Corny 14

7.4K 244 81
                                    

XIV.

“Ano yun? Bilisan mo. May pupuntahan ako.” Atat na sagot niya sakin.

“San? Sa banyo nanaman ba?” Tanong ko. Seryoso yung hitsura ko nung tinanong ko yan kaya napatanga ako nung bigla niya akong sinampal.

“BASTOS KA TALAGA!”

 

“Putangina! Nakakailan ka na a!” Nanlalaki ang mga mata ko nung sinigaw ko yan sa kanya. Hinawakan ko yung braso niya at marahas na tinabig yun palayo sakin.

 

“Seryoso ako nung tinanong kita! Baka masakit tiyan mo! Ang gago mo kahit kelan! NAKAKABADTRIP KA!” Inihilamos ko yung kamay ko sa mukha. Shit. Nakakabanas talaga ang babaeng to.

 

Napatingin siya sakin tapos kumunot ang noo niya. Tss. La na ako pake kung masira tiyan niya.

Bahala siya.

“Fvck.” Dinikit ko yung likod ng kamao ko sa pisngi na sinampal niya.

Napaka walangyang babae to. Ang bayolente pa.

Nay? Kung siya ba ang dadalhin ko magkaka 300 allowance na ako?

Ah. Shit.

Sumandal siya uli sa pader dun sa tabi ko.

Kala ko aalis na ang bastos na babaeng to?

 

“A-Ano…masakit ba?” Mahinang bulong niya.

Di ko siya sinagot. Ano ako tanga? Sasabihin ko sa kanya. HINDI? Langya! Ang sarap din hambalusin minsan ng babaeng to! Lahat ng mga babaeng dumadaan na napapalingon sakin nanlalaki ang mga mata sabay lumalayo.

Kagagong plot. Anong problema sa mukha ko? E sa galit ako? Ano magagawa nila? Kung ayaw nila makita ang galit sa mga mata ko… bat pa sila titingin pabalik sakin?

Mga babae talaga… ang daming alam.

May angal? Tangna. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ako nagsusungit o nagiging masama para magustuhan nila. Pake ko ba sa kanila? Shit.

May grupo ng mga babae na magkakasamang maglakad, yung nasa gitna (syempre dahil gagong plot to, nasa gitna talaga siya at lima sila) lumingon pabalik sakin nung kinalabit siya ng isa sa mga kasama niya para ituro ako.

Ang gago lang. Ano ako? Pagkain? Turu-turo?! Amp.

Nanlaki ang mata niya nung nakita ako.

Akala ko lahat ng babae lalayo…

Iba talaga ang babaeng ito.

 

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon