Maaga silang pumasok sa school dahil kailangan pa nilang ayusin ang kanilang Cafe, "ay! Grabe nakakapagod" sabi ni Syd. Habang umiinom ng tubig at nakatingin sa mga kaklase niyang nag-aayos ng table na gagamitin nila mamaya,
"Sedo! Ngiti" Sabi ni Seth. Habang may nakatapat ang camera nito sakanya kaya agad siyang ngumiti, "there, ang ganda mo naman, bakit hindi ka kaya sumali sa face of St. Fatima" sabi nito. Habang tinitignan ang kinuha nitong mga litrato, "nako, wala akong hilig dyan si Eloise pwede ba" sabi pa nito
"Well, tama ka, siya kita na lang tayo sa ground bye" sabi nito. Kaya napabuntong hininga siya kaya agad siyang nilapitan ni Arielle, "Ano yung nakita ko Sedo? Namula ka nung sinabihan ka ni Seth na maganda ka! Yiee" pang-aasar nito
"Tss, tigilan mo nga ako. Arielle"
"Sus, wag mo nang itago, Sedo. Alam kong kinilig ka doon" sabi pa nito. Kaya napangiti siya kaya lalo siyang inasar ng kaibigan nang tinawag sila ni president, "Arielle, Syd. Maghanda na kayo, ilan oras na lang magbubukas na tayo" paalala nito. Kaya agad nilang kinuha ang paper bag na naglalaman ng maid costume nila na theme nila ngayon
"Isda! Tignan mo ah! Ang cute ng costume natin" masayang sabi ni Syd. Habang pinagmamasdan nito ang suot nilang costume sa salamin, "true, ang cute natin!"
Kaya agad silang lumabas ng Cr nang makita nila sina Kioshi at Zarouhi na mukhang magpapalit din, "wow! Ang cute naman ng costume nyo!" Masayang sabi ni Kioshi dahil mahilig din itong manood ng anime
"Eto, kasi naisip na pakulo ni presi para daw marami kaming makuhang customer" sagot ni Arielle. Tumango yung dalawa, "I see, mamaya dadaan kami sa Cafe nyo. Goodluck sainyo" sabi ni Zarouhi. Kaya napangiti silang dalawa bago nila iniwanan ang dalawa at pumunta sa kanilang mga pwesto, "kaya natin to! Kaja"
"Arielle, sa table 13"
"Okay..." Sabi niya at daling-dali siyang pumunta at nagulat siya ng makita niya sina Kida at Krypton, "wow, ang ganda naman ng uniform mo, Arielle" pang-aasar ni Kida
"Thanks, ano pala ginagawa nyo dito?"
"Ang balita kasi namin masarap daw ang kape dito...kaya gusto namin matikman" sagot ni Kida. Sabay ngiti kaya napailing siya sa inasal nito, "anong order nyo? Sir"
"Hmm, ano bang masarap dito?" Singit ni Krypton. Kaya napaayos siya ng tayo at nilabas ang menu, "ang ma-suggest ko yung matcha cake at capuccino, yun ba gusto nyo?" Tanong pa nito. Tumango lang ito
"Okay, coming up!" Nakangiti niyang sabi. Kaya pumunta agad siyang sa counter para kunin ang order ng dalawa nang kalabitin siya ni Bianca, "Kilala mo ba yung dalawa?"
"Ah, Oo, b-bakit?" Habang inaayos niya ang order nito, "Hmm, anong pangalan nung nasa kaliwa? Ang gwapo!" Kinikilig na sabi. Kaya napatingin siya kay Krypton na masayang nakikipagusap kay Kida
"Ah, si K-Krypton yan"
"May girlfri—"
"Meron na!" Sagot niya at agad siyang umalis para ihatid ang order nung dalawa, "sorry sa paghihintay, eto na order nyo! Enjoy"
"Salamat, wow amoy palang masarap na!" Sabi ni Kida. Kaya napangiti agad siya sa komento nito, "Siya nga pala, may sasabihin sayo si Krypton" dagdag pa nito. Kaya napatingin ito kay Krypton, "Ano yun?"
Kaya agad itong napakamot ng ulo at hindi alam kung paano nito sasabihin, "Ahm, pwede ba k-kitang mahiram...k-kahit sandali lang?" Nahihiya pa nito. Kaya hindi agad siya nakasagot dahil alam niya kailangan siya ng mga kaklase niya,
"Eh, k-kasi..."
