X.
“Uhhh…Ahhh…T-teka…Ahh...A-Ano...uhhh…” Pinagpapawisan ako ngayon, tangna ang lagkit.
“Masarap ba?” Tanong niya sakin.
“Ahhh…haaa…haaa….haa…” Hindi ko siya masagot. Ang sarap busalan yung bibig ko. Fvck. Nasa ibabaw ko siya, at di ako giniginaw kahit na wala akong suot na t-shirt sa harap niya.
Napakababoy lang ng mga lumalabas…puro ungol...puro paghinga…
Pero masisi niyo ba ako?
Eto ang sinabi niya kanina…
“Hindi ako nandito para maghiganti, ang corny naman nun! Kabaligtaran ang pakay ko. Hindi kami close nung asungot kong kuya na yun, at dahil mahal na mahal niya ang pagmumukha niya—na siyempre sinira mo kanina… Gusto kong magpasalamat.” Nung narinig ko yung salitang magpasalamat sa bibig niya parang diring diri siya e. Parang mura yung salitang yun sa kanya.
“O?” Yun lang sagot ko.
Tumango siya at nagpatuloy, “Nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng ipapagawa sakin ng lalaking magtatangkang makagawa ng damage sa kuya ko. Kahit corny ang ganun…wala e, nakapangako na ako sa sarili ko…at dahil matino ako, tumutupad ako sa mga pangako.”
“Genie na kita ngayon?” I smirked at her. Mukhang magandang ideya nga ang ganun kahit common, pwede kong pagawin at utusan siya kahit anong gusto ko? Kahit kailan ko gusto?
“Gago, hinde.” Pinagtaasan niya ako ng kilay.
Fvck. “Ito una kong papagawa sa’yo. Itigil mo na ang pagmumura.” Sabi ko.
Baka sabihin niyo ang kapal ng mukha ko magmura tas siya pinapatigil ko?
Babae siya. Lalake ako.
MAY ANGAL?
“TARANTADO ka pala e! Pero sige na nga…”
Ha…ang landi niya nung biglang humina yung boses niya. Di ko nalang pinansin na tinawag niya akong tarantado.
“O—ano nga? Susundin mo talaga lahat ng gusto ko?” Hindi ko mapigilan ang saya sa boses ko. Tangna! Pagkakataon naman oo! Masusulusyanan na ang mag problema ko sa buhay.
Pambayad ng ilaw, kuryente, tubig… at para sa allowance at pagkain ko. Gagong pancit canton… di na ako kakain nun!
“Hindi lahat.”
Amp! Sabi na.
“Kung sabihin ko sa’yong bigyan moko ng pera, ayos lang?” Tanong ko. Walang hiya hiya. Pake ba niya ha? E sa yun naman talaga ang gusto ko. Pera nalang niya.
Ito na pagkakataon ko, palalagpasin ko pa ba?
Sorry nay, kulang talaga ang 200 na allowance—
Walang pikit-pikit niyang sagot, “Hindi rin.”
At dun na ako tuluyang nagalit.
“ANO BA! GINAGAWA MO BA AKONG TANGA! SABI MO KANINA GAGAWIN MO! SUSUNDIN MO! PUTA! EH ANO NALANG ANG PWEDE MONG GAWIN PARA SAKIN E YUN LANG NAMAN GUSTO KO!”
Itinaas niya yung noo niya at tinitigan ang mga mata ko.
Hindi ko alam pero hininaan ko ang boses ko nung tinanong ko siya neto…“Wag mong sabihin ang katawan mo? Ano yun? Isa nanamang gagong plot?”
Kung katawan niya… ano…ewan ko…
Interesado ba ako?
Tanungin niyo nalang ari ko.
Bastos ba? Oo ganun talaga.
Lalake ako.
MAY ANGAL?
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...