XXVI.
“Teka? Natatae ka ba?” walang pasintabing tanong sakin ni Cormia. Nagawa niya sabihin ang salitang tae habang kumakain siya ng mansanas at ngumunguya. Ibang klase talaga. Baboy kung baboy umasta.
Sa mga oras na to di parin kasi ako makapagsalita dahil sa takot, namumutla ang balat ko at pinagpapawisan pa ako ng malamig. Pero pucha naman! Sa dami ng pwedeng dahilan, natatae? Ako?
Di ako natatae.
Pagdating sa maseselang sitwasyon tulad ng karumal dumal na bagay na lumalabas sa butas ng pwet ng mga tao, lagi kong nakakasama ang babaeng to.
Gaguhan kung gaguhan.
Kung usapang tae lang rin naman. Ipapa-alam ko na rin to sa mga ungas na interesado, ang pagtae ko ay may nakatakdang oras. Ginagawa ko ang kabantutan na pag-upo sa ibabaw ng inidoro tuwing alas syete ng umaga. Nasanay ang katawan ko na tumae pagkatapos ko kumain ng pancit canton at dalawang pirasong pandesal na tig-dos bawat isa.
Tangina lang diba? Dos na ang pandesal ngayon! At ang halaga ng dos ay isang lunukan lang!
Yun nga atang dalawang tanginang piraso ng pandesal ang tubol na nilalabas ko sa inidoro araw-araw. Dahil ang pancit canton ay nananatili sa sistema ko. Tanggala! Nanalaytay na ata sa dugo ko ang bawat preserbatibong meron sa lintik na hayop na yon!
Nay, pag namatay ang anak mo, sisihin mo ang sarili mo at ang pagiging garapal.
“Hoy! Kung natatae kang loko ka lumabas kana!” Tinulak niya ako gamit ang malagkit na kamay niya. Malagkit yon dahil ang dugyot niya kumain ng mansanas. Nilalamutak niya kahit yung buto. Pucha! Nakakatakot. Patay gutom na ata ang kumag na to. Sa ganitong asta niya di ko maisip kung paano siya nakapasok sa Dream University. Eskwelahan yon para sa mga kiti-kiti. Mga babaeng hinahanda sa buhay ng pag-aasawa.
Biglang sumagi sa isip ang walangyang mukha ni kutunglupa kasama si Cruz. Shit.
Ha. Lakompake.
“Umalis ka na sabe! Nasa hallway yung CR! Baka magkalat ka pa ng lagim dito!”
Napangiwi ako. Nagawa ko ring magpakita ng emosyon sa harapan niya. E Ulol din kasi tong babaeng to, ang sarap niyang upakan. Di ko nga kailangan magkubeta ngayon!
Pumikit ako at di siya pinansin. Pucha naman Cormia, makisama ka. Hanggat ramdam ko na nandun parin ang bagay na yon sa labas ng pinto, hindi ako makakagalaw ng maayos dito.
Hindi ko rin maikakaila na kasalanan ko to. Bakit di ko kagad naisip na susundan ako nun kapag may ginawa akong isang bagay na di katanggap tanggap para sa kanya? Bakit di ko siya kagad nakilala? Dahil ba nagbago ng kaunte ang hitsura niya?
Posible kaya talagang magbago ang hitsura ng isang kaluluwa?
Mas lalo pa siyang pumangit. Nakakagago! Sa pagkaka-alam ko hindi ako mapanlait na tao, pero pucha naman. Sinong nasa tamang pag-iisip ang sasabihing normal pa ang apog ng pagmumukha niya.
Inuuod na.
Nilunok ko ang laway ko ng di oras.
Inuuod na.
“Hoy! Kinakausap kita ha!” Hindi ko alam kung nagsasalita ba ang bastos na babaeng to o umuutot, pero ang baho ng hininga niya.
“Bakit ka pa kasi nagpunta dito! Makiki-aircon ka lang e!”
Ang baho talaga! Tangina! Ang sangsang ng amoy! Mauupakan ko na to!
“Natutulog kaba!? Ha?! Tinutulugan mo ba ako ha!?”
Pinandilatan ko siya ng mata.
Tangina shit.
Wrong move.
Nakapasok na yung bagay na yun sa loob ng kwarto.
At heto nga, habang nakayuko ako kaharap ko na ang madugong mukha nung gago. Langya! Nakabaliko ang ulo niya para makatingin siya sa mga mata ko. Nakabaluktot ang leeg at katawan niya sa kahindik hindik na posisyon.
Mariin akong napatiim para hindi sumigaw. Para hindi ipakita na natatakot ako sa ginagawa niya. Tae. Nakakabakla. Pero king ina niya! Hindi ako ganon kahina!
Kaya pala ang sangsang ng amoy. Puta. Nasa harapan ko ang inuuod na ulo nung hayop.
“Hi.”
Alam kong ako lang ang nakakarinig sa pagbati niya. Alam kong ako lang ang nakakakita sa nasagasaang pagmumukha niya.
“Magandang hapon sa’yo Frey.”
Pakyu! Kung pwede ko nga lang siyang duraan matagal ko nang ginawa. Kung pwede nga lang siyang tadyakan, taena! PAULIT ULIT KO PANG GAGAWIN! Mamatay lang siya ulit!
Masyado siyang papansin. Kahit kailan hindi na siya nagsawa sa pangdedemonyo ng buhay ko. Ilang beses niya nang ginawa to. Ang magpakita at gulatin ako.
Kelan niya ba ako lulubayan?!
Gusto ko ipikit ang mga mata pero di ko kaya. Para na rin niyang pinanghahawakan ang kaluluwa ko sa ginagawa niya. Badtrip!
Nakatirik ang mga mata niya at wala ng itim ito. Pero kahit na ganon, alam kong nakatingin siya sakin dahil sa tusong ngiti sa gutay gutay na labi niya.
Ni minsan hindi niya inalis ang mga matang yan sa pagmumukha ko. Kahit bago siya mamatay. Nakatingin siya sakin.
Sinisisi ako.
“Frey. Na miss moko no?"
Ulol ka. Ang corny mo tanga!
Bullshit. Hindi ko yun masabi sa kanya.
---X
Dedicated kay JAN na sobrang sweet grabe :"> wagas kung wagas magmahal!
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...