"Hay! Sa wakas tapos na prelim exam natin! Excited na ako sa foundation day natin" masayang sabi ni Syd. Habang nasa headquarters silang apat at kumakain ng lunch, "Nako! Wala pa nga kaming naiisip na pakulo sa foundation day!" Sabi ni Kioshi
Simula nung nangyari doon sa pangalawang misyon ay naging mas naging curious siya sa paligid dahil anytime meron pwedeng lumabas na mas lalong ikakagulat niya sa kung ano pa ang malalaman niya, "Oy! Isda nakikinig ka ba?"
"Huh? May sinasabi kayo?"
"Ano ba kasi nangyari nung nakaraan linggo? Simula nung mapatay mo yung bwisit na tiyanak na yun palagi ka na lang tulala" sabi nito. Sumang-ayon naman sina Kioshi at Zarouhi
"True, sis. Curious kami kung ano yung sinabi niya bago mo siya pinatay!" Sabi ni Kioshi. Kaya napabuntong hininga siya
"Ewan, pero sa tingin ko may alam siya tungkol saakin..." Mahina nitong sabi. Tinapik naman ni Zarouhi ang balikad niya, "Sabihin mo nga saamin, Isda. May lahi ka bang aswa—aray!"
"Baliw, wala no..."
"Eh, kung wala bakit kilalang-kilala ka niya?"
"Ewan ko nga! Baka kaibigan siya ni Papa?" Sagot niya. Kaya nagtawanan silang apat buti na lang nandito sila sa headquarters dahil kung hindi sigurado siya tataasan sila ng kilay ng makakarinig sakanila, "Anyway, change topic. Anong gagawin nyo sa foundation day?"
"Wala pa nga eh! Pero feeling ko magtatayo ulit kami ng Café alam nyo naman kami business minded" sagot ni Syd. Kaya napailing sila Zarouhi, "Wedding booth naman saamin!"
"Ay bet! Ipapakasal agad natin sila Arielle at Krypton!" Sabi pa ni Syd. Kaya napailing siya at tahimik na lang kumain, "Eh, paano naman kami ni Kida?" Singit naman ni Zarouhi
"Syempre kasama kayo no, ikaw broom tas siya naman ang bride!" Sabi ni Syd. Kaya mas lalong napuno ang tawanan ang headquarters nila, "I like your idea, Sedo"
"Ang saya nyo ah! Narinig na narinig namin tawa nyo sa building namin!" Singit ni Kida na may dalang gitara at syempre kasama niya din si Krypton, "Epal, bakit kayo nandito?" Mataray na sabi ni Zarouhi. Kaya napangiti na lang si Kida. "Sinong may sabing bawal kami dito?"
Kaya napairap na lang si Zarouhi habang silang tatlo ay tahimik lang na kumakain, "Elle, okay ka na ba?" Bulong ni Krypton habang nakatingin sa mga kasamahan nila. "A-ah, ayos na ako, salamat nga pala sa pagbantay mo saakin" sagot niya. Kaya ngumiti ito at ginulo nanaman nito ang buhok niya
"Oh, tama na yan! Kantahan naman tayo!"
"Si Arielle, maganda boses yan!" Singit ni Syd. Kaya tinignan niya ito ng masama. "Parinig naman diyan! Arielle" sabi ni Kida. Habang inaayos nito ang tono ng gitara niya
"Eh, ayoko! Ang pangit ng boses ko! Si Zarouhi na lang!" Panunuro niya Kaya si Zarouhi naman ang pinilit nila, "Wag na si Zarouhi, ang pangit ng boses yan!" Natatawang sabi ni Kida. Kaya hinampas siya ng malakas ni Zarouhi
"Ako na lang kakanta..." Sabi ni Krypton. Kaya napatigil kami sa pag-aasaran. "Kumakanta ka? Krypton" Tanong ni Syd. Tumango lang ito
"Sa maniwala man kayo o hindi, maganda talaga ang boses ni Krypton! Siya nga laging pinapakanta ni ma'am eh" pagsusol nito. Kaya napakamot na lang siya ng ulo dahil hindi siya sanay napurihin siya ng iba, "Hindi naman mashado no" natatawa nitong sabi
Kaya napatingin siya sa lalaki dahil pati rin siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Kida dahil wala naman sa itsura nito na mahilig itong kumanta, "Tol, anong kanta? Para naman marinig nila ang golden voice mo" sabi nito. Kaya sinabi na lang ni Krypton ang title na kakantahin nito
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...