XXV.
“AMPUCHA! TALON! TANGINA! TUMALON KA NA!” Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng mga tae dito sa ospital. Wala akong pake kung nakakaabala ako. Pero di ko palalagpasin ang kagaguhan ng tarantadong to!
“Sabi mo di mo kayang mabuhay na wala siya! ULOL! Kanina mo pa pinadudugo ang tenga ko sa mga walangyang linyang 'yon! Kasasabi lang ng doktor na wala na siya. Na hindi na kinaya ng puso niya. PAKAMATAY KA NA! BILIS! BILISAN MO! PUTA! GAWIN MO!” mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko para marinig niya. Andami kasing tae sa paligid. Nagbubulungan na mga tae. Tss.
“Nasan ba yung guard?! Hulihin niyo nga ang lalaking 'to! Napaka eskandaloso!” reklamo ng isang nurse.
Di ko yun binigyang pansin, pake ko ba sa BOBONG tulad niya? Imbis na intindihin yung akay akay niyang pasyente, nandito siya nakiki-osyoso sa kakornihan sa hallway. Siguro kakornihan narin itong pakikialam ko. Pero pake ba nila? E sa gusto ko! Ang gago kasi ng lokong to. Harang sa dadaanan ko.
Kaso ang problema yung sawing ungas hindi ako naririnig. May sarili siyang mundo habang nakatingala sa langit.
Putangina naman oo. Anong KAGAGUHAN to?
Nasa 7th floor kami ng ospital at andun siya ngayon nakasabit sa railing. Sinadya siguro talaga na gawing hapon 'tong setting e. Kitang kita yung paglubog ng araw sa harapan niya. Ito yung drama na madalas makita sa mga pelikula.
Pucha. Andaming alam.
Isang hakbang nalang, malalaglag na siya. Babagsak na siya! Ilang sandali nalang magkakalat ang dugo niya sa kalsada, mababali ang mga buto niya. Kung sweswertehin pati utak ng ulol na 'to magkakalat sa kalsada.
“Diyos ko! Bakit hindi nalang ako ang kinuha mo? Bakit siya pa?! Bakit ang babaeng mahal ko?!”
Tsk. Ang dami talagang alam nitong gago.
“Sir, pakiusap ho, huminahon po kayo!” Pag-aalo nung doktor na ilang distansya lang ang layo sa likod niya.
“Huminahon!? HUMINAHON! Nasa loob ng kwartong yan ang asawa ko! Patay na siya! PATAY NA!” nagsimula nanaman siyang magwala at magsisigaw na parang asong ulol.
Para siyang babae kung makahagulgol. NakakaBOBO. Nakakarindi.
Humakbang ako palapit, “Hoy! GAGO! GAWIN MO! GAWIN MO NA NG MATAPOS NA TO!” At ng makadaan na ako.
“Mahal ko! Bakit iniwan mo’ko! Tadhana ang naghatid sakin sa’yo! Tadhana rin ba ang babawi ng pagkakataong ito?!”ngawa niya. Dapak! Pake ko ba sa tadhana? Nang-aasar talaga to a!
“Natutulog ba ang Diyos?! Kung Diyos siya! Bakit di Ka niya magawang buhayin!? Bakit di ka niya maibalik sa'kin!? Bakit ka niya kinuha!? NINAKAW KA NIYA SA’KIN!” mula sa pwesto ko, kitang kita yung pagtalsik ng laway niya. Totoo pala talaga na pag sobrang galit o matindi ang emosyon nabubulol ang mga hayop tulad neto.
“Isa akong Katoliko na nilaan ang buong buhay ko sa pagdadasal sa Kanya! Pero ano 'to?! Isang pagtra-traydor! Traydor ang tadhana! Traydor ang Diyos! Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito! Paliligayahin pa kita! Mahal ko!” rinig ko ang kalunos lunos na pagsusumamo niya at gusto ko siyang gilitan sa leeg.
Putangina. Putangina. Putangina. Yun ang narinig ko sa mga pinagsasabi niya.
Ano ba ang gagong to? Sino ba ang kausap niya? Langya. Para namang masasagot siya ng patay. Para namang may Diyos na ibabalik ang namatay na.
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...