"Don't worry, Arielle. Ako na sasalo sayo mukhang bagay naman sakin yang costume mo" singit ni Kida. Kaya tumango na lang niya at agad nagpaalam ang mga ito sa president at agad naman itong pumayag lalo na ang magiging kapalit niya ay si Kida
"Enjoy kayo!"
Kaya napangiti silang dalawa at nagulat siya ng bigla siyang akbayan ni Krypton, "Let's go, Elle. Alam ko may magandang movie naipapalabas ang taga HUMMS" masayang sabi nito. Kaya napangiti siya dahil feeling niya date nila ngayon, "let's go!"
"AY! Grabe nakakapagod" sabi ni Kioshi. Habang tinatangal nito ang costume niya pang pari dahil umaga palang ay dinumog na sila gustong magpakasal, "sinabi mo pa, ang init!"
"Tara, kain muna tayo kanina pa ako gutom!" Aya ni Kioshi. Habang inaayos nito ang mukha niya dahil sobrang oily ng mukha niya, "gosh! Ang haggard ko na!"
Kaya napailing siya at inaayos din niya ang mukha nito dahil halos nakailan irap siya dahil yung ibang mga babae ang aarte! At yung iba naman couple puro na lang landian
But still masaya pa rin siya dahil hindi nasayang ang kanilang pagod sa pag-aayos ng booth nila at masaya rin dahil dalawang araw walang pasok dahil foundation day, "done! Let's go n—aray ko! Bakit?" Inis na sabi niya.
"Tignan mo yung bebe mo!" Sabi nito. Sabay turo nito sa lalaking busy sa pagkuha ng order habang nakasuot ito ng maid costume, "Tara, puntahan natin!"
"Hey! Sexy. Ang ganda ng suot natin ah!" Pang-aasar niya. Kaya napabuntong hininga ito at tamad na lumapit sakanila, "hi, good morning! Welcome sa ABM cafe, anong order nyo?" Masigla nitong sabi. Kaya napangiti siya
"Hmm, pwede bang...ikaw na lang order ko" sabi niya. Sabay kindat kaya napailing ito
"Zarou, pwede ba wag mo na ako asarin!" Sabi nito. Kaya mas itong napangisi...eto talaga kasi ang gusto nito ang makita niyang mainis dahil gusto niya makita kumunot ang noo nito
"Why? Seryoso naman ako ah! Kioshi picturan mo nga kami gusto ko ng remembrance" sabi niya. Kaya agad ngumiti ang kaibigan niya at nilabas ang phone nito, "Okay, sis!"
Kaya walang nagawa ito at tamad na ngumiti sa camera, "aba! Ngumiti ka naman" Sabi ni Kioshi kaya sumunod na lang ito at agad itong ngumiti at akbayan ang babae, "ayan!"
"Ang ganda ng shots mo, teh!"
"Your welcome, tomboy"
"Ganda mo tal—hmp!" Naputol ang sasabihin niya ng halikan siya nito sa labi at halos hindi niya maigalaw ang katawan niya dahil sa sobrang pagkabigla, "Whats that for? Bakit mo ako hinalikan!" Inis na sabi niya. Habang hinahampas niya ito sa braso pero wala siyang nakuhang sagot at patuloy lang ito sa pag ngisi
"Isang asar mo pa sakin, Zarou. Hindi lang halik ang gagawin ko sayo" sabi nito. Saka siya nito iniwan kaya agad kinuha niyang ang sapatos niya at binato niya ito sa lalaki
"Napakagago mo!"
Pero imbes magalit ito sakanya ay mas lalo pa itong napangiti, "Ilove you too, Zarouhi" sabi nito sabay kindat sakanya. That jerk!
"Sanaol hinalikan!"
"Che, umalis na nga tayo. May araw ka rin sakin Kida!" Inis na sabi niya at agad niyang kinuha ang mga gamit niya, "ang galing mo talaga Kida! Da best ka" bulong nitong sabi
YOU ARE READING
Paranormal Investigative Club | ✔︎
ParanormalNagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng bago, kakaiba at may paranormal touch? Kung Oo, dito ka na lang saamin! Sa Paranormal Investigative Club at sabay natin tuklasin ang kakaiba...