XXVII.
Hindi parin kami umaalis sa ospital. Kung ang mga kengkoy sa tv hindi nagpapalit ng damit, dito hirap umusad sa setting.
May bastos na babaeng nakaupo sa harap ko, at may gagong bangkay sa pagitan namin. Nabuhay akong matino ayon sa depinisyon ng salitang 'matino' para sa animal na to. Malayo sa mga tao. Malayo sa kakornihan ng mundo.
Siya ang huling sinabihan ko ng mga salitang...ayoko na sanang ulitin at sabihin pa.
"Dahil akin ka lang Frey at sabi mo mahal mo ako diba?"
Andyan parin ang nakapanghihilakbot na ala-ala sa utak ko. Kapitbahay namin siya. Siya ang babaeng parating nakatanaw sa bintana mula sa kabilang kanto. May sayad siya sa utak yun ang sabi nila.
Sa tuwing naglalaba ako ng uniporme nung highschool ramdam ko ang mata niya sa likod ko. Hanggang sa isang araw, ang malagkit niyang tingin ay bumaon na sa balikat ko.
"Hi."
"Bye."
Dun lang talaga ang flashback kase wala na talagang nangyare sa araw na yon. Natunugan ni kupal na ayoko ng asungot dahil naglalaba ako.
Pero bumalik siya.
"Hi!"
"Die."
"Hahaha! Ang suplado mo naman."
"O?"
"Pero alam mo mas suplado pag di ka sumasagot. Yung tipong tahimik ka lang at di mo ako papansinin?"
"K."
Naging abala ako sa paglalagay ng downy sa planggana at di pinansin ang pag-ikot ikot niya sa pwesto ko. Maya-maya konti nung binababad ko na ang mga puting damit ko, walang pasintabing tumabi sa'kin si kupal. Nangamoy pulbo ang paligid nung idikit niya ang katawan nya saken sabay turo sa isang balde.
"Bakit may lampin kang labahin?"
Hindi ko siya kinibo dahil pahiya ako konte sa napansin niya. Pucha naman kasi si nanay e. Ako pa pinaglaba netong nataihan ng dewende. Naninilaw yung lampin kaya inihiwalay ko muna. Inuna ko yung uniporme ko.
"Bakit parang mahal na mahal mo ang uniform mo?"
Dahil napansin kong hindi siya aalis hanggat di ako sumasagot ng matino sinagot ko na siya.
"Hindi ba pwedeng magkagusto sa isang bagay na walang dahilan? Pwede bang bigla ko nalang naramdaman at hindi ko na maiwasan?"
Ngumiti siya at napansin ko na tulad nung lampin na puno ng tae. Naninilaw ang ngipin niya."Pag-ibig yon diba?"
Tangina. Natawa ako sa sinabi niya. Yang hayop na mukhang yan nagawang sabihin ang mga salitang mahirap paniwalaan. "Lagi nalang ba yun ang sagot? Makinig ka bobo. Ang pakiramdam na yon ay di lang para sa kabulastugang pag-ibig na sinasabi mo. Pwedeng gusto kong pumatay kasi gusto ko lang. Gusto kong kumain kase gusto ko lang. Tumae dahil gusto ko lang."
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...