya ang kamao niya na makita niya ang maliit na galos nito sa mukha
"Anong nangyari sakanya? B-Bakit siya may s-sugat sa mukha?" Tanong ni Krypton. Kaya hinawakan siya ni Kida para pakalmahin, "h-hindi namin alam, nakita lang namin siyang n-nakahandusay sa s-sahig! Ang sabi ng doktor stress daw ang dahilan kung bakit siya nahimatay" paliwanag nito. Kaya ginulo niya ang buhok niya dahil alam niyang konektado ito sa paghaharap nila ni Gothel. Gusto nito makuha si Arielle...ang susunod na reyna
"K-Kayo na bahala k-kay Arielle may gagawin lang ako" seryosong sabi niya at umalis sa kwarto kaya naiwan naguguluhan ang kasamahan nila, "hayaan nyo na si Krypton Hintayin na lang natin magising si Arielle"
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...